Chapter #35

186 5 5
                                    

Senna's P.O.V

Marahan kong ginagamot ang pumutok na labi ni Sayner. Ito kaagad ang nakita ko kanina pagsundo ko sa kambal. Bakat pa ang mga daliri ni Dulcie sa pisngi ng anak ko. Kitang-kita ko rin ang dugo at sariwang sugat sa gilid ng niya. Nang makita ko ito kanina ay talaga namang uminit ang ulo ko sa galit.

Kaya hindi ako nagdalawang isip na sugurin siya kanina at talagang hindi ako nagpigil kanina. Nawalan lang siya ng malay, ai. Kung hindi sisigurihin kong hindi na niya makikilala ang pagmumukha niya.

Hindi pa kami tapos. Magkikita pa kami. Para pa lang kay Sayner ang ginawa ko sa kaniya at kulang pa 'yon. Sa susunod na pagkikita namin ay para naman sa anak kong namatay.

Nang matapos ko ang paggagamot ko ay agad kong niligpit ang mga nagamit ko pero habang mag-aayos ako ay napalingon ako kay Zayan na kanina pa tahimik.

"Zayan, anak?" tawag pansin ko sa kaniya.

Nakayuko siya at hindi ako tiningnan. Nagkatinginan kami ni Sayner.

"Kuya," malambing naman na tawag ni Sayner sa Kuya niya pero nanatili pa rin itong nakayuko.

Kinabahan ako kaya kaagad akong lumapit sa kaniya. Hinawakan ko siya at marahang pinaharap sa akin. Nanlambot naman ang aking kalooban nang makita kong namumula ang kaniyang mga mata, tila pinipigilan niyang umiyak.

"Zayan, anak, what's wrong?" nag-aalalang tanong ko.

"Mom," Nagulat ako tuluyan ng tumulo ang kaniyang mga luha.

"I'm sorry," umiiyak na hingi niyang ng tawad.

"Why?" mahinang tanong ko naman.

Kinuha ko siya at niyakap. Sumiksik siya sa akin at mas umiyak pa.

"I'm sorry p-po. I disappoint you again. I-I couldn't protect my brother f-from her." wika niya habang patuloy siyang umiiyak.

"Kuya, it's not your fault naman, and we both don't know that she's coming." saad naman ni Sayner sa Kuya niya.

"I'm sorry, Akihiro. I'm your big brother, but I didn't fulfill my promise that I'd protect you." saad ni Zayan sa kaniyang kapatid.

Umiling si Sayner kay Zayan. Nginitian niya pa ang kaniyang Kuya at lumapit din sa kaniya.

"Zayan, don't blame yourself. Like Sayner says, it's not your fault. At hindi rin nangangahulugang hindi mo naprotektahan ngayon si Sayner ay hindi mo na ito magagawa ulit. Isa pa, bata ka pa, oh. I'm sure, paglaki mo, hindi lang si Sayner ang pro-proteksiyunan mo. Pati na rin ako at si Daddy ay magagawa mo na ring protektahan." mahabang paliwanag ko sa anak ko para hindi niya dibdibin ang mga nangyari.

"Mommy is right, Kuya Luke. So please don't, and stop blaming yourself." segunda ni Sayner.

Nagyakapan ang dalawa at pinatahan ni Sayner ang Kuya niya. Nang bumitiw sila sa isa't isa ay sa akin naman bumaling si Zayan.

Binigyan ko siya nang malawak na ngiti. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at marahang hinaplos ito.

"I am not disappointed in you, Zayan. Kailanman ay hindi ako madi-disappoint sa panganay ko. You are the best Kuya ever, anak." ani ko sa kaniya.

"Come," dagdag ko,

Lumapit siya sa akin at niyakap ko si Zayan. Pinalapit ko rin si Sayner na kaagad naman siyang sumiksik sa akin.

Zayaner's P.O.V

Pinanonood ko lang ang mag-iina ko. Hindi ko masisi kung bakit sobra ang galit ni Senna kanina habang kaharap si Dulcie. Kahit ako ay hindi makapaniwalang nagawa niyang saktan si Dulcie ng ganoon kadali. Hindi na ako nangi-alam pa kanina dahil hindi rin naman magpapaawat si Senna.

Taming The Mother of my Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon