Chapter #36

189 6 2
                                    


Senna's P.O.V

"Zayan, please hold on! D-Don't leave me, please! Don't leave, Mommy!" Patuloy kong pakiusap habang mabilis naming tinutulak ang stretcher kung saan nakahiga si Zayan na duguan.

"We're almost there, baby. Hang on, please!" ani ko, pag-angat ko ng tingin ay malapit na kami sa emergency room.

"Miss, hanggang dito na lang po kayo." Hinarangan ako ng isang nurse. Nabitiwan ko ang kamay ni Zayan at tanging nagawa ko na lang ay tingnan ang anak kong papalayo sa akin.

Humakbang ako paatras. Pumasok ang nurse na pumigil sa akin at sinara ang pinto.

Walang tigil ang pag-agos ng aking mga luha sa aking pisngi. Ni hindi ako nag-abala na punasan pa ito.

Wala sa sarili akong napatingin sa aking kamay na mga bahid ng dugo mula kay Zayan. Na-blangko ang aking isip lalo pa nang makita ko ang pagbagsak ng anak ko kanina.

Mariin kong ikinuyom ang aking palad saka wala sa sariling tumingin sa pinto ng emergency room.

"Mommy," Natauhan ako at napatingin sa gilid ko.

Mas lalo pa akong napaluha nang makita ko si Sayner na umiiyak na rin.

"I'm sorry! I'm sorry! I'm sorry! It's my fault po!" paulit-ulit niyang hingi ng tawad sa akin.

Umupo ako at pinantayan siya.

"No, baby. It's not your fault, okay? Wala kang kasalanan." ani ko saka niyakap siya.

"Magiging okay si Kuya Luke." dagdag ko pa habang hinimas ko ang kaniyang buhok.

Tumingin muli ako sa pinto ng emergency room. Pinigilan kong humagulhol ng iyak at maglikha ng ingay. Napahigpit ang yakap ko kay Sayner dahil sa kaniya na lang ako humuhugot nang lakas.

Please! Not my child again. Huwag ang anak ko. Huwag ni'yo siyang kunin sa akin. Napakabait na bata ni Zayan.

"Senna," Sabay kaming napabitiw sa pagkakayakap ni Sayner.

"Daddy!" Pinakawalan ko si Sayner at hinayaan ko siyang pumunta sa kaniyang ama.

Agad na sinalubong ng yakap at binuhat ni Zayaner si Sayner na mas umiyak sa kaniyang mga bisig.

"Daddy, si Kuya Luke nasa l-loob. T-there's a blood coming out of his body." umiiyak na sumbong ni Sayner kay Zayaner.

Nanatili akong nakaupo dahil hindi ko magawang tumayo dahil sobrang nanghihina ang aking mga tuhod.

Thinking na iyong anak ko nasa loob ng emergency room habang nag-aagaw buhay ay siyang nagpapalambot sa akin nang husto.

I remembered yesterday, I saw him cried. Iyon ang unang beses na nakita ko siyang umiyak sa buong pag-aalaga ko sa kaniya. He felt so guilty because he couldn't protect his brother, but today he did. Not just his brother. He includes me. 

"Shhh! Our son will be alright. He is a strong kid." Rinig kong ani sa akin ni Zayaner na hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin.

Naramdaman kong binuhat niya ako at inupo sa upuan. Nang tumingin ako sa paligid. Hindi lang si Zayaner ang narito. May nakita pa akong dalawang lalaki na kasama yata kanina pagdating ni Zayaner.

Pero hindi ko na lang sila pinansin. Nasa anak ko ang buong atensiyon ko. Hindi ko nga naririnig ang mga sinasabi ni Zayaner sa akin. Mayr'on siyang sinasabi pero hindi ko siya maintindihan.

Pinagsiklop ko ang aking mga palad at ginalaw-galaw ang isang tuhod ko. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Gusto kong pumasok sa loob at tingnan ang kalagayan ni Zayan.

Taming The Mother of my Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon