Chapter #30

186 4 1
                                    


Dulcie's P.O.V

Habang tumatagal ang pagkakatitig ko sa mga larawang nasa harap ko ay tumataas din ang inis na nararamdaman ko. Humihigpit ang kapit ko sa hawak kong wine glass hanggang sa tuluyan na itong mabasag.

"No!" mahina kong bulong na hindi pa rin naalis ang tingin ko sa pictures.

"No! No! No! No! Nooooooo!" mula sa mahina hanggang sa malakas akong sumigaw sa sobrang inis.

Hinawi ko ang lahat ng gamit na nasa ibabaw ng mesa.

"Hindi! Hindi puwedeng magkabalikan sila." ani ko, napahawak ako sa aking ulo at napatayo.

Iniisip ko pa lang na magkakabalikan sila ulit ay nanggagalaiti na ako sa galit.

"Senna! You bitch!" sigaw ko.

Sa sobrang galit ko ay binasag ko lahat nang nakikita ko. Tinapon ko ang mga nahahablot ko.

"Zayaner is mine!!" malakas kong sigaw.

"Dulcie? What are you doing?" Rinig kong wika ni Mom.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang braso.

"Mom, Zayaner is mine. Ikakasal pa kami. Hindi sila puwedeng magkabalikan, Mom. Akin lang siya!" gigil na gigil kong wika habang niyuyogyog siya. 

Lumayo ako sa kaniya.

"Akin lang siya! Akin na lang siya!" paulit-ulit kong bulong.

Nadapuan ng tingin ko ang isang matalim na bubog sa sahig. Agad ko itong kinuha at itinapat sa pulsuhan ko. Ibabaon ko na sana ang hawak ko ng pigilan ako ni Mom.

"Don't! Stop it, Dulcie!" pakiusap niya.

Marahan akong umiling sa kaniya.

"Pupuntahan ako ni Zayaner kapag,,, kapag nalaman niyang nasa hospital ako." maluha-luhang wika ko.

"Babalik siya kaagad sa akin, mom. Please let me do it." Niyakap ako ni Mom.

"Pupunta rito si Zayaner. I'll call him, okay." Tumingin kaagad ako sa kaniya.

"You'll call him? Pupunta siya rito, 'di ba?" saad ko,

Tumango-tango si Mom saka kinuha ang hawak ko. Niyakap niya ako muli at hinayaan ko naman siya.

"Pupunta rito si Zayaner." mahinang bulong ko.

Akin lang si Zayaner. Akin lang siya! Walang makakakuha sa kaniya. Ako lang ang nagmamay-ari sa kaniya. Hindi siya makukuha sa akin ni Senna.

"Zayaner is mine!" Patuloy kong bulong sa aking sarili.

"Yes, Dulcie. Zayaner is yours. Just yours. Please, calm down." Rinig kong mga wika ni mom, mahigpit siyang nakayakap sa akin.

"Shhhh! Calm down, Dulcie. Look! Look at me." Pinaharap ako ni Mom sa kaniya. Tumingin ako sa kaniyang mga mata.

"Sa'yo lang si Zayaner." Agad akong tumango. Pinunasan niya ang aking mga luhang hindi ko napansin na bumubuhos na pala.

"We'll get him back again. Makukuha natin siya ulit, okay? Now, you have to calm yourself. Gusto mo bang makita kang ganito ang ayos mo?" tanong niya na agad akong umiling.

Mabilis na tinuyo ko ang aking mga luha at huminahon. Tumingin ako sa paligid namin. Doon ko lang napansin na maraming mga kalat. Tumayo ako at liligpitin na sana ang mga ito ng hawakan ako ni Mom.

"Hayaan mong ang mga katulong natin ang maglinis ng mga 'yan." pigil niya sa akin.

"Halika! Maglinis ka na muna ng iyong sarili." mahinahon niyang dagdag.

Nagpatangay na lamang ako kay mom dahil tama siya, kailangan kong maglinis muna ng aking sarili ng sa ganoon, maganda at presentable akong tingnan kapag nagkita kami ni Zayaner.

****************

Nang maikalma ko ang aking sarili kanina ay agad kong tinungo si Mr. Tuarez, Zayaner's grandfather.

Pagkarating ko sa kaniyang office ay itinapon ko sa harapan niya ang mga larawan nina Zayaner at Senna. At hindi lang iyon, may mga bata silang kasama.

Ayokong tanggapin na anak nila ang batang kasama nila.

"You know that hindi negosyo at kompanya ang pinuntahan ni Zayaner sa pilipinas. Si Senna ang kaniyang pinuntahan at balak niyang makipagbalikan sa kaniya." galit at mariin na bungad ko sa kaniya.

"Hello to you too, Dulcie." nakangiting tugon niya sa akin na siyang pagkabuhay ng inis ko.

"Relax, Dulcie. Marahil na magkasama nga sila pero hindi naman niya makukuha ulit ang babaeng mahal niya. Huwag kang mag-alala kusang babalik dito si Zayaner. Kusang lalapitan at babalikan ka ng apo ko. Just be patient, Dulcie." natatawang wika niya pa.

"Relax! Paano ako makakampanti? Magkasama silang dalawa. Hanggang kailan ako maghihintay? Alam nating pareho na si Senna naman talaga ang mahal niya at hindi ako. At sino ang dalawang batang kasama nila?" silyak ko pa.

Tiningnan niya ang mga larawan at kinuha niya ang isa. Iyong larawan ng mga bata.

"These are their children." simpleng sagot niya sa akin.

"What do you mean by their children?" tanong ko.

"Anak nilang dalawa. Hindi nga ako makapaniwala na nalusutan ka nila. It's your fault too. Iniwan mo si Zayaner. Hindi ka rin kasi nag-iisip." sumbat niya sa akin.

"Kung iyong pina-abort mong bata ay pinaako mo na lang sa apo ko. E, di sana wala ka ng problema. Hawak mo na sa leeg si Zayaner." mahabang sermon niya sa akin.

"Tingin mo ba gan'on kadaling lukuhin ng apo mo? Ni hindi niya nga ako hinahawakan, mahalikan pa kaya? Malamang sa malamang hindi siya maniniwala na anak niya ang dinadala ko." mabilis ko namang depensa.

Sa pagsasama namin ni Zayaner nang mahabang panahon. Sa public ko lang siya nahahawakan at sa kamay lang. Kapag kaming dalawa lang ay ang lamig niya na sa akin.

"Kasalanan ito ni Senna, e. Lapit nang lapit kay Zayaner." maktol ko.

"Speaking of her, binigyan na kita ng pagkakataon para ligpitin ang babaeng iyon pero anong ginawa mo? Buhay pa rin siya hanggang ngayon. Binuhay mo pa siya. Kaya ayan! Gumawa ka ng paraan para makuha mo ulit si Zayaner sa kaniya." muli niyang sermon sa akin.

Naikuyom ko ang aking palad.

Letseng babaeng iyon talaga! Bakit ba kasi hindi siya mawala-wala sa landas naming dalawa ni Zayaner?

Akala ko napatay ko na siya. Nawala kasi siya at hindi nagparamdam. Akala ko natuluyan ko na siya, pero ang bruha nakaligtas at nabuhay pa pala.

At ngayon, hindi lang isa ang liligpitin ko. Nadagdagan pa ng dalawang bubwit.

At ang nakakainis pa dahil naisahan ako ni Zayaner. Pinauwi niya ako rito sa America para magkaroon siya ng oras kay Senna. At ang bruha! Ang pagkawala ko na naman sa paligid ni Zayaner ang kinuhang oportunidad para makalapit kay Zayaner.

Oportunista talaga ang babaeng iyon! Hindi talaga siya marunong lumayo kay Zayaner.

Inis akong tumalikod.

"Where are you going?" Rinig kong tanong niya.

"Babalik sa pilipinas at kukunin ko kung ano ang akin." sagot ko ng hindi lumilingon sa kaniya.

Malas lang ni Senna dahil hindi siya namatay noon. Puwes, ngayon! Makikita niya kung paano mawawala ang mga anak niya sa harapan niya.

Ang anak niya ang una kong buburahin. Tingnan natin kung hindi lumuhod sa harapan ko si Senna.

Lihim akong napangisi. Gusto kong makita ang lumuluhod at nagmamakaawang Senna sa harapan ko.

Ang makita iyon ay siyang magiging pinakamagandang araw sa buong buhay ko.

TheKnightQueen 🍀

Taming The Mother of my Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon