Moving in

89.1K 1K 49
                                    

CLEAN VERSION :) ORIGINAL SCENE SA SOFTCOPIES :)

yuhuu! eto na, sana magustuhan nyo ulit :)

please vote and comment :)

ohh and follow me @xiomaiiii wahaha

****

Eris POV

"Pa, aalis na po kami .."

kanina pa umiiyak yang baby girl ko .. pano naman ang arte ng asawa ko.. mukha na tuloy syang tanga ..

"Jacob mahal , aalis na daw yung anak mo oh .."tawag ko sakanya na busy sa panunood .. 

nag tatampo sya e. hayaan nyo na ..

"huh? may nag sasalita ba? wala akong naririnig .." tignan nyo na? parang bata e amoy lupa na ..

"pa ! " hagulgul na naman ni Serenity . tss tss ..

"Eris mahal, inaantok na ko . tara tulog na tayo .. ohh? anjan pala kayo.. pakisara yung gate namin pag labas nyo ok? " sasapukin ko na talaga tong lalaking to . ang oa !

hindi na ko nakapag salita pano hinila na ko ni Jacob ..

"punyeta ka! ang oa mo .. halos sipunin na anak mo sayo .." galit galitan kong sabi ..

"tanga tama lang yun .. nakuu! mauubos talaga yung bala ko pag pinaiyak ni Gian yung baby girl ko!" gigil na sabi nya

"dapat sayo mo iubos yang bala mo .. siraulo ka ikaw ang nag papaiyak sa anak mo e.." parang nahimasmasan naman sya , 

"mali ba yung ginawa ko?" umiling lang ako tsaka ko sa niyakap

"hindi mali , pero oa ka e.. " sumiksik naman sya sa leeg ko

"tingin mo dapat tulungan natin sila pag wala na silang makain?" tanong nya .. umiling naman ako

"hindi agad agad.. hayaan muna natin silang mag ulam ng asin tsaka toyo .." wala naman ng nag salita samin ..

akala nyo madali ah .. pero kaya namin to .. nag tatampo kami kasi di nila kami ininvite sa kasal nila. dapat kami yung mag peprepare e!

****

Gian's POV

"Angel , kain na tayo .. mamaya mo na ituloy yan!" tawag ko sakanya . pag titiklop kasi sya ng damit nya e.

"yehey! anong niluto mo?" excited na tanong nya pag dating nya sa kusina ..

"hmm.. kumakain ka ba ng itlog ? yun lang alam kong lutuin e.." 

"yup! favorite ko yan!" nakangiting sabi nya ..

Pleasure MeWhere stories live. Discover now