VIII

41 3 0
                                    

ℭ𝔬𝔫𝔳𝔢𝔯𝔰𝔞𝔱𝔦𝔬𝔫


"Isa ka pa, Lesley! Wala ka na nga ambag sa pamilya mo, wala ka pang ambag sa kakampi mo!" Narinig ko ang sigaw ng aking nakababatang kapatid sa loob ng kanyang silid.


Agad akong pumunta sa kwarto niya dahil narinig ko siya sa kwarto ko. Magkatabi ang kwarto namin kaya rinig ko ang boses niya. Gabing-gabi na bakit gising pa 'tong batang 'to. 


10PM na kasi ako naihatid ni Chandler dito sa bahay. Pagkatapos nun ay nag-shower ako at may ginawa pa na kung ano-ano. 11PM ako natapos mag-ayos sa katawan ko kaya nagulat na lamang ako nang biglang sumigaw si Yael sa kwarto niya.


Pagbukas ko ng pinto niya, madilim ang kwarto niya, tanging ang LED light lang ang nagliliwanag sa kwarto niya kaya binuksan ko ang ilaw sa kwarto niya pero naka-focus pa rin ang mata at daliri niya sa cellphone niya.


Nakasuot siya ng pulang pajama at nakaupo sa kanyang game chair na may headset sa ulo. Rinig na rinig ko ang boses ng hero na ginagamit niya. Naglalaro siya ng ML. Habang naka-on ang PC niya, tumutugtog ang kanta ni Hev Abi.


Pumasok ako sa kwarto niya, pero hindi niya pa rin ako pinapansin.


Gigil na gigil siya kakapindot sa cellphone niya. "Amput-" Itutuloy pa sana niya ang sasabihin niya ng bigla akong nagsalita. "Sige ituloy mo." I said that as my arms were crossed, my legs were the same, while my body was leaning against the side of the door, watching him.


He removed his headset right away and gave me a strong look, which made me raise my eyebrows in response.


"Why aren't you asleep yet? It's late, Yael." I scolded my brother.


He looked at his cellphone for a moment and pressed something. Nag-off mic ata.


"E ate hindi pa naman ako inaantok." Napakamot ulit siya ng ulo at bumuntong-hininga. "Bakasyon naman po kasi at walang pasok." Sabi niya habang ngumuso na hawak pa rin ang cellphone.


"Okay," I calmly said. "Pero dapat matutulog kana pagkatapos mo maglaro, makakasama kasi yan sa health mo, Yael." Tumango siya, pero ngumuso pa rin.


Hindi ako kuntento sa pagtango niya, huminga ako ng malalim at sinabing, "Promise?" Agad siyang lumingon sa akin, nagtaas ng kamay, at nag-pinky promise.


Pinatay ko ang ilaw sa kwarto ni Yael at lumabas na. Sa tuwing nag-pinky promise si Yael, tinutupad niya iyon, kaya kuntento ako kapag ginawa niya ito. Pumasok ako sa kwarto ko at ni-lock ito. Tuwing matutulog kasi ako ay lagi ko 'tong sinasara. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong ginagawang masama.


Kinuha ko ang bag ko at iniligpit ang laman nito. Pagkabukas ko ay may nakita akong maliit na itim na bulaklak. Tiningnan ko ito ng ilang segundo at tumayo para itapon. Hindi talaga ako mahilig sa itim na rosas, kaya bakit may gano'n sa bag ko? Hindi ko na lang pinansin ang nakita ko at kinuha ang laptop ko para makipag-chat kay Chandler.

La Fleur MauditeWhere stories live. Discover now