Due

22 2 0
                                    

Hindi ko na hinintay pa sila mommy na balikan kami sa sala, nagdecide nalang ako on my own na babalik na sa mga friends ko. I don't want to be with that guy. I know rude na iwan ang visitor but hayaan na nga. He's malaki naman na and hindi naman siya maliligaw sa house namin.

Kung maka-tell siya na dapat ako mag-tell sa parents ko na I don't want to marry him, as if naman it's madali. Siya nga din, he can't say no to his parents.

They are all still having fun when I came back. Medyo mapungay na din ang eyes ni Vernon na kaagad na nakasalubong ang gaze ko because sakanya naman talaga ako nakatingin. Nginitian niya ako but I can't even lift the sides of my lips because hindi naman ako happy. I tried to force it and I succeeded to show him a small not genuine smile, sana he's too drunk to notice na I have a problem.

I don't want to be unfair to him.

Mas lalong lumalim ang gabi at nagpaalam na rin silang uuwi.

"You can all stay naman sa guest room kasi sobrang gabi na." I tried to convince them but Geraldine just shook her head and walk towards me to give me a kiss on the cheeks.

"Maaga pa flight namin ni kuya tomorrow, thank you Lia." I nodded and hinatid namin sila ni Cha sa may parking. I'm kampante din naman na makakauwi sila ng safe because they have their driver.

Luminga linga pa ako before I tiptoed to kiss Vernon's cheeks. Mas namungay ang lasing niya nang eyes.

"I love you, I'll miss you." He said in a very malambing na tone.

"I love you too, ingat kayo sa trip niyo, bye." I said before ko siya tinalikuran because baka manotice niya ang pagba-blush ko. I can even hear the girl's giggle before ko nafeel ang pagsundot ni Cha sa sides ko.

"Dalaga na talaga si Lia."

"Matagal na akong dalaga, Cha." I corrected her.

I'm already twenty years old. While Vernon and Cha is two years older than me. In our circle, ako ang youngest. I was in a special program in high school that also made me finish it earlier than kids my age.

Nag-sstart na din umalis ang mga visitor namin. Ang natitira nalang sa garden ay friends ng mga sister ko and they are still drinking.

Pinangungunahan pa iyon nila Cleo at Allison. Those two. Palibhasa they are still a minor and ito lang ang chance na pwede sila uminom nang walang limit because nasa house lang naman.

Our parents let us taste liquor kasi they believe na kapag pinagbawalan kami, lalo sila sasawayin. We have that kind of freedom. Sana sa pagpili rin ng husband ko may freedom ako.

Sabay kaming pumunta sa room ko. Wala nang tao sa living room, buti naman umalis na mga visitor ni mommy. Hindi ko na rin alam if asan si mommy, hindi ko na siya nakita the rest of the party, baka nagpahinga na.

Cha and I are now in my room. We're both wearing a facemask and a cute headband. I'm wearing a Cinnamoroll one and she's wearing the Melody one. We both love Sanrio.

Pareho kaming punong puno ng Sanrio things ang room and I find it really cute. Kaya rin siguro super magkasundo kami.

Pareho kaming tahimik, both exhausted from the event. I still can't believe na graduate na ako. I'll probably miss college life even if hindi siya naging madali.

"Cha, magiging bad ba ako if I will not follow my parents?" Napatingin siya sakin mula sa kanyang hawak na phone.

"Hindi naman. May mga pagkakataon kasi talaga na masusuway mo sila lalo na kung alam mong hindi naman tama ang gusto nilang mangyari. Pero minsan din naman, mas alam nila yung makakabuti para sayo kaya walang masama if susundin mo." Magulong sabi niya. Hindi ko tuloy alam if helpful ba iyon o hindi.

La Isla Verganza 2: Fallin' FlowerWhere stories live. Discover now