02

8 3 0
                                    

"Dayne naman talaga name n'ya. As in D. A. Y. N. E. Dayne. Hindi Dean."






Tumawa lang ako at kinuha anh phone ko para hanapin ang Instagram n'ya. Gusto ko s'yang i-stalk! "Boom! Nakita nadin kita!" sigaw ko at napansing tumitingin na pala saakin ang mga tao dito sa loob ng barbeque store.







"Shatap watatap! Nakatingin na sa 'yo 'yung mga tao!" bulong ni Isabel saakin at tinago pa ang mukha n'ya gamit ang dalawang kamay n'ya, "Kahit kailan talaga nakakahiya kang kasama. Ang taas at ang tulis ng boses mo!"









Hindi ko s'ya pinansin at agad finollow ang account ni Dayne. Nakita ko pa 'yung profile n'ya na nakatayo at nakapamulsa. Naka sunglasses at nakatingin sa camera, mukhang nasa beach outing s'ya.









@dayne

3 post | 11.1K Followers| 798 following

Dayne Mhurray









"Done! Sana i-follow back ni pogi!" sabi ko at tinabi ang phone ko para makakain na. Lunch na kasi ngayon, mabuti nalang kasabay ko si Isabel. "Kaawaan sana ako ni Lord."








"Speaking of 'sana i-follow back', tingnan mo kung sino ang pumasok." sagot ni Isabel habang nakatingin sa entrance kaya tumingin din ako doon.






Nakita ko si Dayne kasama ang classmate n'yang si Micah sa Business Administration. Nakasoot s'ya ng black sweater at black ripped jeans. Hind s'ya nag uniform ngayon. "Oh my! Pumunta ba s'ya dito kasi alam n'yang narito ako?"











"Delulu amputa." sagot ni Isabel at kumain nalang. "Kumain kana, babalik pa tayo sa campus."











Nang nilibot ni Dayne ang tingin dito sa loob ay kumaway ako sa kaniya kaya nakita n'ya ako. Napasapo sa noo si Isabel dahil sa ginawa ko. Wala pading emosyon sa mukha si Dayne nang tumingin s'ya sa mesa namin. Nakita naman ako ni Micah kaya pumunta sila dito. "Kakain kayo?"












"Gagi, malamang kakain sila! Alangan naman mag karaoke sila dito!" bulong ni Isabel saakin. Oo nga 'no, bakit ko 'yun tinanong?













"Oo. Puwede ba kaming umupo?" sagot ni Micah at tumango naman ako. "Salamat. Dude, upo ka na."










Umupo din si Dayne sa tabi ko at si Micah naman sa tabi ni Isabel. Si Micah nadin nag order para sa kaniya, feeling ko dinala n'ya si Dayne dito para makatikim ng barbeque. "Hi! Kamusta?" sabi ko sa kaniya.













"Tanong ka ng tanong ng kamusta saakin." sagot n'ya, hindi nakatingin saakin. Si Isabel naman at Micah ay nag-uusap.














"E kasi naman balita ko mahirap na talaga kapag graduating ka na. Kamusta?" sagot ko naman sa kaniya. Tiningnan n'ya ako at hindi padin ako sinagot. Ang tahimik n'ya talaga, ah! "Okay fine. Itatanong ko nalang sa tropa mo. Micah!"











Tumingin saakin si Micah at ngumiti, "Oh? bakit ka ba sumisigaw, e ang lapit lang natin." natatawa n'yang sabi.













"Pagpasensyahan mo na, Micah. Ganiyan na talaga boses n'yan." sabi naman ni Isabel.













"Itatanong ko lang-" napigilan ako sa sasabihin ko nang nagsalita s'ya.












Ex-lovers, Current Partners (Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon