27

11 6 0
                                    

"Okay na lahat. Wala na tayong po-problemahin."


Mabilis na naman ang takbo ng panahon at tatlong taon na ang lumipas. Lahat ng nangyari ay naging maayos lalo na noong 3rd anniversary ng ROL. Nag-celebrate kami ni Dayne kasama ang mga staff sa restaurant, mga kaibigan, at family namin. Masayang masaya ako dahil nakikita kong lumalago ang negosyo namin ni Dayne. Anim na taon narin kami ni Dayne at kahapon lang kami nag-celebrate ng 6th anniversary namin. Noong Christmas at New Year ay nag out of town kami kasama si Juno.






Nasanay na talaga akong kasama s'ya araw-araw, sa mga birthday celebration namin at ibang celebration kagaya ng Christmas Eve at New Year's Eve. Noong 28th birthday n'ya ay nag-trip to Italy kami. Noong 25th birthday ko naman ay nag-trip to Switzerland kami. Naging maayos rin ang samahan namin sa bahay at nasanay na akong nagde-desisyon na kasama s'ya. Kasama ko s'yang ginagawa ang mga pangarap ko at gano'n rin s'ya. Feeling ko nga, wala na akong kailangan kasi nasa sa 'kin na lahat. Kaligayahan, mga natupad kong pangarap, si Dayne, at mga bagay-bagay na nagpapasaya sa 'kin.





"Hay, salamat naman," huminga ako ng malalim bago sumandal sa swivel chair ko. Late narin pala, lagpas eleven na. "Inaantok na 'ko. Thank God, tapos na tayong mag estimate ng cost para sa mga dish at current ingredients prices para sa bagong menu." Mabuti nalang nagpa-survey kami at may hindi pala nagustohan ang mga customers namin. Babagohin na namin ang menu.









"Oo nga, madam," sagot naman ni Jamie. "Pero nasaan po ba si sir Dayne?"







"Hindi s'ya makakatulong saatin ngayon, Jamie." Sagot ko naman at inayos ang mga papeles sa table ko. "May ginagawa kasi s'ya, e. May wine tasting na naman sila ngayon." Sumikat narin talaga ang beverages nila sa GNC.







"Ah, gano'n po ba," tumango si Jamie at tinulongan akong ayusin ang mga kalat namin.





Noong natapos na kami ni Jamie, sabay kaming lumbas sa office. This time, hindi ako makikita ni Alvida na lalabas sa restaurant dahil lagpas eleven na. Sa palagay ko kasi, mga 9, wala na s'ya sa restaurant n'ya. Hindi n'ya parin ako tinatantanan, e. Nakakabad-trip talaga!






Nang nakarating kami ni Jamie sa parking, sinabihan ko s'yang saakin nalang sumakay. "Late na kasi, baka may mangyari sa 'yo. Ihatid na kita."




"Ay, 'wag na po, madam." Sagot n'ya, nahihiya. "Doon nalang po ako sasakay sa bus station."






"Maglalakad ka pa? Malayo 'yon, 'no!" sagot ko naman at binuksan ang sasakyan ko. Mabuti nalang nakabili na 'ko ng sasakyan at tinuroan ni Dayne na mag-drive. Palagi na kasi akong late nakakauwi, so bumili nalang ako ng sasakyan. "Dali na. Pumasok ka na. Hatid na kita."







"Sige po," nahihiyang sagot n'ya at binuksan ang pintoan sa front seat. "Thank you po talaga. Ang bait n'yo po talaga saakin!"





Nami-miss ko narin kasi mga kaibigan ko, at minsan s'ya nalang ang nakakasama ko, si Jamie, ang secretary ko. Sina Stacey kasi, busy narin at minsan nalang kami nag-uusap. "Ano ka ba, wala 'yon! Bestie tayo." Natatawang sagot ko.





"Yes po madam," nakangiting sagot ni Jamie. Naaawa rin ako kay Jamie dahil s'ya nalang ang tumataguyod sa isang kapatid n'ya at may sakit na nanay n'ya. "Salamat parin po talaga!"









Pagkatapos kong ihatid si Jamie sa bahay nila, dumaan muna ako sa isang convenience store. Bumili muna ako ng gamot sa sakit ng ulo dahil kanina pa talaga 'tong ulo ko! Ang sakit! Noong nakauwi ako ay sinalubong ako ni Juno. Pagkatapos ko s'yang pakainin ay dumiretso ako sa kwarto at nagbihis. Bumaba lang ako para i-lock lahat ng bintana at pintoan dahil nag text saakin si Dayne na hindi s'ya makakauwi. Busy.





Ex-lovers, Current Partners (Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon