20

11 7 0
                                    

”Gagi, seryoso ba 'to? seryoso ka ba sa sinabi mo?”



Hindi s'ya nagsalita at tumayo. Sinundan ko nalang s'ya papunta sa kusina. Naglapag s'ya ng mga pagkain at mukhang inorder n'ya lang ang mga 'yon. So, hindi pa pala s'ya titira dito, saka lang kapag natapos ang birthday n'ya? okay rin naman 'yun, at least nakapaglipat na s'ya ng mga gamit n'ya. Sinenyasan n'ya akong maupo kaya umupo ako.




”Oo nga pala, sahod ko na bukas!” masayang sabi ko sa kaniya. ”Marami na akong ipon, for sure!”




”Oh, talaga?” umupo s'ya at nilagyan ng pagkain ang plato ko. ”Balita ko nag-mall kayo no'ng sahod mo last month.”



Shutek! Sinabi ba ni Dhevy sa kaniya? ”H... Hindi ah! Bumili lang ako ng... bagong make up. 'Yun lang.” Kahit ang totoo marami talaga akong binili! Pero may natira parin naman, 'yon 'yung nilagay ko sa piggy bank ko!






Umiling lang s'ya at kumain. Nang natapos kaming kumain ay ako na ang nagpresentang maghugas. S'ya naman ay umakyat, magbibihis lang daw s'ya. Pagkatapos kong maghugas ay bumalik ako sa sofa at nanonood ng isang TV show nang biglang may nag doorbell. Bubuksan ko ba? Sino kaya 'yun? ”Dayne!” sigaw ko doon sa hagdan. ”Mag bisita ka pa ba bukod saakin?”





Hindi s'ya nagsalita doon, siguro hindi n'ya ako narinig. Naliligo siguro s'ya! Kaya naman ako nalang ang nagbukas at nakita ang isang naka-black suit na lalaki. Malaki ang katawan at medyo matangkad. Seryoso ang mukha n'ya at may dala s'yang mamahaling sasakyan doon sa labas. ”Nandiyan ba si Sir Dayne?”





”Uh... nasa itaas... tatawagin ko lang.” sagot ko at aalis na sana pero huminto ako at hunarap ulit sa kaniya. ”Pero sino po kayo? kilala n'ya po ba ka-”





”His grandmother has me as her security. I'm here to speak with Sir Dayne,” seryosong sagot n'ya saakin.





Tumango nalang ako at aalis na sana kaso papalapit na pala saamin si Dayne. Nakasoot s'ya ng black joggers with a slim fit and a smart-looking fitted jacket made in stretchable cotton. Basa ang buhok n'ya at seryosong nakatingin saamin. ”Caspian? anong ginagawa mo dito?” tanong n'ya sa lalaki. Hinila n'ya ako papunta sa likod n'ya kaya mukha akong batang nagsusumbong!





”I was given the instruction by Mrs. Soledad to tell you to come to the mansion so she could tell you and your cousins something important,” sagot naman ng lalaki.





Tumango si Dayne, ”Susunod ako.” Tumango lang din ang lalaki bago nagpaalam na aalis. Nang tiningnan ako ni Dayne ay umiwas ako ng tingin bago bumalik sa sofa. Sinarado n'ya ang pintoan at umupo sa tabi ko. ”I'll be right back.



”Okay,” mahinang sagot ko. Bakit ba kasi kapag magkasama kami, saka lang may kailangan si Mrs. Soledad? Ilang beses narin 'to, ah! Pero naiintindihan ko naman, ”Hihintayin kita.”

Ngumiti lang s'ya at hinalikan ako sa noo bago kinuha ang susi sa coffee table. Nang nakaalis s'ya ay sinabi n'yang may sweater daw s'ya doon sa kwarto n'ya kaya nagbihis ako. Dahil sa laki ng sweater, hindi na nakikita ang skirt ko! Nanonood lang ako ng TV shows hanggang sa hindi namalayang lagpas 9 P.M. na pala. Dahil sa antok ko ay pinatay ko ang TV at pumunta sa kwarto ni Dayne at natulog. Ang sabi ko sa kaniya hihintayin ko s'ya pero nakatulog lang pala ako!

Nagising nalang ako noong naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Nang dumilat ako ay nakita ko si Dayne sa tabi ko, nakatingin saakin habang hinahaplos ang buhok ko. ”Dayne...” tawag ko sa pangalan n'ya. ”Kanina ka pa ba nabalik?”

”Oo,” simple sagot n'ya. Kanina pa ako nakatulog? Anong oras na ba? ”Ang ganda mo kahit tulog.”

Uminit ang pisnge ko kaya hindi ko s'ya tiningnan. Bumangon ako at hinawakan ang dalawang pisnge ko. ”Magbabanyo muna ako,” sabi ko bago tumakbo papunta sa banyo. Gagi, kinilig ako kahit pambubula n'ya lang 'yun! Nang nakabalik ako ay nakita kong nakaupo na s'ya kama, nakasandal ang ulo sa headboard. Umupo din ako sa tabi n'ya, hindi makatingin sa mga mata n'ya. ”M... May nangyari ba?”

Ex-lovers, Current Partners (Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon