05

6 3 0
                                    

"Truth or Dare?"











Mahangin ang gabi at ang tanging naririnig ko ay ang mga tawananan namin at ang malakas na alon ng tubig sa dahat. Nakaupo ako malapit kay Isabel ngayon habang nakatingin kaming lahat kay Stacey. S'ya ang tinatanong ngayon ng 'truth or dare'. Pa minsan minsan naman tumitingin ako kay Dayne na nakaupo sa tabi ni Von habang umiinom ng beer. Hawak ko din ang scarf na binigay n'ya saakin kanina pagkababa namin.







Amoy na amoy ko 'yung perfume n'ya sa scarf. Binigay n'ya 'to saakin kasi baka daw ginawin ako dahil sa suot ko. Naks! Kinilig ako doon ah! Nang nagtama ang tingin namin ay ngumiti kaagad ako sa kaniya kaso umiwas s'ya at tumingin sa phone n'ya.









"Truth." simpleng sagot ni Stacey.






Itinaas ni Alma ang kamay n'ya, "Ako ang magtatanong!" sigaw n'ya kaya nanahimik ang lahat, "Von or Blake. Sinong mas bet mo sa dalawa?"








Tumawa si Fynn at tiningnan si Von kaso binatokan s'ya nito. Ngumiti lang din si Stacey at nahiya, "Siguro... si Von?"









"'Yon oh!" sigaw ni Bailey at tinawanan si Von.








Noong pinaikot ulit ang bote ay kay Dayne 'yon huminto kaya tumingin ako sa kaniya. Agad ding tumaas ang kamay ni Alma para s'ya yung magtatanong. 'Tong babaeng 'to, hindi kami binibigyan ng chance na magtanong kahit isang question lang!













"Truth." sabi ni Dayne, walang emosyon sa mukha n'ya.














"Anong type mo sa isang babae?" tanong ni Alma. Napangiti ako doon dahil matagal ko nang gusto malaman 'yon! Sana sasagotin n'ya. "Bawl kill joy dito. Kapag hindi mo sinagot, iinom ka ng dalawang shot ng Red bull."








Naghintay ako sa isasagot n'ya kaso ininom n'ya 'yung dalawang shot ng red bull kaya napaawang ang labi ko. Hindi n'ya ba talaga ipagsasabi 'yon sa iba?! Grabe talaga 'tong lakaking 'to! "Woah. Okay. Okay." itinaas ni Alma ang dalawang kamay.









Nalungkot ako doon dahil 'di n'ya man lang sinabi. Hindi na ako nakikinig sa mga sagot nila kapag truth ang pinipili at kung dare naman, 'di din ako tumitingin sa mga ginagawa nila. Kanina pa ako inaantok dito! Nagulat nalang ako noong saakin na huminto ang pag-ikot ng bote. "Boom! Truth or Dare?" tanong ni Alma.










Agad akong kinabahan lalo na't tumingin saakin si Dayne. "Truth!" sagot ko.
















Si Alma nanaman ang magtatanong. Ewan ko nalang sa babaeng 'to! "Type mo ba si Micah?"








Nagulat ako sa tanong n'ya kaya natawa 'yung mga kaibigan ko. Anong pinagsasabi ng babaeng 'to? "Hindi ah!"










"Iinom mo na ng dalawang shot 'yan!" sigaw ni Alma at binigay saakin ang dalawang baso ng red bull. "Liar!"










"Huh?" kumunot ang noo ko, "Gagi, totoo naman! Hindi ko s'ya type!" depensa ko kaagad dahil tinatawanan nila ako.










"Eh? talaga? napansin kasi naming palagi kayong magkasama." natatawang sabi ni Stella.











"Micah? From Business Administration 'yan." tanong ni Fynn saakin. "Classmate 'yan ni Dayne."











Ex-lovers, Current Partners (Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon