07

7 4 0
                                    

"Tapos uuwi kang lasing? isusumbong talaga kita kina mommy!"



Minamasahe ko ang ulo ko dahil sa sakit. May hangover pa ako! Sa sususod hindi na talaga ako iinom ng marami! Tapos itong kapatid ko, sinisermonan pa ako dahil s'ya lang mag-isa dito sa bahay kagabi dahil hindi umuwi sila mommy at daddy, kaya galit na galit s'ya kasi lasing daw akong nakauwi.



"Bigyan mo 'ko ng sabaw!" sigaw ko sa kaniya dahil inuubos na n'ya ang sabaw sa niluto n'yang noodles. "Anak ng!"





"Oo na!" sigaw n'ya din bago ako iniwan dito sa kusina. Palagi nalang talaga kaming nagsisigawan dito sa bahay! "Parang tangek!"





Pagkatapos kong kumain ay naligo ako. Wala akong gagawin ngayong araw dahil sabado, siguro tatambay lang dito sa bahay at manunood lang ako ng movies. Nagsoot lang ako ng yellow oversized shirt at white fitted shorts. Bumababa ako at umupo sa sofa dito sa sala bago pumili ng movies na papanoodin ko nang biglang tumunog ang phone ko.






From: Bff Dhevy

nandito crush mo sis




To: Bff Dhevy

huh? nandyan si Dayne?




From: Bff Dhevy

yeah. kiss and sam are here too but umalis muna si kiss to buy something







Agad kong pinatay ang TV at pumunta sa kwarto ni Chizzy para sabihing aalis ako. Nainis s'ya dahil palagi nalang daw akong gumagala pero hindi na ako nakinig sa kaniya at nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay. Malapit lang din ang bahay nila Dhevy kaya tumakbo nalang ako hanggang sa makadating sa tapat ng bahay nila. Agad akong nag-door bell at inayos ang sarili ko. Okay naman na 'tong sout ko, at kakaligo ko lang! Pero teka, bakit parang supurtado na ata ako ni Dhevy ngayon?






"Sino po sila?" tanong ng guard, "Ay! Chiona, ikaw pala! Pasok ka!" pinapasok ako ni kuya guard, kilala na n'ya ako kasi palagi naman akong pumupunta dito, e!






"Thanks kuya guard!" sabi ko sa kaniya bago pumunta sa pintoan ng bahay ni Dhevy. Sure akong wala ang parents n'ya dahil malakas ang tunog ng sound nila sa loob! Kumatok ako ako at kaagad n'ya din namang binuksan. "Hi sissybelz!"







"Come in." sabi ni Dhevy kaya pumasok ako. Nakita ko kaagad si Sam na nakaupo sa sofa kaya lumapit kaagad ako sa kaniya at umupo. Si Dhevy naman ay umupo sa harapan namin, "May niluluto sila sa kusina. I am not sure if masarap."




"Talaga? kasama ba si Dayne?" tanong ko sa kaniya. "At nasaan ba sila auntie at si uncle?"





"Bukas pa sila uuwi, they went to see my grandma e." sagot ni Dhevy. Magsasalita pa sana s'ya kaso narinig namin ang ingay sa kusina. Agad naman kaming tumakbo papunta doon sa kusina. "What the hell was that?"






Nakita ko kaagad si Dayne na nakasandal sa counter at may sout pang apron at nakikita kong black shirt ang sout n'ya paired with grey pants. Si Kliford naman ay tumatawa kaya tiningnan namin ang niluto nila. "Shutek! Ano 'yan?" nagulat ako nang nakitang maraming tuyo ang nakalagay sa niluluto nilang adobo. Parang hindi mo na nakikita ang mga manok, puro tuyo nalang!






"Binuhos n'ya lahat ng tuyo." simpleng sagot ni Dayne at nagulat pa dahil nakita n'ya ako. Umiwas din s'ya ng tingin.









"Ford, ano ba 'yan!" naiinis na sabi ni Sam bago kinuha sa kaniya ang sandok. "Ayan tuloy ang itim na ng mga manok oh!"









Ex-lovers, Current Partners (Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon