11

7 3 0
                                    

"Gusto mo atang suboan pa kita, e!"

Masama ko s'yang tiningnan bago tinusok ang fishball at nilapit sa bibig n'ya. Pasalamat s'ya hindi pa natatapos ang gabi at counted pa 'to sa pagiging mabait ko kasi grumaduate na s'ya!




"Hindi nga ako kakain." walang emosyong sabi n'ya bago hinawakan ang kamay ko para ilayo 'yung stick na nakatusok sa fishball. "Kumain ka lang d'yan."




Nilapit ko nanaman sa kaniya 'yung stick. "Hindi ako titigil kapag 'di mo 'to titikman!" Kanina pa ako dito kumakain ng street foods tapos 'di n'ya man lang ako sinasabayan! Ano pang 'point' ng 'panlilibre' ko sa kaniya kong 'di rin naman s'ya kakain?! "Sige na!"


"Okay." bumuntong hininga s'ya bago hinawakan ang kamay ko para mapalapit sa bibig n'ya 'yung fishball. Masaya ko s'yang tiningnan habang nginunguya n'ya 'yung fishball. First time n'ya bang kumain ng fishball?




"Ano? masarap ba?" tanong ko bago kumain ng isang tempura. "Ito din, oh. Masarap!"


"Okay lang." sabi n'ya bago kinuha ang stick sa kamay ko at kumuha pa ng fishable. Pipigilan ko na sana kasi stick ko 'yon at 'yung sa kaniya ay nasa kabilang bowl! "Bakit?" tanong n'ya bago kinain ang fishball.

"S.. stick ko 'yon." nahihiya kong sabi. "Ito 'yong sayo oh." pinakita ko sa kaniya.

"Sorry." sabi n'ya pero kumuha padin ng fishball gamit ang stick ko. Gagi, ano ba naman 'to! "Masarap pala talaga 'to."

"Syempre naman, 'no!" kinuha ko nalang din ang stick n'ya at 'yun ang ginamit. "Kumain ka din nitong tempura, masarap din!"

"Kung sasabihin kong hindi ako kakain.." sabi n'ya at sinandal ang isang kamay sa mesa, "Susuboan mo 'ko?"

Anak ng! Teka lang, kumabog 'yung dibdib ko! "Ano 'yan, huy?" tinapik ko din 'yung noo n'ya. "Ang corny mo naman. Uncrush na nga kita!"

Tumawa s'ya ng mahina bago kumuha ng tempura at kinain. Tumingin lang ako sa kaniya at umiling. Talagang pinagti-tripan ako ng lakaking, 'to ah! Nang umabot na ng 12 A.M. ay nagpasya na s'yang ihatid ako pauwi. Nag chat nadin saakin si Stacey na i-chat namin s'ya kapag nakauwi kami. Habang nasa loob ako ng sasakyan ay natulog nalang ako dahil inaantok na ako. Nagising nalang ako noong naramdaman kong huminto ang sasakyan.

"Nandito na ba.. tayo?" tanong ko, inaatok pa din.



"Oo." simpleng sagot ni Dayne.

Gusto ko pang matulog! Nakakatamad bumaba at maglakad papasok! Kaya naman sinandal ko pa muna 'yung ulo ko at pumikit. Naramdaman ko nalang na tinatanggal na Dayne ang seatbelt ko. Noong dumilat ako ay magkadikit na 'yung mukha naming dalawa. Noong tumingin s'ya saakin ay agad kumabog ng mabilis 'yung puso ko. Para bang mahuhulog na 'yung puso ko dahil sa kaba ko. Nararamdaman ko na 'yung hininga n'ya sa sobrang lapit n'ya saakin.

Pumikit ako ulit, 'di ko alam ang gagawin. Hindi ko din alam kung bakit ko iniisip na hahalikan n'ya ako. Napansin ko nalang hindi na pala s'ya malapit at nakakaasar 'yung tingin n'ya saakin! Umupo ako ng maayos at napahawak sa noo ko. Shet! Nakakahiya 'yon! Baka iniisip n'yang gusto ko s'yang mahalikan!

"S.. salamat sa paghatid." sabi ko at bubuksan ko na sana 'yung pintoan kaso hinawakan n'ya 'yung kamay ko. "Bakit?"

"Pumunta ka next week." sagot n'ya. "Sa ribbon cutting ceremony."

Tumango kaagad ako at ngumiti dahil sa sinabi n'ya. Gusto n'ya ba akong pumunta? Gusto n'ya akong makita? "Oo! Pupunta ako!"

Kinabukasan ay 10 A.M. na ako nagising dahil sa sobrang pagod ng katawan ko. Ewan, iba talaga 'tong pagod ko kapag gumagala ako ng gabi, e. Pero okay nadin, at least kasama ko si Daybe kagabi! Kinuha ko kaagad ang phone ko at nakitang ni-repost pala ni Dayne sa story n'ya 'yung story ko. May ni-repost din s'ya pero 'yung kina Bailey lang at sa parents n'ya. Shocks! Nabuhayan ako doon, ah! Kaya naman, magwo-work out ako ngayon!

Ex-lovers, Current Partners (Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon