10

5 3 0
                                    

”Hindi mo na ako kailangang ihatid.”






Nandito kami ngayon sa tapat ng convenience store at sinabi n'ya saakin na ihahatid n'ya ako pero malapit lang naman ang bahay ko dito. At 'yung sinabi n'ya kanina na pumunta s'ya dito dahil nag-alala s'ya saakin.. dahil sinabi ni Dhevy na malungkot ako.. nagulat ako doon. Ayaw kong umasa o bigyan ng malisya 'yung ginagawa n'ya saakin kasi baka masaktan lang ako.


”At umuwi ka na din.” sabi ko bago tumingin doon sa sasakyan n'yang naka-park sa gilid ng kalsada. ”Salamat dahil may pakialam ka pala kung malungkot ako.”


“Akala ko.. gutom ka kaya malungkot ka.” nahihiyang sabi n'ya.





Akala n'ya hindi ako 'okay' dahil gusto kong kumain, gano'n ba 'yon? Dahil ba 'yon 'yung sinabi ko noong tinanong n'ya kung 'kamusta' ako tapos sinabi kong 'hindi ako okay' kasi gutom ako at wala akong kasamang kumain? Naaalala n'ya 'yun?




”Bakit 'di mo ako dinalhan ng pagkain?” pagbibiro ko. ”Ikaw ha! Sineseryoso mo na ata 'yung sinabi kong 'let's get to know each other' sa chat!” Kasi mukhang alam n'yang pagkain lang 'yung gamot sa pagiging malungkot ko! Tama naman s'ya!









”So, gutom ka nga?” tinaasan n'ya ako ng kilay.





”Oo, kanina.” sagot ko. ”Bumili nadin kami ni Dhevy ng snacks kanina habang nag-uusap kami doon sa rooftop.”




Tumango s'ya at ngumiti. ”Mabuti naman.”




”Umuwi ka na.” hinila ko s'ya papunta sa sasakyan n'ya. ”Baka malaman ng grandma mong wala ka sa mansion, huy!”




”Okay. Okay.” walang emosyong sagot n'ya at humarap saakin. ”I'll go now.”




”Thanks ulit!” masayang sabi ko, ”At least, may nag-aalala pa pala saakin kapag malungkot ako.“ At ayaw kong bigyan ng malisya 'yon! Hindi ko gustong umasa!






”Bye.” ngumiti s'ya bago binuksan ang pintoan ng sasakyan n'ya.







Kumaway lang din ako bago tumalikod at naglakad papalayo. Sana naman hindi na n'ya 'to gagawin ulit kasi baka bigyan ko ng malisya at iisipin ko pang gusto n'ya din ako. Alam kong matagal na silang break ng ex-girlfriend n'ya pero 'di ako sure kong naka-move on na s'ya o wala pa. Natatakot akong gawin n'ya lang akong panakip butas o pampalipas oras.








Mabilis lang ding lumipas ang araw at ngayon ay ang araw ng graduation nila. Nakakalungkot mang isipin na mawawalan na kami ng campus crush, masaya padin naman ako kasi kahit papaano, naging memorable at masaya 'tong school year na 'to. Nakahanap pa ako ng happy crush! Maaga akong pumunta sa campus dahil iko-congratulate namin silang lima. Naging kaibigan nadin namin sila dahil mababait sila saamin. Lalo na si Dayne. Siguro mami-miss ko s'ya dito sa campus! Wala na akong rason para tanggapin 'yung utos ng prof na ilagay ang equipment box sa laboratory. Tinatamad na ako kahit iniisip ko palang, wala rin naman akong madadatnan na poging nagyo-yosi doon, e.








”Congratulations!” rinig kong bati ng ibang students dahil natapos nadin ang ceremony. Agad kong tiningnan ang mga kakilala ko sa Business And Management at nakita ko si Micah kaya lumapit ako sa kaniya.





Nakikita kong masaya 'yung mukha n'ya pero naluluha ang mga mata n'ya habang nakikipag-usap sa mga classmates n'ya. ”Micah!” tawag ko sa kaniya at natuwa din s'ya noong nakita n'ya ako. ”Naks! Ilang floor wax binigay mo sa mga prof? Bakit ka pumasa?”




Ex-lovers, Current Partners (Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon