✧Chapter 12✧

0 0 0
                                    

[Chapter 12: Sold out!]

Biyernes na ngayon, naka-upo kami sa aming mga upuan at tahimik na nakinig kay Ma'am Karen na guro namin sa Business Math.

"I will give you the whole time today to cook and sell your products." Saad ni Ma'am Karen habang nakatingin sa boung klase at presentang nakatayo sa harap ng podium desk.

"You may cook in the cookery laboratory," Dagdag ni Ma'am Karen. "And after niyong magluto, ay pwede niyo nang ibenta ang inyong mga produkto. Through this task, malalaman ko kung gaano kayo kagaling magdayo ng mga mamimili. I will not tolerate those who force and threat buyers in a negative way, I will deduct points for it." Inilibot ni Ma'am ang tingin niya sa boung klase at nagpatuloy. "You may start now."

Matapos niyon, ay agad na kaming tumayo at pumunta sa kaniya-kaniyang mga partners dala ang mga ingredients at sabay-sabay na naglakad papunta sa cookery laboratory.

Habang naglalakad kami ni Echan patungo sa laboratory, ay hindi namin maiwasang pagtinginan lalo na't kilala si Echan dito sa campus bilang nonchalant that doesn't just care about anything or anyone except for his grades.

May iba naman na nagbubulong-bulungan pa tuwing madadaanan namin. May mga babae ring tinataasan ako ng kilay at tinitingnan mula ulo hanggang paa.

Did I mention na hindi lahat ng students ay hinahangaan ako? Well, hindi talaga lahat ng students dito sa campus ang gusto at hinahangaan ako. Maraming babae ang sinasaksak ako patalikod. Wala silang magawa kundi ang pag-usapan na lamang ako dahil sa oras na sasaktan nila ako ay lahat ng guro ang makakaharap nila.

Yun kasi ang sinasabi kong may special treatment. Yung sa'yo sila papanig kaya isa din yun sa mga dahilan kung bakit may nagagalit sa akin pero I never took those for granted. 'Pag alam kong mali naman ako ay aakuin ko talaga ang pagkakamali ko.

Pero, may iba talaga na hindi nila nakikita ang mga kabutihang ginagawa mo, pagkakamali mo lang ang titingnan nila. Kaya kahit isang daang kabutihan pa ang gagawin ko, ay ang isang mali lang talaga ang nakikita nila.

Kaya minsan ay isinasawalang bahala ko na lamang ang mga iyon dahil kahit ano namang gagawin ko ay may mali.

Napabalik ako sa realidad nang biglang huminto si Echan sa harapan ko. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid at napagtantong nakarating na pala kami sa laboratory. Marami-rami na rin sa mga classmates ko ang nagsisimula ng magluto sa loob ng lab.

Kumpleto ang mga kagamitang pangluto dito sa loob ng lab. May stove, refrigerator, oven, blender, heater, at iba pang mga kagamitang pangluto at may madaling access na rin ng tubig. May guro ding nakabantay sa loob ng lab upang bantayan kami at naglalakad-lakad sa boung lab kung sakaling may mangyaring 'di inaasahan.

Pumasok na kami ni Echan at pumwesto sa bakanteng pwesto sa loob ng lab. Agad na kaming nagsimulang magluto dahil matagal-tagal pa naman iyong i-bake.

✯ ✯ ✯

TAHIMIK naming tinatahak ang daan patungo sa building ng mga junior high scool dito sa campus dala ang ibebenta namin na 'Upgraded Pizza of Shans'. Halos magdadalawang oras din kaming nanatili sa loob ng cookery laboratory dahil sa pagbake ng produkto namin. Pinili naming maunang magbenta sa mga Junior High School dito sa campus dahil snack na rin naman nila.

Naka-isolate ang mga buiding ng junior high sa mga senior high at may kalayuan sa amin kaya ilang minuto kaming maglalakad.

Hindi naman masyadong mahirap maglakad dahil nakapalibot ang mga puno sa boung campus kaya hindi mainit ang daanan. Sinasabayan din ng hangin ang bawat hakbang namin kaya ang presko sa pakiramdam.

Admiring the Star Where stories live. Discover now