✧Chapter 23✧

0 0 0
                                    

[Chapter 23: Courting]

“Can I court you, Kaye?” I got out from my trance nang muli siyang nagsalita.

Sa mga oras na ito parang walang mga salita ang lumalabas sa aking bibig. Anong isasagot ko? TOTOO ba ito?

Marami nang tumanong sa akin ng ganoon, pero bakit iba ngayon?

“A-ano?” Wala sa sariling tanong ko.

Narinig ko naman ang sinabi niya pero parang wala akong naiintindihan.

Sa ngayon, pinoproseso ko parin ang mga sinabi niya. Parang  hindi masyadong na-absorba ng utak ko. Sanay na ako sa mga ganito pero ngayon, parang ito ang pinaka-unang may tumanong sa akin ng ganoon. Kaya hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin o ang isasagot.

Nagpagising sa diwa ko  ang kaniyang pagngiti.

“Pwede ba kitang ligawan, Kreshan Kaye Sialan?” Nakangiting saad niya muli.

Napangiti na rin ako. Sinong bang hindi mapapangiti kung nasa harap mo ay parang character sa mga libro?

Tumango ako. “Pwede naman.”

Napag-usapan na din kasi namin ni Mommy ang tungkol sa mga ganito. Payag naman daw siya basta’t sasabihin ko sa kaniya.

“Yes!” Masiglang saad niya habang ngumingiti parin. “Thank you.”

Tumango muli ako bilang tugon sa kaniya.

Ihahawi ko sana ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga ng nauna iyong gawin ni Echan. Saglit akong hindi nakagalaw. For a second, I didn’t able to breathe. My heart palpitates for a second.

Isn’t this the first time he’s so close to me? Or it’s just, it’s the first time someone touched my hair? Especially, a boy.

✯ ✯ ✯

NAPABALIK ako sa realidad nang may sumagi ng marahan sa balikat ko. Inayos ko ang sarili ko dahil kanina pa pala ako nakatulala sa kawalan. Absent ang guro namin sana ngayon kaya wala kaming ginagawa. After lunch ang schedule niya kaya may mga estudyante parin namang lumalabas sa classroom namin.

“Kreshan.” Lumingon ako sa aking kaliwa kung saan nanggagaling ang boses.

Itinaas ko ang aking dalawang kilay bilang pagtugon sa pagtawag ng pangalan sa akin ni Reyanne.

“Ang haba ng nilakbay mo sa sariling mundo mo, ah.” Saad muli ni Reyanne.

Saglit akong napakunot ng noo at hindi na lamang tumugon. Akmang aayos ako ng upo at tumingin sa harapan ng muling tawagin ni Reyanne ang pangalan ko.

“Kreshan,” Muli akong humarap sa kaniya.

“May kailangan ka?” Tanong ko.

“Hindi may sasabihin lang ako.” Tumango lamang ako at nakinig sa sasabihin niya. “Tingnan mo.” Saad niya sabay turo sa may harapan kaya sinundan ko ang tinuturo niya.

“Ngumingiti na si Echan.” Nakita ko ngang nakangiti siya kaya ang mga classmates naming babae ay nakangiti ring tinitingnan si Echan.

Saglit akong kinabahan. Baka isasambat niya ang pangalan ko dito. Pero nanatili lamang akong walang emosyon habang nakatingin parin kay Echan.

“Mas lalo siyang gumwapo.” Muling saad ni Reyanne. Nabawasan ng kaunti ang kaba ko.

Nakarinig ako ng malalim na paghinga ni Liam kaya napalingon ako sa kaniya. Malungkot itong nakatingin kay Echan. Ano na namang pagda-drama ito?

Admiring the Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon