21

10 3 0
                                    

”One Cold-brewed coffee, please.”




Ngumiti ako sa babaeng kakarating lang dito sa counter at nag-order ng iced coffee. Kaagad ko namang nilista ang order n'ya bago binigay kay Kein ang mga listahan ng orders. May maliit na na bintana dito sa counter na makikita lang s'ya doon sa likod, gumagawa ng iced coffee. ”Pwede na po kayo sa table mag-wait sa order n'yo, po.” Sabi ko sa babae at tumango naman s'ya.





Tapos na ang classes ko at bakasyon na ngayon. Naging busy talaga kami last month pero may time management naman. Si Dayne naman ay nakapag-move out na at busy rin sa trabaho lalo na't may bago silang collection ng tequila. Tig-iisang araw na naman kami nagkikita sa isang linggo at s'ya ang bumibisita sa unit ko. Nagtatawagan at nagte-text lang kaming dalawa kapag natapos ang work namin. Ngayon naman ay tudo-kayod ako dahil 3rd year na 'ko ngayong balik pasokan!







Noong 18th Birthday naman ni Dhevy ay pumunta kaming lahat ng mga kaibigan ko. Nagkita din kami ni Dayne doon sa mansion nila at sandali lang kami nagkausap no'n dahil hindi s'ya pumunta sa after-party. Actually, silang dalawa ni Von ang hindi pumunta dahil may flight sila papuntang Taiwan. Doon narin si Dhevy nakatira sa mansion nila, at mukhang hindi n'ya talaga gustong tumira doon.






”Chiona,” tawag saakin ni Kein, 'yung lalaking nakita ko dito noong naga-apply pa ako. ”Here.”





Kinuha ko sa kaniya ang isang malapad na tray kung saan nakalagay ang limang iced coffee na inorder ng mga customers. Isa-usa ko 'yung binigay sa bawat table nila kasi nakalagay doon ang number ng table nila. Nang natapos ay bumalik ako sa counter para i-arrange ang mga tinapay na nasa shelves.




”One Banana Cream Coffee and two slice ng banana bread, please!”





Nagulat ako nang may biglang sumulpot sa harapan ko kaya muntik akong mapasigaw. Sonrang energetic ng boses n'ya! ”Isabel?” Jusko, s'ya lang pala!





”Hi, sis!” bati n'ya saakin at kumaway. ”Hihintayin ko sa table 'yung order ko, okay?”






”I-take out mo nalang kaya 'yung order mo?” pang-iinis ko sa kaniya kaya inirapan n'ya ako. Noong binigay na saakin ni Kein ang order n'ya ay dinala ko 'yun sa table ni Isabel. Umupo naman muna ako dahil wala pa namang customer. Nagpaalam naman ako kay Kein. ”Bakit ka nandito, huh? Wala ka bang date?”






”Anong date? Busy nga 'yun, e.” natatawang sagot n'ya bago uminom ng coffee. ”Nandito ako para uminom ng coffee. Bored na bored na ako sa unit.”






”Pero kamusta ka na?” tanong ko sa kaniya. ”Mabuti nalang talaga nandoon si Fynn para iligtas ka, 'no?” Kawawa naman kasi si Isabel. Ang malas n'ya sa nasakyan n'yang taxi galing downtown pauwi dito sa uptown. Dinala s'ya sa ibang lugar!





”Kung hindi s'ya pumunta... baka may nangyaring masama saakin.” sabi ni Isabel. ”Nag-away kami no'n tapos hindi ko alam sinundan n'ya pala ako. Mabuti nalang talaga!”





”Pero ang sabi ni Stacey... na traumatized ka daw.” nag-aalala kong sagot. ”Huwag mo pabayaan ang sarili mo okay? Kung anong sasabihin o gustong ipagawa sa 'yo ni Stacey, gawin mo. 'Wag matigas ang ulo.”




”Don't worry, sis.” sabi n'ya naman at hinawakan ang kamay ko. ”Okay lang ako. At tsaka nakakapag-focus pa naman ako sa workshop at mga dance lessons ko.”






”Dapat lang!” sabi ko sa kaniya. ”Oh, sige na. May customer pa 'ko. Sabihan mo 'ko kapag aalis ka na, ah?”



Tumango lang s'ya kaya naman iniwan ko na s'ya doon. Umalis rin s'ya at nagpaalam saakin na uuwi na daw s'ya. Noong dumating na si Ate Yeri, saka lang ako nag-out. Nang nakauwi ako sa unit ay nakita kong naglalaro si Juno. Noong nakita n'ya akong pumapasok ay tumakbo s'ya papalapit saakin kaya hinaplos ko ang ulo n'ya. Lumalaki na talaga si Juno! Nagluto nalang muna ako ng lunch namin at kumain narin pati si Juno. Pagkatapos ay naglinis ako ng bahay nang biglang may kumatok sa pintoan.





Ex-lovers, Current Partners (Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon