26

7 1 0
                                    

This chapter is R18.

”I'm going to miss you.”

Mabilis na namang tumakbo ang araw at ngayon na ang alis ni Dayne kasama sina Kissell doon sa Texas. Nasa airport kami ngayon, hinihintay ang mga pinsan n'ya.
Dadalawin lang daw nila si Mr. Geisler, ang grandpa nila. Balita ko kasi nagkasakit s'ya kaya hinahanap n'ya ang mga apo n'ya. Sayang hindi ko s'ya makikilala o makita man lang in person.

”Mami-miss rin kita.” Sagot ko at pinakita ang screen ng phone ko, ”Sendan mo 'ko ng pictures, ah?”

Tumango naman s'ya kaya ngumiti ako. Maya-maya ay dumating narin sila Kiss, kasama si grandma. Kaagad naman akong tumayo at bumeso sa kaniya, gano'n kasi dapat sabi ni Dhevy!

”Hello po,” bati ko sa kaniya.

Ngumiti naman s'ya at tumingin kay Dayne. ”Make sure not to do bad things there, okay?”



”Grandma, we're not kids anymore,” natatawang sagot ni Fynn at umakbay kay grandma. Tumawa lang din ng mahina si Dayne. ”Pero mas masaya kung sasama ka saamin.”





”Yeah, Fynn’s right!” sabi naman ni Dhevy. ”I'm sure grandpa missed you... too.”






”Too?” tinaasan s'ya ng kilay ni grandma. ”I don't miss your grandpa!”





”Sus, grandma naman, e!” pang-aasar ni Bailey kaya natawa kami. ”But please, sumunod ka if you change your mind.”





”Even though he's your ex-husband,” Mahinang sabi ni Dayne. ”You two were once in love. Since he's ill, maybe you could just be there for him and be his friend. He needs some company."



”Yeah, he's right.” Sambat ni Von. Kami naman nina Stella ay nakikinig lang sa kanila.



”N... No,” mahinang sagot ni grandma at umayos ng tayo. ”Sige na. Aalis na ako. I guess okay na kayong lahat, kumpleto na kayo... I have to go. May meeting pa 'ko.”


Napabuntong hinihinga nalang sina Dayne noong tinalikoran sila ni grandma. Sa palagay ko... mataas lang talaga ang pride ni grandma.




”Alright!” napalingon kaming lahat kay Fynn. ”We'll go now.”




Humarap ako kay Dayne at inayos ang soot n'yang black polo shirt. ”Update mo 'ko, ha?”



Tumango s'ya at hinalikan n'ya ang ang labi ko. ”I love you.”






”I love you!” pabulong kong sagot. Noong naglakad na sila paalis ay kumaway kami nina Stella sa kanila.




”Alam kaya ni Sam na ngayon ang punta nila sa Texas?” tanong ni Isabel noong papalabas na kami sa airport.



”Siguro... hindi,” sagot ni Stacey. ”Pero kahit alam n'ya, siguro hindi n'ya rin gustong sumama.”

Nagsama-sama nalang kaming lima sa isang zoo dito sa downtown. Gumala kami dahil may free time kami, tinext narin namin ang ibang kaibigan namin, baka kasi hindi sila busy. Habang umiikot kami sa loob ng zoo ay nagtatawanan kami dahil sa mga topic nila. Napapailing nalang talaga si Stacey!



”Kayo, Chio? Hindi n'yo parin ba ginawa?” tanong ni Isabel saakin.



”H... Hindi pa,” sagot ko sa kaniya. ”Mukhang hindi panga rin handa si Dayne, e.”




Ex-lovers, Current Partners (Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon