Chapter 1

36K 1.2K 572
                                    

AIW 1

Change always happens.

It's inevitable.

Noon pa man, iyon na talaga ang nakatatak sa utak ko. Kaya nga siguro iyon ang nangyari.

Nothing stays the same. You're in love with this guy today, you can fall out of love days later. Could take shorter time, could be longer.

Hindi ko matignan ng maayos si Pierce dahil halos sumabog ang puso ko sa kaba! But God, I know exactly what his face looked like years ago. Of course I do. His jaw.. nose.. eyebrows.. his facial expression.. those lips. Nothing really changed except those cold eyes.

God, his eyes went colder..

"Hello, Princess.." Ngiti ni Irene at umabrisiete kay Pierce.

"Hi.." Nag-iwas ako ng tingin kay Pierce nang maabutan ko s'yang nakatingin kay Irene. Nalunok ko ang laway ko. I think he forgot that I'm still here. Oh.. same old Pierce when it comes to his girlfriend.

Biglang siniko ni Irene si Pierce. "H'wag ka ngang tumitig sakin! Isang linggo lang na-miss mo agad ako!" Biro ni Irene. "Ipakilala mo naman s'ya saakin ng maayos, I never knew you had a girl friend, sila Yvo at 'yung boys lang ang kilala kong kaibigan mo." Aniya kay Pierce na mukhang tinatamad na at gusto na s'yang solohin. He doesn't even want to look at me, or maybe, he just doesn't care.

"I told you.. she's Princess." Pierce said calmly, pinagapang n'ya ang kamay sa bewang ni Irene.

Umirap si Irene kay Pierce at ngumiti ulit saakin.

Pierce sighed. "She's my classmate back in high school."

"Close kayo?" Excited na tanong ni Irene. Hindi ko alam pero sa tingin ko ay hindi naman na n'ya ako dapat pang kausapin. She looks so excited about Pierce having a girl friend.

Napangisi na lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot. Natawa naman s'ya.

"Pasensya na, wala kasi s'yang close na babae eh. I'm curious lang." Aniya na mukhang iiwan na sana ang subject na iyon.

Nakagat ko ang labi ko. "Ah.. oo. Friends kami ni Pierce noon." Para matapos na ito.

Clearly, hindi ako kilala ng girlfriend n'ya. Siguro ay binaon na lamang n'ya sa limot ang lahat. Ang lahat ng nangyari noong high school kami ay hanggang doon na lang.

"Talaga!" Hiyaw n'ya na at talagang nagulat s'ya! Siguro ay bukod sa kan'ya, wala nang ibang babae na kinakausap si Pierce. She's lucky. Panatag ang kalooban n'ya kung ganun.

Ngumiti ako at hindi na muling tumingin kay Pierce. Ni isang sulyap ay wala na akong naani mula sa kan'ya. Kun'sabagay, aalisin n'ya pa ba ang atensyon n'ya kay Irene. My God, she looks flawless.

"Sige ah, kailangan ko na rin kasing umalis.." Ngumiti ako kay Irene.

"Ayaw mo bang sabayan kami?" Biro n'ya. "Pero sige, nice meeting you ate Princess."

Tumango ako. "Bye Irene. Uh.. see you around, Pierce."

Sandaling lumingon saakin si Pierce habang pinagbubuksan ng pinto si Irene papunta sa loob ng coffee shop. He lightly nodded his head. "Okay." And then the door closed.

"Okay.." Buntong hininga ko at umalis.

Kukuhanin ko na sana ang phone ko para tawagan si Loraine nang makita ko s'ya paparating na. Nanlaki ang mga mata n'ya.

"OH MY GOSH!"

Tumakbo s'ya papalapit saakin at hinintay ko lamang s'yang makalapit. Kung kanina ko pa sana s'ya nakita, excited pa ako. Pero ngayon, parang nanlalambot ang tuhod ko. Nakakabadtrip naman kasi. Ang tagal n'ya masyado.

TKP II: Am I Wrong?Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα