Chapter 7

53.2K 1.8K 2.7K
                                    

AIW 7

Hindi na ulit ako sumama kay Loraine sa mga naging gala n'ya. Natrauma na ako at baka makita ko na naman si Pierce.

"You know what? Ang OA mo!" Tumawa si Loraine sa kabilang linya. Gusto n'ya kasing lumabas kami para kumain.

"Para kasing madalas kaming nagkikita ni Pierce masyado.."

"Huh? Natural lang 'yon. Hello, we're in the same city po. Isa pa, ano naman? Close mo naman sila Clinton."

"Tss.." Sagot ko.

"And so? Ikaw, huh?" Parang nakita ko na s'yang nanliliit ang mga mata.

"Umiiwas lang ako. As much as possible, mas okay na hindi na lang kami nagkikita.."

"Bakit? Wala namang masamang nangyari ah? Meron ba?" Tanong n'ya.

Umirap ako habang nagaayos. Pupunta kami kila Lola ngayon dahil mukhang ayaw n'ya ng ideya nila mama na ilagay si Papa sa columbarium sa mausoleum nila Tito Ian. Ang gusto ni Lola ay 'yung nakagawian raw nila, gusto n'yang bigyan ng traditional burial si Papa.

"Mas maayos kung isama na lang si Ronny kay Berting." Halos umirap si Lola kila Mama.

Ngumuso ako habang nakikinig sa kanila. Wala sila Trisha kaya wala akong makausap.

Nagkaroon pa sila ng mahaba-habang alitan. Hindi na lang ako nakinig dahil ayoko ng sumali sa gulo nila. Lumabas ako papunta sa terrace at nagbasa na lang ng mga message ni Jack sa akin sa Facebook.

Jackson Grant:

I think I'd fly to the Philippines next month. Can't leave Canada yet baby :)

Nagtype agad ako.

Princess Jade Torres:

Okay. Just be sure you're not gonna leave any unfinished work in Canada. I don't want you stressed here.

Jackson Grant:

Sure thing. Where are you right now?

Princess Jade Torres:

Lola's house. They're deciding where to put Papa's ashes. It's 10 PM there already, aren't you going to sleep?

Jackson Grant:

I will later.

Nagsend s'ya sa akin ng selfie n'ya na may hawak s'yang icecream na didilaan n'ya pa lang. Kitang-kita doon ang berdeng kulay ng mga mata n'ya dahil sa lakas ng ilaw ng kwarto. His hair is messy, at nakapangtulog na.

Princess Jade Torres:

No sweets before bed, Jackson Grant!

Jackson Grant:

Oh yeah? I miss my sweet Princess :( don't worry I'll brush my teeth later hehe

Nagsend s'ya ng nakapeace sign ang kamay sa gilid ng mukha habang nakadila. Tumawa ako.

Princess Jade Torres:

I miss you. Sleep early okay?

Nagpicture rin ako at sinend sa kan'ya. Nagsend naman s'ya saakin ng malaking emoji na ang mga mata ay pulang puso.

Jackson Grant:

So damn pretty! I miss you so much! I love you 😘

Tumawa ako at nagreply na lang.

Pagkatapos ay umuwi na rin kami. Hinatid kami ni Tito Ian sa bahay namin.

"Ewan ko ba sa Lola mo, ganun siguro talaga kapag matanda na. S'ya ang nagsuggest noong una na sa mausoleum na lang ang Papa mo.. tapos ngayon, ang gusto n'ya ay isama na lang raw kay Papa Berting."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TKP II: Am I Wrong?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon