Chapter 4

25.7K 839 364
                                    

AIW 4

"You're so tiny Princess," Bulong ni Pierce, nakatingin s'ya sakin nang may tamad na tingin. "I can just keep you in my pocket.. or throw you in the air and spin you around.." Ani Pierce.

Lumagpak ang bibig ko sa sinabi n'ya. Nakatayo s'ya malapit sa akin at nakasandal sa lababo habang matiyagang pinapanuod ang bawat biling ng kamay ko.Nanunuod s'ya sa akin na nagluluto para sa kan'yang almusal. 

"Alam mo? Ang yabang mo! Porket matangkad ka lang." Inirapan ko s'ya at tumingin ulit sa kawali.

Nakakainis kasi, bigla-bigla na lang n'yang pinansin ang height ko! Ang alam ko hindi naman big deal sa kan'ya ang height ko dati. Okay lang naman sa kan'ya dati na maliit ako ah?

"What? Nagagalit ka ba?" Tanong n'ya.

Hindi ako nagsalita at sinunog ang itlog n'yang pinapaluto. Kumain s'ya ng sunog!

"I find it cute actually.."

"Huh? Saang parte ang cute doon? 'Yung ihahagis mo 'ko at papaikutin?" Naiiritang tanong ko. 'Yung totoo, bakit naman n'ya naisip 'yon? Ang sadista lang! Hindi ko maisip na kaya n'ya akong ihagis sa ere! Napakasama.

"You can use it on me, you know.. every time you do something stupid, I look at you and I just automatically forgive you." Tumawa sya at pinaharap ako sa kan'ya para lalong ipamukha saakin na hanggang dibdib na lang n'ya ako. Bully!

Umirap ako at hindi na lang pinansin ang panunukso n'ya. "Pierce, tabi! Ipagluluto kita."

"Mamaya mo na 'ko ipagluto.." Halos lumabi na s'ya.

Suminghap ako at 'di pinansin ang sinabi n'ya. "Akala ko ba nagugutom ka?"

Humalukipkip s'ya at tinitigan ulit ako. Ano ba 'yan, palaging nakatitig. Nakaka-conscious tuloy.

"Ang busy mo tignan eh, ayaw mo 'ko pansinin.."

Hala! Nagtampo pa? "Ipagluluto nga kasi nga kita, kulit mo rin 'no?"

"Mamaya mo na 'ko ipagluto, ang hirap pala kapag di mo 'ko pinapansin." 

Natawa ako sa sinabi n'ya at napailing. Akala ko ay bumabanat s'ya pero mukha namang seryoso! Tss. 

Sumunod na naman s'ya saakin nang pumunta ako sa ref para kumuha ng mga itlog dahil nasunog at dumikit sa kawali 'yung isa. Ano ba 'yan, ang damulag n'ya at ang sikip sa kitchen, paano kaya ako gagalaw kung panay s'yang nakasunod?

"Baliw mo! Kulang ka sa pansin." Pagbibiro ko.

Ngumisi s'ya. "Palagi talagang kulang kapag ikaw ang pinaguusapan."

Pinigilan kong ngumisi, binuksan ko ang ref at kumuha ng itlog pagkatapos ay sinara 'yon ulit. Humarap ako sa kan'ya. "Hindi ako sapat, ganon?" Biro ko ulit.

Kumunot ang noo n'ya at tumayo ulit sa dadaanan ko, kukuhanin ko kasi 'yung hotdog na dinefrost ko. Palaging nakaharang, baka magkaroon ng sunog dito mamaya sa kitchen eh.

"Tabi, Pierce! Kukuhanin ko 'yung hot dog!" Pinagtawanan ko ang seryoso n'yang itsura.

"Sapat na sapat, pero palaging kulang.." Iyon ang sagot n'ya.

Ngumiti ako at umiling. "Hindi ko maintindihan."

Yumuko s'ya upang ilapit ang mukha sa akin. "Pinagti-tripan mo 'ko."

Humalakhak ako at napalayo sa kan'ya. He is so serious! Naglakad ako pabalik sa kawali. Humarap ulit ako sa niluluto.

"Bakit naman kita pagti-tripan?" Habang natatawa ay tinanong ko s'ya.

TKP II: Am I Wrong?Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt