Chapter 5

25.4K 874 371
                                    

AIW 5

Noong nangako ako kay Pierce, akala ko talaga kami na. Noong pinangako ko na papakasalan ko s'ya, seryoso ako. Tama nga na nakakapagsalita ka ng mga pangako kapag masaya ka, at nakakapagsalita ka ng masama kapag nasasaktan ka.

Kapag nangako ka kasi, dapat tinutupad 'yon. I promised Pierce that we would stay together forever, but it didn't happen. Change happened. I broke my promise. I broke Pierce.

But then, I broke my promise for him to grow. And he did, he's a better man now. I can see that, I know that. And I feel so proud that I let go of someone I love so dearly just for us to grow. Maybe I should just feel happy that once in his life, he loved me.

Oo, minahal ako ng isang Pierce Jyn Jimenez. Isang isip-bata at selosong boyfriend. Natawa ako. I love him like that, kaso minsan ay sumosobra na, at hindi lahat ng sobra, maganda.

Maybe you should just stop making promises. Promise is a big word. It will either happen someday, or it will just destroy everything.

"Gusto kong malaman, Cess.." Halos umiyak si Loraine habang nagmamaktol sa akin.

Hanggang ngayon ba naman, 'yon parin ang pinaguusapan namin? Gusto n'ya pa rin 'yun malaman! Ano bang meron doon?

"Oo na nga." Umamin na 'ko para matapos na. Isa pa ay wala namang mawawala saakin kung aaminin ko 'yun sa kan'ya.

Lumaglag ang panga n'ya, huminto naman ang sasakyan sa labas ng bahay namin.

"O.M.G?!" Gulat na sabi n'ya.

Nagbuntong hininga ako at tumango. Pagkatapos nun ay nag-init ang pisngi ko! 

"Kailan?!"

"No'ng pumunta s'ya sa Canada. No'ng unang beses."

Pinaypayan n'ya ang sarili n'ya at pinunasan ang noo n'yang wala namang pawis.

"Grabe!" 'Yun lang ang nasabi n'ya.

Natawa na lang ako at nalungkot. Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit 'yun ang nararamdaman ko kapag naalala ko 'yun.

Hindi lang naman isang beses may nangyari sa amin ni Pierce. Sa dalawang buwan na stay n'ya sa Canada, gabi-gabi yata s'yang kakatok sa kwarto ko at may magaganap sa amin, syempre kakatok lang s'ya sa oras na tulog na sila Mama.. kung may palya man kami, 'yon 'yung mga araw na pagod ako sa school.

"Pero ang sakit talaga.." Iling n'ya at tumingin sa akin. "Bakit ganun? Ako 'yung nasasaktan para sa inyong dalawa?"

Tumawa s'ya kaya tumawa na lang rin ako kesa tumunganga sa loob ng sasakyan n'ya. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.

"Sige na.. magingat ka ah." Bulong ko.

Nang makababa ako ng sasakyan ay sinusi ko agad ang gate namin at pumasok na. Naiwan sa Canada si Samuel dahil may pasok pa s'ya. Ako naman ay kaga-graduate lang. Si Mama lang ang kasama kong umuwi, gusto rin kasing i-uwi ni Mama ang abo ni Papa dito sa bansa kung saan s'ya pinanganak at lumaki.

"Mama," Nagmano ako kay Mama at pumasok na sa kwarto ko.

Ilang buwan lamang ang magiging stay namin dito. Depende pa 'yon kung magpapaiwan ako kay Mama dahil baka pumunta rin si Jackson dito, gusto n'ya kasing i-tour ko s'ya sa Pilipinas noon pa lang.

Pagpasok ko ng kwarto, dumagsa agad doon ang mga message ni Jack sa FB. I just smiled and replied to him hanggang sa makatulog ako. Gusto sana n'yang magskype kami kaso ay hindi ko na s'ya naabutan, baka pumasok na sa trabaho.

Kinabukasan ay pumunta kami kila Tita Trina upang pagusapan kung saan ang burial ng ashes ni Papa.

Nagmano ako kay Tita Trina at Tito Rudolf. Nandoon rin si Tito Ian na s'yang totoong kapatid ni Papa.

TKP II: Am I Wrong?Where stories live. Discover now