Andres
Sobrang nagulantang ako sa sinabi n'ya, ano ang ibig n'yang sabihin? Pokpok ba siya?
“ A-ano? ” tanong 'ko, ngunit nakatingin lamang ito ng malalim saakin, na naging dahilan kung bakit parang nanginginig ang lahat ng kalamnan 'ko.
Hindi 'ko alam at bakit parang dahil sa titig n'ya, nanginginig ang kamay 'ko at nanghihina ang mga tuhod 'ko.
What the heck Andres? Nagkakaganyan ka dahil sa isang pulubi? What a disgrace!
“ Nagbibiro lang po ako, pero may pera ka po ba? Tara pakainin mo na muna ako ” saad n'ya, kaya tumayo ako ng tuwid at tinitigan siya saka naman tinaasan siya ng kilay.
Who the hell does this dude think he is?
Nakatitig lang siya saakin ng maamo, habang ako naman ay nakaawang na ang labi.
Mas makapal pa ang mukha n'ya kesa sa patong patonga Thesaurus ah?
Nagiwas lang siya ng tingin saakin at nagpatuloy sa pagkalkal ng basura, napalunok naman ako at tila nakonsensya.
Hindi naman ganito ang naging pakitungo saakin ni lola noon, bakit ang rude 'ko naman?
Habang naglalakad ako, naramdaman ako ang sunod sunod na malalaki at basang butil na nagmumula sa langit. Tumakbo ako sa isang gilid sa may malaking puno. Wala na akong choice dahil wala na akong masilungan, bukod sa sarado na ang mga tindahan dito ay hindi naman mababait ang ibang mayari ng bahay dito para pasilungin ako.
Sino ba ang may gustong magpasilong sa isang madumi, at mabahong katulad 'ko?
Nakakaramdam ako na unting unti na ako nababasa sa ilalim ng malaking puno, niyakap 'ko nalang ang sarili 'ko at umupo.
Sumasabay ang buhos ng ulan sa pagtulo ng luha 'ko, sunod sunod ito at hindi 'ko na namalayan na humihikbi na pala ako na parang bata.
Bakit ako iniwan ni Marcelo? Siya lang ang maaasahan 'kong magiging kakampi 'ko sa lahat! Iniwan 'ko ang buhay 'ko para sakanya, tinanggap 'kong tinakwil ako ng mga magulang 'ko para sakanya.
Para sakanya ang lahat ng ito, at iniwan n'ya ako sa ere!
Hindi ba ako kamahal mahal? Dahil ba sa bakla ako? Bakit walang nagmamahal saakin ng totoo?
Tao lang din ako, gusto 'ko rin na minamahal ako! Na inaalagaan ako! Niloko ako ng putanginang Marcelo na 'yon!
“ Hijo ayos kalang ba? ” saad ng matandang babae, may hawak itong malaking payong at dahan dahan na lumapit saakin.
Tiningala 'ko siya, nakayuko na ito at tila may umbok na sa likod. Kuba na pala ito, ngunit hindi naging hadlang ito para lapitan ako at payungan din.
“ A-ayos lang ako. ” sabi 'ko at pinunasan ang mukha, nilapit n'ya ang payong saakin na naging dahilan kung bakit siya naman ang nabasa.
“ Nay, mababasa kayo. ” sabi 'ko, ngunit umiling lang siya at ngumiti.
Bungal ito at may isa pang ngipin na natira sakanya. Pero para siyang angel ng ngumiti siya.
Para bang uminit lalo ang gilid ng mata 'ko, at para bang hinaplos ang puso 'ko ng makita ang ngiti n'ya.
“ Tara saamin, pakakainin kita. Pulubi kaba hijo? ” sabi n'ya, at hinawakan n'ya ang kamay 'ko patayo at nagtungo sa bahay nila.
Simula no'n, inalagaan ako ni lola. Kumukuha siya ng labada para lang may pangkain kaming dalawa, at ng malaman 'kong nagkasakit siya ay saka na ako namasukan dito sa club.
YOU ARE READING
[BL] Filthy Andres
Romance[ Dark Series #2 ] Andres & Loan. " Oh Andres, i've stalked you in my entire life. I've skin alive of several men you've fucked- because you're mine. They shouldn't touch you because i very own every inch of you, my filthy Andres... "