Chapter 20

606K 14.9K 4.9K
                                    

Chapter 20



[Timi's POV]


"Kasalanan mo 'to!!" sabi ko doon sa aso na nasa harap ko at busy kumain. Ni-hindi ako pinansin.

"Bakit kasi ang cute cute mo ha? Pagka ako na brokenhearted dahil sa'yo, 'di kita pakakainin!"

Inangat ni Hotdog ang tingin niya sa akin at inilabas niya ang dila niya.

Ang cute!! Nakakainis!

"Joke lang!" sabi ko at binuhat ko siya. Dinilaan naman niya ang baba ko.

"Pag ako na brokenhearted, kailangan mo akong i-comfort!"

Kumahol si Hotdog na para bang naiintindihan niya ang sinabi ko. I scratched his tummy at mukha namang nagustuhan niya.

Napa-buntong hininga na lang ako.

Kanina, hinalungkat ko yung mga old photos ni mommy. Ang dami niya ring pictures kasama ang dati nilang aso na Hotdog din ang pangalan. Kamukhang-kamukha nga siya ng binigay na aso sa akin ni Ice. Meron din akong nakitang picture na two years old pa lang ata ako nun at nakasandal ako kay Hotdog.

Siguro ito yung nakita ni Ice na picture ko. Ayoko nang i-imagine kung ano pang mga childhood photos ko ang nakita niya.

Naku talaga si daddy! Naku!!

"Papasok ka na?" tanong sa akin ni Rika na kalalabas lang sa kwarto niya.

"Yup. Ikaw?"

"I'm on a vacation leave."

Sinimangutan ko siya, "at baket?"

"Wala lang. Gusto ko lang mag pahinga."

Buti pa ang isang 'to! Gusto ko muna rin mag bakasyon para ma-i-train ko ng maayos si Hotdog at para pwede na siyang maiwan mag isa dito pag wala kami ni Rika. Kaso tambak naman ang gagawin ko ngayon.

"Ikaw muna mag bantay kay Hotdog ah?"

"Sure Timi!"

"Teka, marunong ka bang mag-alaga ng aso?"

"Hay naku. Wag mo na yang problemahin. Hindi ko pababayaan ang aso mo. Basta kahit gabihin ka pa ng uwi mamaya okay lang. Wag ka lang uuwi ng lasing okay? Kung hindi ka man uuwi, mag text ka."

"R-Rika!"

Tinawanan lang ako ni Rika.

Tss.

Nagsisisi talaga ako na niyaya ko si Ice. Kasi naman! Sukat balandrahan ako ng aso!!

Ay nakakainis talaga!

Nagpaalam na ako kay Rika at dumiretso na ako sa restaurant ko. Dahil 2pm na ako nakarating dito at medyo patay na oras 'to kaya wala masaydong tao, nakita ko yung ilan sa mga servers ko na nag ku-kumpulan sa isang sulok doon.

"Aba magaling!" sabi ko sa kanila at agad naman silang napalingon sa akin.

"Hi chef!" sabay-sabay nilang sabi.

"Anong ginagawa niyo?"

"N-naka break po kami!" naka-ngiting sabi ni Fern, isa sa mga senior server ko.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon