Chapter 44

576K 14.2K 4.1K
                                    


Chapter 44


[Timi's POV]


I'm lost. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Nanginginig ang buong katawan ko. Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa mata ko.

Hindi ko na alam ang nangyayari. Parang umiikot ang buong paligid ko.

I know the cops are talking to me. They are asking me what happened. They are grilling me for details.

Paulit ulit ko nang sinabi sa kanila. Na-holdap kami. Muntikan na kaming ma-rape. I saw a tricycle na papalapit sa amin kaya lang lumiko ito kaya sumigaw ako. Muntikan na akong mabaril pero hinarang ni Erin ang sarili niya. Tumakbo yung dalawang lalaki. Tinulungan kami nung tricycle driver.

And Erin... Erin....

Napatakip ang dalawang kamay ko sa mukha ko.

Nasa emergency room si Erin. Hindi ko alam ang lagay niya. Hindi ko rin alam kung paano ko i-co-contact sina Ice dahil nakuha ang phone at wallet ko. Hindi ako makaalis. Ayokong umalis. Paano kung nagising si Erin at walang nagaantay sa kanya rito?

Paano kung mawala siya nang walang nakabantay sa kanya.

No. Hindi siya mawawala. Hindi pwede.

It's my fault. It's my fault!! Lahat ng nangyari kasalanan ko. Lahat lahat lahat!

Mula noon. Mula nung sa ate niya. She's right. Kasalanan ko yun. Lahat ng pananakit na ginawa niya, deserve ko.

I'm selfish at napaka spoiled ko. Hindi ako marunong makinig. Wala akong ibang ginawa kundi ang saktan ang mga taong nagpapahalaga sa akin.

I'm such a terrible human being.

Bakit hindi na lang ako ang nasa kalagayan niya? Ba't hindi na lang ako ang nagaagaw buhay ngayon?

"Timi."

Napa-angat ang tingin ko. I saw Ayen in front of me. Nagaalala ang tingin niya sa akin.

"Timi, tinawagan ako ng mga pulis. Papunta na rin dito sina Ice. They told me what happened. Are you okay?"

Hindi ko siya sinagot instead tinignan ko siya ng diretso sa mata.

Si Ayen...

Nasaktan ko rin siya.

Ilang beses ko na kaya nasugatan ang puso niya? Kada magkasama kami wala akong ibang bukambibig kundi si Ice.

And I remember that time na nakita pa niya na magkatabi kaming matulog ni Ice.

Umiyak ba siya? Halos hindi ba siya makahinga sa sakit?

God.

Bakit ganito ako? Wala na ba akong alam kundi ang manakit?

"Timi?"

Bigla na lang ako napahagulgol ng iyak.

"Hey, it's okay. Erin will be okay."

Umiling ako.

"I'm so sorry Ayen. I'm really really sorry."

"Timi.."

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon