Chapter 32

526K 15.1K 4.4K
                                    

Chapter 32


[Ice's POV]


"Ang ganda ng ngiti natin pre ah! Para kang nanalo sa lotto!" salubong sa akin ni Jasper pagkapasok ko sa recording room.

Halos kakagaling ko lang sa condo unit nina Timi at hanggang ngayon, hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa labi ko.

I could still feel her lips on mine. Paulit-ulit na nag re-replay sa utak ko ang nangyari.

I kissed her. I kissed her! Damn! I kissed her and she kissed me back!

Ang sarap sa pakiramdam!

"Bro, magpamisa na tayo. Pabasbasan natin si Ice. Feeling ko may sumanib sa kanya na kung ano. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganyan. Ang creepy pre!" sabi ni Jasper kay William.

"Wag kang magulo. Feeling ko nakagawa ng moves 'yan kay Timi."

"Weh? Si Ice? Sus. Weak yan. Paano makakagawa ng moves yank ay Timi."

"Natututo na sa mga style natin ano ka ba!"

Napailing na lang ako sa dalawang 'to at tinalikuran ko sila. Nilapitan ko si Rochelle at halos maibuga niya ang kapeng iniinom niya nang makita ako.

"Anong nangyari sa'yo?!" tanong niya.

"Huh? Wala."

"Ang lawak ng ngiti mo! Jusko mahabaging langit!"

Pinanliitan ko siya ng mata.

Anong masama sa ngumiti?!

"Ang OA niyo mag react," sabi ko sa kanya.

"Kung kasing cold mo ba naman ang ngingiti ng ganyang kalawak eh iisipin ko talaga na may nangyaring kakaiba."

"Alam ko na!" sabi ni Jasper habang papalapit sa amin. Inakbayan niya ako, "naisuko mo na ang bataan mo 'no?"

"Loko ka!" at tinabing ko ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Ah kaya naman pala! Si Timi ba ang maswerteng babae na naka una sa'yo?" tanong naman ni Rochelle habang tatawa-tawa.

"Ice ah! Pag nabuntis si Timi sasapakin kita....pag hindi mo ako ginawang ninong!" sabi naman ni William..

Nagtawanan yung tatlo. Mga loko loko talaga.

"Pero hindi nga Ice, naisuko mo na ba talaga?" pangungulit ni Rochelle.

"Ewan ko sa inyo. Mag tigil kayo. Hindi pa nga."

"Hindi PA raw!" sabi ni Jasper.

"Hindi PA!" sabi naman ni William.

"Hindi PA nga!" dagdag pa ni Rochelle. "Pero may plano!"

At nagtawanan ulit ang mga loko loko.

Pinagbigyan ko na. Minsan lang ako magawang pagtulong-tulungan ng mga 'yan.

"Palibhasa ikaw Jasper gamit na gamit ang bataan mo," sabi ko sa kanya.

Nagtawanan sina Rochelle at William.

"Tama ka dyan Ice! Ang galing dumiskarte nang isang 'to eh. Talented sa ganyang bagay!" sabi naman ni Rochelle.

"Oy kayo! Saan niyo natututunan ang mga kabastusan na 'yan ah? Tumigil kayo. Wag niyong dumihan ang isip ni William!" saway sa amin ni Jasper.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon