Chapter 2 (01/08/15)

805K 19.4K 7.7K
                                    

Chapter 2

 

[Timi’s POV]

 

Kalma lang Timi. Kalma. Ano naman kung siya ang client mo? Ano naman kung siya ang pagsisilbihan mo? It’s been five years! Hindi ka na dapat naapektuhan! Hindi na!

            Huminga ako ng malalim at chineck ko ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko pa rin kaya lang ang gulo ng buhok ko. Agad akong nag suklay at nag re-touch ng make-up.

            Syempre naman kung makikita ako ng lalaking nanakit sa akin nung highschool eh dapat lang na ubod ako ng ganda ‘no para naman lumuwa ang mata niya!

            Nang daig ko na ang kagandahan ni Aphrodite, taas noo akong lumabas ng restroom at dumiretso sa table namin. Nakita kong nandoon na rin si Ice at mukhang na-regain na rin niya ang poise niya.

            Kasi bullshit! Ang gwapo niya. Alam kong gwapo siya dati pero ibang level na ang pagkagwapo niya ngayon.

            Iba na ang hairstyle niya. Hindi na ito yung dating pang totoy na hairstyle na medyo nakababa at medyo natatakpan ng buhok ang mata niya. Ngayon ay naka-brush up na siya at mas kita na ang mukha niya. Mas maaliwalas.

            Maganda na rin ang pormahan ni Ice ngayon. Pang elite na rockstar ang itsura niya.

            Bakit ko ba sinusuri ang itsura ng isang ‘to ngayon?!

            “Hi!” full of confidence kong bati sa kanila. “Sorry about that. By the way, let’s start?”

            Tinignan ko si Ice, “I’m Stephanie Cruz nga pala. I’m the owner of this restaurant. I’m also the executive chef. May I know your name sir?”

            Sige Timi, act like you don’t know him. Maganda ‘yan.

            “Ice Monasterio,” matipid na sagot niya sa akin.

            “You don’t know her miss?” tanong naman ni Rochelle. “Siya yung vocalist ng Endless Miracle na banda! Sikat na sikat siya ah?”

            I looked at her innocently, “oh sorry. I’ve stayed in Paris for five years and I just got home today kaya naman hindi na ako familiar sa mga sikat na artista ngayon.” Nilingon ko si Ice, “by the way I am so honored na kami ang pinili mong mag cater sa birthday mo,” I flashed him a seductive smile at nakita kong napalunok siya.

            Ha! Got you!

            Lumapit ang isang server ko sa amin na may dala-dalang inumin. Nakita kong kinikilig-kilig pa siya nang lumapit sa table namin.

            Sesantehin ko kaya ang isang ‘to?!

            “Hi! Iced tea,” naka-ngiting sabi niya habang naglalagay ng iced tea sa lamesa namin.

            Of all the drinks naman talaga!

            “Paki palitan ng lemonade ‘yung akin,” sabi ko doon sa server. Agad naman niyang kinuha yung iced tea ko at may pahabol pang isang sulyap kay Ice bago lumayas.

            “You don’t drink iced tea, Ms. Timi?” he asked me while looking so amused.

            Buhusan ko kaya ‘to ng kumukulong mantika sa mukha ha?!

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon