"Confrontation"
Justice
Nakatingala ako sa malaking building na hindi ko inaasahan sa tanan ng buhay ko ay pupuntahan ko. Madaming mga naka uniform na sundalo ang nagbabantay sa labas.
Puno ng seguridad ang buong lugar kaya naman panigurado na walang kriminal na makakalabas.
"Dalaw para kanino?" Tanong ng lalaking officer na tumingin sa akin.
"For Mr. Bryan Foster," I answered.
Meron muna siyang tinipa sa computer niya bago siya tumayo at nagbigay ng log book sa akin.
"Pirma ka diyan iho at may maghahatid sayo sa loob ng visiting room." Ginawa ko ang sinabi niya. Nag log in muna ako at pumirma bago ko binalik iyon. May isang officer naman na sumama sa akin sa room.
May mga tao na rito, karamihan ang dalaw ng mga preso, mga kamag anak nila. Humanap ako ng mauupuan at tyaka doon naupo. Sinabi sa akin ng officer na rito ko aantayin ang sadya ko.
Hindi naman matagal ang pag aantay lumabas na rin ang sadya ko. Hindi pa siguro niya alam kung sino ang dumalaw sa kanya kaya nagtatanong sa pulis.
Nang makarating sila sa table ko ay doon siya nanahimik at pinakatitigan ako, nakipagtitigan din ako bago i-offer ang upuan sa harapan ko.
Tahimik niyang inukupa iyon.
Inantay muna namin na umalis ang officer bago siya nagsimula magsalita.
"Anong kailangan mo sa akin?"
Diretso ko siyang tinignan sa mga mata niya. Masasabi ko talaga na kamukha niya ang mga anak niya, lalo na 'yong panganay niya. Nakuha kasi nito ang abuhin niyang mata.
"Dinadalaw ka." Simpleng sagot ko na kinunutan niya ng noo.
Noong una ko siyang nakita sa bahay nila nang ipakilala ako ni Brave sa parents niya. Hindi ko pinagsuspetsyahan na halang ang bituka ng lalaki na ito. Mabait siya, sabi nga ni Brave hindi niya alam bakit nagbago ang daddy niya ng ganon kabilis.
Baka naman kasi nagpapanggap lang.
"Come on. Hindi lang simpleng dalaw gagawin mo." Turan niya.
I smile. Mabuti naman hindi siya tanga.
"I actually came here from what you said to Brave." Paglabas ko sa katotohanan kaya ako dumalaw dito. Nagbago ang expression ng mukha niya, iyong kaninang medyo maaliwalas pa ay biglang nagbago.
"Nagsumbong sayo? Pftt hindi ko alam na magiging sumbungero siya ano ba pinakain mo sa anak ko?"
"Malamang sasabihin niya sa akin mga walang kwentang pinagsasabi mo sa kanya. Hindi naman gaya si Brave sayo." Sabi ko at bagot na sumandal sa upuan.
Nawawalan na rin ata ako ng galang kahit matanda pa itong kaharap ko. Sino bang gaganahan galangin ang lalaki na ito kung pabarang kung magsalita, tsk.
"Ano.. sasabihin mo sa akin gaano ka nasaktan dahil sa ginawa namin sa parents mo? Hindi ko na kailangan makinig pa nangyari naman na ang nangyari. Napakulong mo na ako pati tiyuhin mo masaya ka na nasira mo ang pamilya ko." Walang prenong sabi niya. I know the fact that I'm one of the reason why Brave's parents needed to be separated this way. Tita filed a divorce with her husband after makulong ng ilang buwan.
Luckily kinasal sila sa ibang bansa kaya naman legal ang divorce and may ari-arian na makukuha sila tita and mga anak nito.
Wala na rin kasing pag-asa ang lalaki na ito.
BINABASA MO ANG
Roses and Champagne : Blue and Grey
Fanfiction#BL Justice Hostia Lapointe x Brave Claud Foster