Shiela's POV
"Aray! bakit ka ba nakabatok dyan? sakit huh." kawawa naman ulo ko nabatukan ni Noimi, baka magkabukol ako nito eh.
"Wag mong titigan si Juls baka matunaw." hindi ko naman tinititigan si Juls, ang epal nito. Napatingin lang ako sa gawi nya, tinititigan agad? barbero talaga itong si Noimi.
"Kwento-kwento ka dyan, Noimi." sabi ko.
"Asus deny pa, masarap bang kahalikan si Juls?" namula ang mukha ko na ikatawa nya. "Nagblu-blush ka Shield!" nang-aasar na sabi nya.
"Che!" pero tinawanan nya pa ako lalo. Nakakainis naman si Noimi eh, medyo nakalimutan ko na nga 'yon pinaalala pa.
"Okay girls! nakikita ninyo 'yang sobrang taas na hagdan na yan? aakyatin natin 'yan hangga sa pinakataas." sabi ni Ella.
"Para may thrill." sabi ni Avey. Napansin ko naman na sabay-sabay umiwas ng tingin ang mga seniors na pinagtaka ko. Bakit kaya? "Bibilangin ninyo kung ilang palapag meron 'yan at sa pinakataas nito may bahay doon na may nakahandang madaming pagkain. Kapag tama kung ilang palapag na meron ang hagdan na ito, makakakain kayo pero kapag hindi, sorry, walang food. Kung gusto ninyo naman makakain, bumalik kayo sa umpisa easy 'di ba?" ngising sabi ni Avey. Kahit kailan talaga lagi syang may pakulo sa training. Katulad nung nakaraang training, pinatakbo nya kami ng fifteen km habang hinahabol kami ng mga aso oh 'di ba ang saya? Langya Avey 'yan parang gusto kami patayin.
"Avey naman! hindi pa nga kami nakaget over doon sa huling training namin tapos may panibago na naman na mahirap?" angal ni V. Kasama namin minsan magtraining ang mga seniors. Si Avey at Ella lang hindi sumasali.
"Kaya nga naman Avey, yung madali naman o kaya practice game na lang." sang-ayon ni Rei. Hindi sila pinansin ni Avey dahil nauna na syang umakyat kasabay si Ella.
"Kawawa talaga tayo kay Avey." sabi ni Ali at sinang-ayunan naming lahat. Walang patawad talaga si Avey!
"Ano pa tinutunganga ninyo? simulan ninyo ng umakyat." sabi ni Ella. Wala na kaming nagawa pa at sinunod na lang sila.
"One little, two little, three little indian, four little, five little, six─"
"Shiela isaisip mo 'yang pagbibilang mo nadi-distract kami!" umangat ang tingin ko kay PJ tapos sumimangot.
"Bakit ba? kanya-kanyang diskarte yan kung gusto mo sabayan mo ako eh."
"Shete ka talaga Shiela ikaw na lang nahuhuli dyan!" sigaw ni Gail. Tumingin ako sa likod at tama nga sila. Nasa pang-anim na palapag pa lang ako pero sila nasa twenty pataas na, mang-iiwan!
"Kapag kayo naunahan ko, who you kayo sakin!" at tumakbo ako paakyat.
"Ha!! nakakapagod! ang layo pa natin!" maktol ko. Nasa two hundred plus palang kami ay pagod na kagad kami. Bakit kasi may ganito sa Bora eh!
"Buti pa yung iba ang layo na." sabi ni Bea, tumingin naman kami sa itaas kung nasan ang mga nauuna.
"Si Avey ang nauuna kasunod si Ella 'di ba?" walang sumagot sa tanong ni PJ pero may tumango.
"Eh sino yung pumapangtlo?" tanong ko, nanikit ang mata ko dahil hindi ko makilala kung sino ang pumapangtlo.
"Si Anya 'yon, dating runner ang babaeng 'yan eh." sagot ni Zeke, wow kaya pala mabilis makahabol kanila Avey.
"Hulaan ko si Kill at si Scarlette yung magkasabay na 'yon 'no?" tumingin kami sa tinuro ni Ashley. Sila nga, grabe haba ng hair ni Kill, ang daming nagkakagusto sa kanya. Tatlo-tatlo, ay hindi tatlo lang kapag tatlo tatlo anim na 'yon.
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess
General FictionSi Kill ay napilitan lang mag-try out sa isang basketball team dahil sa bestfriend nya at hindi nya aakalain na kahit hindi nya ginalingan ay napasama sya sa magtra-training. At ang pagpasok sa camp ay hindi nya naisip na magugulo ang buhay nya dahi...