Kill's POV
"Baby." nagising ako sa tadtad na halik ni Avey sa mukha ko.
"Avey, ang aga pa." inaantok kong sabi. Tila wala syang narinig dahil patuloy pa rin sya sa paghalik sa mukha ko. "Avey." dumilat ako at tumingin sa kanya. Naka-pout sya kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"Jogging tayo." sabi nya.
"Anong oras na ba?" tumagilid ako patalikod sa kanya. Inaantok pa talaga ako.
"Ala tres ng umaga." nilingon ko sya at sinamaan ko ng tingin. Gigisingin nya ako ng ganon kaaga para lang magjogging?
"No." sabi ko at nagtalukbo ng kumot.
"Baby please?" tinignan ko sya at binelatan sya. Tumawa sya at nailing. Aba tinawanan pa ako nito, pumikit na lang ulit ako dahil inaantok pa ako.
Malapit na akong makatulog ulit nang may humatak ng kumot ko. Inis ko syang tinignan pero pumaibabaw sya sakin at nagtalukbo ng kumot. Tinignan ko sya na nagtataka pero nginitian nya lang ako. Hinalikan nya ako sa labi, hindi sana ako tutugon kaso hindi ko matiis ang mga labi nya. She's irresistible. Bumaba ang halik nya papunta sa leeg ko kasabay ng paghawak nya sa dibdib ko. Nagulat ako sa ginawa nya kaya agad ko syang tinulak at napaupo.
"Avey!" sigaw ko sa kanya pero nakangiti lang sya sakin at tinulak ako pahiga tsaka nagtalukbo ulit ng kumot. Itutulak ko sana ulit sya kaso hinawakan nya ang tagiliran ko kaya naestatwa ako dahil may kiliti ako doon. Naman! Nginisian nya ako at muli ako hinalikan sa leeg, napakagat ako ng labi. Putek naman! Hindi ako makakilos dahil isang galaw ko lang baka kilitin nya ako. Ang lakas pa naman ng kiliti ko sa tagiliran.
"Shit!" napatawa ako ng malakas dahil kiniliti nya ako. Tinutulak ko sya pero ang bigat ng pagkadagan nya sakin.
"May sinasabi ka?" sabi nya habang patuloy sa pagkiliti sakin.
"Avey naman! ohmygod!" Ilang minuto pa bago sya tumigil kaya parang ayoko ng tumayo, napagod ako kakatawa, bwisit. Tinignan ko si Avey na nasa ibabaw ko pa rin, pasalamat sya hindi sya mabigat kaya okay lang na nasa ibabaw ko sya.
"Are you tired?" sinamaan ko sya ng tingin, nang-aasar pa eh. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nya at pinagpalit ang pwesto namin. Kung kanina nasa ibabaw sya, ngayon ako na. "Kung gagawin mo ang ginawa ko sayo, sorry ka wala akong kiliti." sabi nya at binelatan ako.
"Bakit ba ang kulit mo ngayon huh?" tanong ko sa kanya tapos nagpout sya. Hindi sya cute tignan, ang sexy nyang tignan.
"Gusto kong magjogging tayo, pero ayaw mo naman." sabi nya.
"Kasi ang aga pa, pwede mo naman ako gisingin mamayang five wag lang ganito kaaga, ala tres?" sabi ko at nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Pumikit sya kaya natawa ako, akala nya hahalikan ko sya? Takang tumingin sya sakin. "Akala mo hahalikan kita 'no?" ngising tanong ko, ngumuso sya. Napangiti ako at mabilis syang hinalikan. Bago pa sya tumugon sa halik ko, lumayo ako sa kanya. "Tara, jogging tayo." agad akong tumayo at lumabas ng tent.
"Baby!" napangiti na lang ako. Akala nya hahalikan ko sya? Oo hahalikan ko talaga sya. Inaasar ko lang sya.
Tumingin ako kay Avey na nakatingin lang sa toothbrush nya. Nagmumumog muna ako ng bibig tsaka sya tinanong.
"Bakit hindi ka pa nagto-toothbrush?" takang tanong ko.
"Ikaw magtoothbrush sakin." sabi nya na nagmamakaawa. Tinignan ko. "Sige na." pagpupumilit nya. Bumuntong hininga ako at kinuha ang toothbrush.
"Para kang bata. Naglambing ka pa." sabi ko at pinangiti sya. Sinimulan ko ng sipilyuhin ang ngipin nya. Nakatingin lang sya sakin habang sinisipilyuhan ko sya. May naisip akong kalokohan kaya diniin ko ang pagbru-brush ng ngipin nya. Hinampas nya ang kamay ko at lumayo sakin.
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess
General FictionSi Kill ay napilitan lang mag-try out sa isang basketball team dahil sa bestfriend nya at hindi nya aakalain na kahit hindi nya ginalingan ay napasama sya sa magtra-training. At ang pagpasok sa camp ay hindi nya naisip na magugulo ang buhay nya dahi...