Kill's POV
"Baka matunaw." tumingin ako sa katabi ko.
"What?" tanong ko sa kanya.
"Sus halata ka Bear, kanina mo pa tinitignan or should I say, tinititigan si Abby." ngising sabi nya. Inirapan ko sya at tumingin na lang sa iba. "Halata ka Bear." natatawang sabi nya.
"Tumigil ka nga." sabi ko at kumain ng pagkain ko. Nasa cafeteria kaming lahat para mag-almusal.
"Pero alam mo, nagpapasalamat ako sa kambal na 'yan. Si Avey at si Abby." tumingin ako kay Abby na masayang nakikipag-usap kay Ella. "Kasi onti-unti ka ng bumabalik sa dating ikaw. Si Avey napapangiti ka nya kasi..." tinignan ko sya dahil pabitin pa sya.
"Ano?" asar na tanong ko dahil binibitin pa.
Lumapit sya sakin at bumulong. "Kasi gusto mo sya." sinanggi ko ang balikat nya para lumayo sya sakin. Natawa naman sya saglit. "Tapos si Abby naman, bwinibiwisit ka nya kaya madalas ka na magsalita." Nailing na lang ako sa kanya. Tama ang sinabi nya. Nakakairita si Abby kaya hindi ko maiwasan ilabas ang irita ko sa kanya. Pinaglalaruan nya ako minsan pero minsan din nanglalambing. Parang syang si Scarlette kaso sumobra lang.
"Eh kayo ni Juls? ano na ang ganap sa inyo?" tanong ko sa kanya habang nakatingin ako kay Juls. Tinignan ko si Bear nang hindi sya sumagot, natawa ako ng mahina nang makita kong pulang mukha ni Bear. "Don't tell me, naka-second base na si Juls?" ngising tanong ko tapos hinampas nya ako. Sinamaan ko sya ng tingin dahil ang sakit ng pagkahampas nya.
"Ang green mo Bear!" namumula ang mukha nyang sabi.
"So dapat nakahampas huh?" badtrip na sabi ko. Paano kung may hawak akong pagkain o tubig edi natapon 'yon? tsaka ang sakit kaya nitong humampas.
"Ikaw kasi eh!" sabi nya. Ang tinis ng boses nya kaya napatingin tuloy samin ang iba.
"Tinatanong ka lang kung ano ganap sa inyo ni Juls pero namula ang mukha mo. Iba naisip mo 'no?" ngising asar ko sa kanya. Lalong namula ang mukha.
"Eh kasi..ano...ano...kasi..." napapoker face ako dahil wala akong naintindihan sa sinabi nya.
"Ah oo gets ko." sabi ko tapos hinampas na naman nya ako. Sinamaan ko ulit sya ng tingin pero mukhang hindi nya ako pinansin.
"Nakakainis ka! masaya ako ng bumabalik ka na sa dati kaso sobra yung asar mo eh!" inirapan ko lang sya.
"Kung sinasabi mo na kasing ng maayos 'di ba?" badtrip na sabi ko.
"Nanliligaw sya sakin." mahinang sabi nya. "Ta-tapos, minsan..ano..nagki-kiss kami." tinakpan nya ang mukha nya gamit ang dalawang palad nya. "Pero hanggang d'on lang kami ah!" sabi nya tapos inalis nya ang kamay nya.
"Okay." sabi ko na lang. Sumimangot naman sya dahil alam nyang hindi ako naniniwala sa sinasabi nya.
"Mu-muntik lang." mahinang sabi nya. Napatingin ako sa kanya. Pulang pula ang mukha nya pati ang tainga nya. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan kapula ang mukha kahit nung sila pa ng ex nyang si Ralph.
"Do you love her?" tanong ko.
"I...I don't know.." napakunot ang noo ko sa sagot nya. Hindi nya alam pero hinahayaan nyang halikan sya ni Juls tapos kamuntikan pa. "Bear I'm scared, paano kung gawin nya rin ang ginawa ni Ralph? Bear alam mo naman kung gaano ako nagdusa n'on. Ayoko ng maulit ang sakit." ramdam ko ang hinanakit sa boses nya at tila sya naiiyak.
Hindi ko sya masisisi kung takot syang mainlove ulit. Nasaktan sya ng sobra eh. Nung nagbreak kami ni Nicolo, wala sya ginawa n'on kundi patahanin ako, wala syang sinabi kundi 'okay lang 'yan', 'mawawala rin 'yan' dahil siguro alam nyang parehas lang kami ng nangyari. Once na syang nasaktan at para sa kanya sobrang sakit ng ginawa sa kanya ni Ralph. Naalala ko n'on isang buwan hindi lumabas ng bahay si Shiela at ilang buwan din hindi makausap ng maayos. Sobra talaga sya nasaktan. Wala si Noimi sa panahon na nagbreak sila ni Ralph kaya siguro natagalan din bago makausap ng maayos si Shiela dahil sa oras na 'yon ay isang cold na Kill na ako. Pero hindi ko naman sya iniwan, nasa tabi nya lang ako dahil natatakot ako na may gawin syang hindi maganda. Mahal na mahal nya si Ralph noon kaya may possibilidad na may gawin syang katangahan.
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess
General FictionSi Kill ay napilitan lang mag-try out sa isang basketball team dahil sa bestfriend nya at hindi nya aakalain na kahit hindi nya ginalingan ay napasama sya sa magtra-training. At ang pagpasok sa camp ay hindi nya naisip na magugulo ang buhay nya dahi...