Kill's POV
"Loko-loko rin pala si Abby." natatawang sabi ni Lexie. Hindi lang sya ang tumatawa sa mga kasamahan namin pagkatapos kong ikwento sa kanila ang nangyari kanina.
"Sinabi mo pa, kailan ba ang kasal Kill?" sinamaan ko ng tingin si Noimi pero tumawa lang silang lahat. Bwisit sila. Sa tingin ba nila nakakatuwa yung ginawa ni Abby? pinahiya nya ako.
Tumigil din sila sa pag-aasar sakin at kanya-kanya na ulit sila sa pag-uusap pero yung dalawa, pinag-usapan pa rin ako.
"Alam mo may naaamoy akong jelly-jelly." nagtaka akong tumingin kay Shiela. Hindi ko naintindihan ang sinabi nya.
"May mac-mac pa nga eh!" natatawang sabi ni Noimi tapos nag-apir silang dalawa ni Shiela. Napairap ako dahil parang silang baliw na sila lang nakakaintindi ng sinasabi nila.
"Pero seryoso na tayo. Kill, may possible bang magkagusto ka kay Abby?" napatigil ako sa pagsubo ng cake at tumingin kay Noimi.
"Malabo." sagot ko at sumubo ng ng tuluyan ang cake. Nung una pwede pa pero sa ginagawa nya, naiirita ako.
"Pero 'di ba may gusto ka kay Avey?" at napatigil na naman ako sa pagsubo ng cake at tumingin kay Shiela.
"What the heck?" sabi ko.
"You know what? nakakatampo ka, kahit hindi mo sabihin samin nakakahalata kami ni Noims na may gusto ka kay Avey. Hindi ko nga alam kung bestfriend mo kami o ano eh." bigla naman ako na-guilty don, bestfriend ko nga sila pero hindi kasi ako yung tipong nagkwe-kwento simula nung nagbreak kami ni Nicolo.
"Sorry. Kilala nyo naman ako, hindi ako makwento." sabi ko na lang sa kanila.
"Edi inamin mo tin na may gusto ka kay Avey." sabi ni Noimi.
"Wala akong sinasabi." wala rin naman saysay kung aaminin ko sa kanila. Wala na sya rito.
"Sus, tayo pa ba maglolokohan? aminin mo na kasi." pangungulit ni Noimi.
"Wala akong aaminin kasi wala naman talaga." kinain ko ulit ang cake ko at hindi pinansin ang pangungulit ng dalawa.
"Bear/Kill!!" sabay na sigaw ng dalawa sa tapat pa mismo ng tainga ko. Tawang tawa sila ngayon lalo na natapon sng cake na isusubo ko dapat.
"Bwisit kayo." sabi ko sa kanila at kinuha ang cake na nasa pantalon ko. Napansin ko naman na hindi kami pinansin ng mga kasamahan namin.
"Umamin ka na kasi, may gusto ka kay Avey." bakit ba ang kulit ng mga ito?
"Sa tingin mo pa lang kay Avey, alam kong may gusto ka sa kanya." sabi ni Noimi.
"Fine. Gusto ko sya, happy?" sabi ko na na magtigil sila. Nakita ko naman ngumiti ng malapad ang dalawa.
"Inamin mo rin!" napairap ako sa kanilang dalawa. Napakabig deal naman sa kanila 'yon.
"Magkamukha yung dalawa, hindi ka ba nahihirapan? I mean, kasi 'di ba si Avey ang gusto mo eh kamukha nya si Abby, so ano?" parang ewan na sabi ni Shiela.
"Magkaiba naman sila." sagot ko. Sobrang magkaiba.
"Paanong magkaiba?" tinignan ko ng seryoso si Noimi. Hindi ba nila nahahalata na magkaiba ang ugali ng dalawa?
"C'mon Bear alam namin kung ano ang kaibahan nila pero para sayo, ano ang pinagkaiba nila?" sabi ni Shiela.
"Kung ano ang nakikita ninyong pagkakaiba sa kanila, ganon din ako." sabi ko sa kanila.
"Fine. Ano naman ang pinagkaparehas nila bukod sa magkamukha sila?" tanong ni Noimi. Napaisip naman ako ron at napapoker face.
"Malakas mangtrip." at tumawa silang dalawa.
YOU ARE READING
Melting Ice Princess
General FictionSi Kill ay napilitan lang mag-try out sa isang basketball team dahil sa bestfriend nya at hindi nya aakalain na kahit hindi nya ginalingan ay napasama sya sa magtra-training. At ang pagpasok sa camp ay hindi nya naisip na magugulo ang buhay nya dahi...