Kabanata 10.
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Tinitigan ni Sarix ang babaeng nakatayo sa harapan niya. Nakasuot ito ng uniform na mas malaki sa size ng katawan niya.
Mariin na niyukom ni Sarix ang kamao niya ng maalala niya ang nakakaakit na scenery na nakita niya kanina.
Nagawa niya lamang pigilan ang sarili niya na gumawa ng masamang bagay nang tingnan siya ni Eriansha.
Kung nasa tamang edad na si Eriansha o kung papayagan siya nito ay hindi magdadalawang isip si Sarix na halikan si Eriansha.
Ngunit malabo pa ang bagay na iyon dahil nahalata ni Sarix na kahit mukhang mature na si Eriansha ay inosente pa rin ito sa mga bagay tungkol sa sexual desire.
Indeed, her eyes are pure as her innerself.
He is a beast if he forced her to do something bad. Mabuti na lang dahil teenager pa sila kaya nagagawang pigilan ni Sarix ang sarili niya. Alam niyang bata pa rin si Eriansha. Maliban pa don, hindi pa sila official na mag-couple.
Nangingibabaw din kay Sarix ang matinding pagmamahal at respeto niya kay Eriansha. Pero kahit ganon, hindi niya masisigurado sa hinaharap kung mapipigilan pa rin niya ang sarili niya.
"Sarix, maglalunch lang kami."
Natauhan si Sarix ng magsalita si Eriansha.
"Naglunch ka na ba?" tanong pa sa kaniya ni Eriansha.
Tumango si Sarix. Kanina pa sila naglunch ng mga kaibigan niya. Mabilis niyang tinapos ang pagkain niya dahil hindi niya nakita sa canteen si Eriansha kaya naisip niya itong puntahan.
"Sige, mauna na kami. Ibabalik ko nalang 'tong uniform mo kapag nalabhan ko na."
"Okay, eat well."
Lumabas na silang apat sa classroom. Walang nagawa si Sarix kundi ang tingnan ang papalayong si Eriansha.
He's really smitten and in love.
Ngumisi si Sarix bago nakapamulsang naglakad.
It's not a bad feeling to be in love. Especially, if that person is Eriansha. Sarix is certain that he can love Eriansha for eternity.
It's like he was born just for her and her alone.
Nang makabalik si Sarix sa classroom nila ay nakaupo na si Jierio sa kaniyang upuan. Naupo si Sarix sa tabi ni Jierio.
"Sarix, kumusta ang panliligaw? May progress na ba?" Nakangiting tanong ni Lenok Erlin. Nakaupo siya sa harapan ni Jierio.
Sa tabi naman ay nakaupo si Marwin Leen sa may desk. Si Seb Lian Lorain ay nakaupo sa upuan sa tapat ng desk na inuupuan ni Marwin.
"Hindi ko pa nasasabi sa kaniya."
Seryoso ang sagot ni Sarix na ikinatahimik ng apat.
"Natotorpe ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ni Seb kay Sarix.
Hindi sumagot si Sarix. Hindi siya natotorpe, para sa kaniya ay may tamang oras at araw para sabihin kay Eriansha ang tunay niyang nararamdaman at kung anong balak niya. Ayaw niyang matakot at layuan siya ni Eriansha kapag binigla niya ito.
"Pero maiba tayo, saan tayo dadayo ng laro pag katapos ng sportsfest?"
"Pass ako," saad ni Sarix.
"Makikipagdate ka?" Nakangising tanong ni Jierio sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Dearest Existence In His World
RomanceA deep loving light hearted story. Flower Fairy Series #2 ROMANCE FANTASY STORY JULY 2024 PUBLISHED ON AUGUST 9, 2024