Kabanata 11.
Hinawakan ni Sarix ang kamay ko. Nagtungo kami sa school parking lot.
Hindi ko natanaw ang big bike ni Sarix. Akala ko ay duon kami sasakay ngunit ng may pinindot si Sarix sa hawak niyang susi ay tumunog ang kotse sa hindi kalayuan.
Mayaman ang pamilya ni Sarix kaya hindi na ako nagulat na may kotse sila.
"Saang arcade tayo pupunta?" tanong ko kay Sarix ng makasakay ako sa passenger seat.
Lumapit sa akin si Sarix at kinabit niya ang seatbelt sa aking tabi.
"Nagbago ang isip ko, sa amusement park tayo pupunta."
"Amusement park?" Gulat kong tanong.
May memories si Eriansha sa amusement park. Base sa memories ni Eriansha ay madaming mga pwedeng sakyan sa amusement park at madaming mga booth games sa lugar na iyon.
Napangiti ako ng maisip ko iyon.
"Okay, let's go." Masayang saad ko.
Narinig ko ang tawa ni Sarix sa tabi ko kaya nilingon ko siya.
"You are so cute, Ansha."
Matapos magsalita ni Sarix ay pinisil niya ang pisnge ko. Ngumuso lang ako pero hindi ko mapigilan na hindi mapangiti.
Nagsimula ng magdrive si Sarix.
"Wala ka bang sinalihan sports, Sarix?"
"Basketball. Bukas pa ang game namin. Gusto mong manood? Ipagtatabi kita ng upuan."
"Baka hindi ako makapanood. Water girl kami ni Mai. Walang magbabantay sa tubig ng class namin."
"Okay," saad ni Sarix.
"Sigurado naman ako na mananalo ka'yo." Nakangiti kong saad. "Kapag kasali ka, sigurado na agad ang panalo niyo."
"Sinasabi mo ba 'yan para hindi ako magtampo?" Nakangising tanong sa akin ni Sarix.
Tumango ako. "Nabasa ko sa social media, bago pa magtampo ang isang tao, suyuin na agad."
Tumawa si Sarix.
"Hindi ba sa mag couple lang 'yan?"
"Pwede rin sa magkaibigan," tugon ko sa kaniya.
"Ansha, anong level na ng friendship natin?"
"May level ba ang friendship?" Nagtataka kong tanong kay Sarix. Tiningnan ko siya.
Saglit niya akong nilingon at bakas ang tuwa sa mga mata niya.
"Meron, pag-umabot na ang friendship natin ng level 101. Pwede na tayong magkiss."
Nang marinig ko ang sagot ni Sarix ay natigilan ako bago ako nag-iwas ng tingin sa kaniya. Halos mag-init ang buo kong mukha dahil sa sinabi niya.
Napanguso ako.
Narinig ko ang malakas na tawa ni Sarix kaya mas lalong nag-init ang mukha ko.
Kinalma ko ang sarili ko. Nang kumalma ako ay tsaka lang ako nagsalita.
"Level 80," sagot ko sa kaniya.
Natigilan sa pagtawa si Sarix. Saktong nagpula ang stoplight kaya nag-preno si Sarix.
Nilingon niya ako at naramdaman ko ang tingin niya sa akin.
"Seryoso ka ba?" tanong niya sa akin.
Tumango ako. "Kapag umabot na ang frienship natin sa Level 101, hindi na tayo magkaibigan?"
BINABASA MO ANG
The Dearest Existence In His World
RomanceA deep loving light hearted story. Flower Fairy Series #2 ROMANCE FANTASY STORY JULY 2024 PUBLISHED ON AUGUST 9, 2024