Kabanata 20.
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Napatingin si Jierio sa kaibigan niyang si Sarix ng makapasok ito sa loob ng private room ng Music & Alcohol Night Bar.
Nasa 3rd year college na si Sarix at ang mga kaibigan niyang si Jierio, Lenok, Seb at Marwin. Lahat sila ay nasa Capital City. Paminsan-minsan ay nagkikita sila dahil magkakaiba sila ng university na pinasukan.
Ang magkaparehas lamang ng university ay si Jierio at Sarix.
Ngayong gabi ay napagplanuhan nilang magkita-kita sa Music & Alcohol Night Bar. Hindi pang mayaman ang Music & Alcohol Night Bar. Madalas na average person ang pumupunta sa Music & Alcohol Night Bar.
Dahil estudyante pa lamang at nagpapart-time job sina Lenok, Seb at Marwin ay napagpasyahan nilang sa Music & Alcohol Night Bar magkita-kita.
Similar sa isang ktv room ang private rooms ng Music & Alcohol Night Bar.
Wala talaga silang balak na kumuha ng private room pero ang mayaman nilang kaibigan na si Sarix ay hindi gusto ang maiingay na paligid kaya kumuha ito ng private room.
Pansin agad ni Jierio na may kakaiba sa kaibigan niya ng makita niya ito. Maging si Lenok, Seb at Marwin ay napansin din na tulala si Sarix na para bang may malalim na iniisip.
Seryoso o walang emosyon ang madalas na ekspresyon sa mukha ni Sarix. Alam nilang simula ng mamatay ang girlfriend ni Sarix ay hindi na ito ngumingiti na para bang naglaho na ang saya sa buhay nito.
Hindi pa nakakausap ng personal ni Lenok, Seb at Marwin si Eriansha pero nakita na nila ito sa personal. Alam nilang si Eriansha ang first love at girlfriend ng kanilang kaibigan.
Pansin nila noon na kapag nasa paligid o malapit si Eriansha sa kanila ay nagiging gentle ang mga mata ni Sarix. Bakas din lagi ang saya sa mata ni Sarix sa tuwing nasa paligid si Eriansha. Madalas din tumawa noon si Sarix sa tuwing inaasar nito si Eriansha.
Na-witness na nila Jierio kung gaano kasaya noon si Sarix. Na-witness din nila kung paano gumuho ang mundo ni Sarix noong kinuha sa kaniya ang taong pinakamamahal niya.
Dalawang taon at kalahati na ang nakakalipas pero hindi pa rin nakakamove-on ang kaibigan nilang si Sarix.
Naisip na nilang mag-introduce ng bagong babae kay Sarix para maka move-on na ang kaibigan nila. Sinubukan nila na i-suggest kay Sarix ang bagay na iyon pero agad silang tinanggihan ni Sarix at sinabing kung ayaw nilang mabugbog ay manahimik na lamang sila.
Para kay Sarix, walang katapat na kahit sinong replacement si Ansha. Hinding-hindi niya rin magagawang kalimutan ang kaniyang Ansha kahit ilang taon pa ang lumipas.
Walang balak na maghanap ng ibang babae si Sarix dahil nangako siya na si Eriansha lang ang mamahalin niya sa kaniyang buhay.
"What happened to you?" tanong ni Jierio ng makaupo si Sarix sa may sofa. Kumuha ito ng cigarette sa pack na nasa bulsa ng suot niyang black jacket.
Sinindihan niya iyon ng lighter. Nang umusok na ang dulo ng cigarette ay pinaglaruan ng kamay ni Sarix ang silver square lighter.
Bumuga ng usok si Sarix. Narinig niya ang tanong ni Jierio sa kaniya.
Agad niyang naalala ang nangyari kaninang hapon bago siya nagpunta sa Music & Alcohol Night Bar.
BINABASA MO ANG
The Dearest Existence In His World
RomanceA deep loving light hearted story. Flower Fairy Series #2 ROMANCE FANTASY STORY JULY 2024 PUBLISHED ON AUGUST 9, 2024