Kabanata 27.
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Napatulala si Melodia sa napakagwapong mukha ni Sarix ng bigla itong ngumisi. Nang matauhan si Melodia ay agad niyang iniling ang ulo niya.
Hindi siya pwedeng maakit sa mga ngiti nito. Kailangan niyang ipaglaban na hindi isang side-chic lang si Shali.
"Wala kang malokoko dito. Umalis ka na." Pantataboy ni Melodia kay Sarix. Alam ni Melodia na kapag nakita ni Shali ang lalaki sa harapan niya ay hindi niya ito matataboy kaya siya na mismo ang gagawa ng part na iyon para hindi na masaktan pa si Shali sa kaniyang ill-fated relationship dito.
Madaming mga binabasang romance novel si Melodia at para sa kaniya, ang mga love story na nababasa niya ay nangyayari din sa normal na buhay ng tao.
Ngayon ay pakiramdam ni Melodia ay para siyang nasa loob ng isang melodramatic na romance. Siguro, side-character lang si Shali at ang totoong female lead ay ang girlfriend ng lalaking nasa harapan niya.
Hindi gugustuhin ni Melodia na umabot sa punto kung saan susugudin ng girlfriend ng lalaki sa harapan niya si Shali at makikupagsabunutan dito.
Alam ni Melodia kung gaano kabait at submissive ni Shali. Kapag pinilit ito ng konti ay mapapapayag na si Shali. Mukhang kapag tinanong ng gwapong lalaki si Shali na maging kabit niya ay may kutob si Melodia na mapapayag niya si Shali.
Walang ibang magpoprotekta kay Shali kundi siya lang.
Mabilis na bumuo ng iba't ibang melodramatic scenes ang utak ni Melodia habang iniisip ang mga karaniwang plot na nangyayari sa bawat romance novels na nababasa niya.
Hindi na pinansin pa ni Sarix ang teenage girl sa harapan niya. Bumalik siya sa gilid ng kalsada kung saan nakapark ang big bike niya.
Naupo si Sarix doon at kinuha niya ang phone niya upang tawagan si Ansha.
Nanliit ang mata ni Melodia habang nakatingin kay Sarix. Hindi siya aalis sa harap ng pinto hangga't hindi umaalis ang lalaki sa tapat ng bookshop nila.
Noong una ay gustong i-ship ni Melodia si Shali kay Sarix ngunit noong malaman ni Melodia na may girlfriend na si Sarix ay nagbago ang isip niya. Hindi mabuting tao ang mga cheater kaya mas mabuting ilayo niya si Shali kay Sarix.
Hindi alam ni Melodia ang motibo ni Sarix kay Shali pero kahit ano pang motibo niya ay pipigilan niya si Sarix na lumapit kay Shali. Lalo na dahil may gusto si Shali kay Sarix at baka mabihag ni Sarix ng mabubulaklakin salita si Shali.
Ang 15-years old na si Melodia ay nagsimula ng sarili niyang drama sa loob ng kaniyang utak.
Sa kabilang banda ay hawak ni Sarix ang phone niya at nakatapat na iyon sa kaniyang tenga. Rinig niya ang mahabang linya mula sa phone niya.
Ibig sabihin ay may kausap ang taong tinatawagan niya.
Tumingin si Sarix sa loob ng bookshop. Mula sa pwesto niya ay kita niya ang counter mula sa half-glass wall. Ang baba ng wall ng bookshop ay pader at ang taas nito ay glass wall na.
Tumayo si Sarix upang mas makita niya ang nakaupong si Ansha sa likod ng counter. Nakita niyang may kausap si Ansha at saglit itong tumingin sa screen ng phone niya.
Makalipas ang ilang segundo ay may sumagot na ng tawag ni Sarix.
"Hello?" Kalmado at malumanay ang boses ni Ansha. Kahit noong siya pa si Eriansha ay ganon din ang tono ng boses niya at paraan ng pagsasalita.
BINABASA MO ANG
The Dearest Existence In His World
RomanceA deep loving light hearted story. Flower Fairy Series #2 ROMANCE FANTASY STORY JULY 2024 PUBLISHED ON AUGUST 9, 2024