CHAPTER 18

110 13 1
                                    


"hold your fucking fire!" Rinig ko ang sigaw ng galit na boses at papalapit sa akin. Hindi ko nagawang lingonin kung sino iyon dahil nanigas lang ako sa posisyon ko at hindi gumalaw. Baka isang galaw ko ay matamaan ako ng bala. Hindi tuloy ako makakatakas.

"baby are you okay? natamaan ka ba?" Takot, taranta, at nag-aalalang boses ni Rod ang lumapit sa akin at binuhat ako patayo.

I just forzed and didn't bother to answer him. Hinawakan nya ang isang pisnge ko at inusisa kung may tama ko. I didn't feel anything. Hindi naman ako natamaan pero parang namatay na ako sa takot.

"you're okay" Saad nya at niyakap ako. Hinawakan nya ang likod at hita ko at binuhat ako sa harap nya. Nilagay nya rin ang braso ko sa leeg nya.

"they will pay for this" Madiin nyang sabi at deritso lang ang tingin sa daan. Hindi ko naintindihan ang sinabi nya dahil nakatulala parin ako.

Bahagya akong lumingon sa daan namin at sumalobong ang matayog na anino ng bahay. Kaya naman pala ang daming hallways, parang palasyo naman tong bahay nya. Mataas, maganda, amoy mayaman at higanteng bahay. Dinaig pa yung Araneta Coliseum.

Buong lakas nya akong binuhat sa mataas na hagdan papasok ng bahay. Ginamit narin namin ang elevator at dinala ako sa sixth floor kung saan ako nanggaling.

Hindi ako umimik. Parang nawawala pa ako sa sarili ko dahil sa nangyaring putokan kanina. Did they tried to kill me? Buti na lang hindi ako natamaan. Jusko lord gusto ko pa magkapamilya.

"you're safe here" Malambot nyang sabi at dahan-dahan akong binaba sa kama.

Nagtungo sya sa may walk-in closet at pagkalabas ay may dala na syang bimpo sabay lapit sa akin. Marahan nyang pinunasan ang noo at leeg ko dahil sa pawis. Madungis na rin ako. Nakapaa lang ako kanina at paniguradong nangingitim na iyon dahil sa pagtakbo ko sa labas.

"you hungry?" Tanong nya. Hindi ako nakasagot. I don't feel anything but fear. Nakarinig na ako dati ng putok ng baril pero mas natakot ako ngayon. Sa akin ba naman pinutok.
"it's okay love, everything is fine now" He assured.

Tumitig lang ako sa kanya.

Ang gwapo.

Hayst, no time for jokes Imee! Muntik ka na nyang patayin.

"binaril mo'ko" Seryoso kong sabi. I know naman na hindi sya yung nagpaputok sakin, pero malay natin, utos pala nya.

"I'm so sorry" Malungkot nyang sabi at yumuko. Naka crouch sya sa harap ko habang hawak ang kamay kong kanina nya pinupunasan.

Pansin ko ang braso at kamay nyang maugat. Parang puputok na iyon dahil sa pang-gigigil. Hindi naman sya galit ngayon sa harap ko pero parang nagpipigil lang sya. Ewan.

"I'll be back, you have your bathroom and things here, you can use them" Paalam nya at lumabas na ng kwarto.
Nakahinga ako ng maluwag.

Nilibot ko ang aking tingin sa buong paligid. May isang pinto na para sa closet. May isa rin sa banyo, pero katabi nito ay isang daan patungo sa kabilang bahagi ng pader.

Lumakad ako doon at nadatnan ang isang magarang living room. May tv at couches. Maraming mga gamit na naka display at may magagandang paintings.

Napaawang ang labi ko dahil sa ganda ng kwarto. Malawak talaga ito at parang kasing lawak ng bahay ko. Kwarto lang to?

Isang pader ang nasa gitna ng magkabilang kwarto. Living room and bedroom. Ang gara as in. Palasyo ba naman.

Bumalik na ako sa bedroom at nagtungo sa walk-in closet. Namangha na naman ako. Ang lawak at puno ng mamahaling damit. Kompleto ang mga gamit, mga damit, sapatos, bags, accessories at iba pa. Parang boutique lang. Akin lahat 'to?

THE FLOWER OF HIS DREAMS Where stories live. Discover now