R7: Q & A Portion

42 5 0
                                    

Dedicated kay: invisiblegirlinpink thankie sa mga votesy pinky!😘

R7: Q & A Portion

"Bakit nandito si Papa L?!" 'yan agad ang tanong ni Kin sa akin pagpasok na pagpasok namin sa kwarto ko.

"Sabihin mo nga Cat,may hindi ka sinasabi sa akin noh?!" sabi pa niya na nakaturo yung daliri sa akin.

"Atsaka, sino ba yung babaeng maganda na ang laki-laki ng boobs!" tiningnan naman niya yung dibdib niya.

Sumalampak naman ako sa higaan ko saka ko kinalikot yung cellphone ko. Nakakalungkot lang, kasi naman ang asa-ness ko eh noh! Sabi kasi ni Auntie para sa 'kin daw hindi naman pala! hmp! nakakatampo lang!

"Tapos kitten pa ang tawag sa'yo,ano ka pusa?! Catlene na nga pangalan mo w/c is may word na CAT tapos ngayon KITTEN naman" patuloy pa ni Kin.

Hindi ko siya pinapansin, wala ako sa mood!

Nakakatampo kasi talaga eh. Ang tagal ko kaya siya hinintay tapos pagbalik niya kahit 'hi' man lang wala! kung hindi pa sila pumupunta dito, hindi pa kami magkakausap. Pano 'pag nasa skul walang pansinan pero kung kausapin niya naman yung iba naming kaklase lalo na si Kin, eh parang sila yung magkababata!

"Ngayon din Cat gusto ko malaman ang about sa inyong dalawa. Maloloka talaga ako kapag hindi ko nalaman!"

Tapos ngayon may regalo siya kay Mami pero sa akin wala! nakakainis 'diba!

"Cat! hello! Cat-cat kinakausap po kita"

Kayo kaya sa lugar ko baka masapok niyo pa 'tong bruha kong kaibigan dahil sa sobrang tampo at SELOS!

"CAAATTT!!!---ARAY!"

Baklang bruha nga naman oh!

"Ano ba 'yan Kin! bigla-bigla na lang susulpot 'yang mukha mo sa harap ko! tingnan mo nasapok tuloy kita!"

"Aray naman girl! eh pano kanina pa 'ko dada ng dada dito hindi ka naman pala nakikinig!" sabi niya habang hinahaplos yung nasapok kong ulo niya.

"Sorry na, ulitin mo na lang yung sinasabi mo"

"Ano ako uto-uto? no way! hmp!"

"Ikaw bahala, ikaw naman yung may kailangan malaman at hindi ako, so kung ayaw mo ulitin yung tanong mo edi ok. Wala naman mawawala eh amarayt frriend?" sabi ko na may nakakalokong ngiti.

Mukha niya? ayun! nangasim wahahah!

"S-sige na nga! u-uulitin ko na!"

"Eh diba sabi mo hindi ka uto-uto?"

"Hindi nga!"

"Oh eh bakit sabi mo uulitin mo na?"

"Eehh tsk! oo na oo na! uto-uto na ko sige na sagutin mo na yung tanong ko! uto-uto na 'ko for the sake of chismis! dali ikwento mo na!" sabi niya pa sabay upo sa tabi ko.

"Hahaah! chismosa ka talaga friend!"

"Uto-uto na kung uto-uto chismosa na kung chismosa basta gora!!"

"Okay" huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Jake and I are childhood friends. Magkababata kami, pero nagkahiwalay kami kasi nung 6 yrs. old kami pumunta sila sa U.S at dun siya nag-aral. Kaya magkakilala ang mom niya at mom ko kasi nga magkababata kami"

"Ha! magkababata kayo! eh bakit hindi kayo nagpapansinan sa school?"

"'yun nga rin ang hindi ko alam eh!.Ewan ko sa kanya! ayaw niya ako pansinin!"

"Baka naman ikaw ang ayaw mamansin" sabi niya sabay cross ng arms.

"No! gustong-gusto ko kaya siya kausapin! pero..n-nahihiya ako eh. Kasi naman dapat siya ang gumawa ng 1st move! ang pangit naman kung ako 'diba? ang landi ko naman nun!" this time ako naman ang nag-cross arms.

"Bakit hindi ba? hihihihi!!" aba't hinampas ko nga!

"Hoy! hindi mo 'ko katulad!"

"Whatevs!" sabi niya sabay ikot ng mata ng 360 degrees! kabog!

"Eh bakit naman kitten tawag sa'yo nung.." sabi niya na may kasamang pag-nguso na parang tinuturo niya si Auntie na nasa baba.

"Eh kasi mahilig sila sa pusa, ang kaso bawal kay Mami ang pusa kasi allergy siya dito. Si Auntie naman,ayaw ng asawa niya w/c is dad ni Jake. At kaya Catlene ang pinangalan sakin ni Mami, kasi para maging Cat ang palayaw ko. At kaya naman Kitten ang tawag ni Auntie sakin, kasi Cat na ang tawag ni Mami kaya para mas cute, kitten ang gusto niya itawag, kasi baby niya daw ako."

"Ahhh...Arasso, arasso!" tumatango-tangong sabi pa niya. (I understand)

"Happy now?"

Nasabi ko na sa kanya halos lahat, except for that one.

"Wait. Do you love him?"

******************************
AN:

Ano kaya yung tinutukoy ni Cat na hindi niya sinabi kay Kina Reer ano? comment naman kayo jan! huy! may nagbabasa ba nito? paramdam ka naman oh!

~SM

REFLECTION: Everything Has Changed (COMPLETED)Where stories live. Discover now