R13: Moment

35 4 0
                                    

"Good morning Cat! Nahanap mo na ba?"

Poker-faced kong tinignan si Kina. Mukha bang nahanap ko na?! Itong mukhang 'to?! Hindi ba siya marunong bumasa ng emosyon?! Huh! Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa paglakad, sa entrance mismo ng school kami nagkita kaya mahaba-habang lakaran pa ang gagawin ko para maiwasan ang non-sense na tanong niya. Mabuti na lang at hindi ko siya katabi sa lahat ng subjects namin today.

***
"Remember class na laging constant si C, so in the equation..."

Ugh! I hate math! Marinig ko pa lang ang salitang math sumasakit na ulo ko! Makita ko pa lang na papasok na sa room ang teacher namin sa math pakiramdam ko magkaka-migrane na ako! Ano ba matutulong ng X and Y na 'yan sa pang-araw-araw na gawain natin? Bukod sa pagkumpara sa mga commercials ng brand X at brand Y ano pa?! Dahil mas maganda si X kesa kay Y? O dahil mas magaling sa ano si X kesa kay Y? Tanggap ko pa kung gawin kaming bihasa ng mga ito sa Multiplication, Division, Addition at Subtraction para naman matuto akong i-multiply ang pagkain na kakainin ko, ma-hati ng tama ang pizza na bibilhin ko, mabawasan ang katamaran at tao sa mundong 'to at madagdagan ang laman ko dahil sa kakaisip ng iba't-ibang equation na 'yan eh lalo akong namamayat! Hay! Hanybi nga naman talaga oh!

"Catlene!"

Natigil ako sa pag-iisip nang tawagin ako ng seatmate ko, tiningnan ko naman siya.

"Bakit?" tanong ko

"Ayos ka lang ba? Para ka kasing may kausap na wala diyan eh. Nagme-make-face ka kasi, mamaya nyan e makipag face to face ka nanaman sa pader, or worst baka pag-intirisan ka ni ma'am at tawagin ka lagi para sagutin ang mga equations"

Whut? I'm making faces?! Wait, tama ba grammar ko? Ah ewan!

"Ha! Talaga! Thank you sinabi mo hindi ko kasi mapigilan gawin yun kapag may iniisip ako eh. Alam mo yung parang nagkakaroon ako ng instant kausap sa utak ko?"

Natawa siya sa sinabi ko pero syempre pasimple lang, mamaya niyan e baka mapag-intirisan nga kami nito ni ma'am mahirap na. Oh well matalino naman sa math itong katabi ko kaya no worries kapag nagpa-quiz hohohoho!!!

***

"Ok class, for your first output, I want you to make a poem with rhythm, just pick a topic from the following written on the board, that's all for now, goodbye class, submission is on monday"

Oh yes! Uwian na! Hindi ko na muna iisipin si Lelouch uunahin ko na muna ang studies, ang dami kasing assignment, yung tipong bawat subject meron 'di ba havey?! Magmo-move on na lang muna ako siguro sa kanya. Pero mahirap talaga eh! Tuwing pipikit kasi ako, siya ang nakikita ko. Wahhh! ( TДT)

At ito na nga, si Jake kong mahal kausap si Kina. At ako ano? Echapwera huh! Sige magsama kayong dalawa! Hmp!

Lumabas ako ng room na di sila pinapansin, dire-diretso lang ako nang maramdaman kong may humawak sa braso ko kaya napalingon ako. At paglingon ko, wait, am I in heaven? Si Jake! Si Jake kong mahal nasa harapan ko! At hawak-hawak niya pa ako sa braso! Kyaaahhhh!!!! Oh heartbeat pls be quiet, pls shut up ka muna moment ko 'to at ayokong masira so pleaseee....

Nakatingin kami sa mata ng isa't-isa, walang nagsasalita. Humangin ng marahan na naging sanhi upang liparin ang ilang hibla ng buhok ko, hinawi ng malalambot niyang mga daliri ang ilang hibla ng buhok na humarang sa mukha ko, at...at...at...


JOKE LANG! hahhaah!! Pantasya ko lang 'yan XD

"Ahh.." panimula niya

Seryoso na 'to ha! Feeling ko tuloy isang anime scene 'to kung saan aamin na ang lalaki sa bidang babae kyaahh! Nakakakilig! Kaso imahinasyon ko lang 'yun eh.

"Ano..."

Hindi ako sumasagot at hinihintay lang ang sunod na sasabihin niya.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko..sheeemmmsss!!! Kenekeleg eke!!! Feeling ko matatae ako! Sheemmss!!! ≥﹏≤

"F-for you" may nilagay siya sa kamay ko. Maliit lang.

Syempre ako pa-inosente effect kunwari hindi kinikilig, eh dahan dahang tiningnan yung binigay nya and... Oh my!

"S-sakin talaga 'to?"

Tumango lang siya, umiwas ng tingin saka kumamot sa batok.

"S-salamat" ang tanging nasabi ko.

Iiiihhh!!!! Enebenemen eh! Netetee ne telege eke! Waahh! Jake! Ayos lang kung hindi ko na makita si Lelouch basta ba't lagi mo akong papansinin! Ayos lang din kung kakalimutan ko na lahat ng anime crushes ko basta ikaw ang kapalit ayos na ayos yun! Kyaaahhh!!!

Tama na ang kilig kasi heto siya't naglalakad na palayo sa akin, hayst! Kala ko ba naman may sasabihin pa siya wala na pala! Tapos ngayon heto pa't iniwan ako! Azar! Pagkatapos niya ako pakiligin iiwan niya ako! Paasa!! Hmp!

"Oh bakit nakatayo ka pa diyan?"

Eh?

"Ayaw mo ba ako kasabay?" nasa may hagdan na siya nang bigla siyang lumingon at sinabi yan.

"HA! T-talaga? Sabay tayo?"

"Ayaw mo ba?" malungkot na sabi niya.

"Hindi ah! Sabi ko nga sabay tayo eh! Di mo lang narinig! Hehehe!" nagmamadaling sabi ko naman at nauna pa ko sa kanya bumaba ng hagdan dahil sa totoo lang ANG INIT NA NG MUKHA KO!

"Bakit ang bagal mo? Bilisan mo na akala ko ba sabay tay--AAH!!"

At dahil sa kalandian ko, ayan! Nahulog ako sa hagdan! Huhuhu! T.T

Agad naman akong nilapitan ni Jake, inusisa niya saglit ang paa ko saka tumalikod sa akin.

"Hop on! I'm gon'na carry you"

Ang mapula ko nang mukha ay mas lalong namula pa! Waahh!! S-s-s-sa-sasalabay ako sa kaniya! This is too much to take guysh!

Tumayo na siya at nag-umpisang maglakad habang ako'y nakakapit sa kaniya, so technically, I'm hugging him. Amoy na amoy ko ang pabango niya (sniff) hindi ko na keribels, wala na kaming space sa isa't-isa perstaym itu! Dream come true! Pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay sa sobrang kili---(toot toot)

"Ah...CL? Ayos ka lang ba?"

(AN: at ayun na nga mga kaibigan, nahimatay na po ang pusa nating bida)

Jake's POV

"CL? CL!" I tried to call her but she just ignore me. And because I'm slightly shaking her, her head tilted and I saw her closed eyes, nakatulog pala siya, ang bilis naman.

Na-nakikiliti kasi ako sa buhok niyang nakasagi sa leeg ko, bigla na lang kasing bumagsak ang ulo niya tapos ayan tulog na pala siya, haha! Ang cute niya talaga!

I just smiled and enjoy the moment. Babagalan ko ang paglalakad para mas matagal ko pa siya makasama kahit na tulog siya. Sabi nga nila, savor the moment, minsan lang to noh!

REFLECTION: Everything Has Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon