R22: The Eye is the Window to Your Soul

43 4 0
                                    

"She's 1 month pregnant. 'Yun ang sabi ni Jake"

Kausap ko ngayon si Kin, sinasabi niya sa akin lahat ng nalalaman niya.

"1 month?" nanlalantay akong sumandal sa kama ni Kin. Nandito kami ngayon sa bahay nila, ayoko 'to pag-usapan sa bahay baka marinig nila kuya at mama.

"Nangyari daw "yun" sa kanila bago siya bumalik dito sa bansa. Nagpa-despedida party daw kasi ang mga naging kaibigan niya doon, surprise 'yun kaya syempre, hindi niya expected. At kapag sinabing party, syempre may inuman kaya 'yun pina-inom daw siya ng pinainom kahit hindi naman talaga siya umiinom, dahil 'dun mabilis siya nalasing"

"Eh, paano niya nabuntis si Marj kung wala naman pala siya 'dun?"

"Sinabi ko bang wala si Marj 'don?" umiling ako bilang sagot.

Ayoko kasi paniwalaan na si Jake nga talaga ang ama ng batang dinadala niya.

"Si Marj ang sinasabi kong kaibigan niya na pumilit para uminom siya, after daw nun, hindi na daw niya alam kung anong nangyari. Nagising na lang siya na magkatabi sila ni Marj at wala na siyang t-shirt na suot ganun din si Marj, kaya ngayon maski siya naguguluhan kung may nangyari nga ba o wala sa pagitan nila"

"Hindi man lang ba niya kinonfirm kung may...yun nga?"

"Wala na siyang oras, kasi kinabukasan nun flight na nila pabalik dito. At pagbalik niya dito, kinalimutan na niya 'yun kasi iisa lang ang taong nasa isip niya ng mga panahong 'yun, at ikaw 'yun Cat"

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong manging reaksyon at hindi ko rin alam kung maniniwala ako sa huling sinabi ni Kin. Kasi mukhang wala lang ako para sa kaniya nung makabalik siya rito eh, ni hindi nga niya ako pinapansin, pero kung totoo man ang sinabi niya sa akin nung isang araw na nahihiya daw si Jake sa akin, siguro 'yun nga ang dahilan ng di niya pagpansin sa akin. Pero kahit na paniwalaan ko siya, hindi rin naman nun mababago ang katotohanang nakabuntis siya kaya mas lalong wala na ring kwenta ang pagmamahal ko para sa kaniya. Basura na lang 'yun ngayon.

"Alam mo Cat, para hindi ka ma-deppress gumawa ka na muna ng paraan para malaman kung totoo ngang si Jake ang ama ng dinadala ni chinaware. O kaya mas maganda kung malalaman natin kung totoo ngang buntis siya 'di ba?"

"Ano namang saysay ng pagsisinungaling niya aber? tingin mo, anong ma-g-gain ni Marj sa pagsisinungaling? ha?"

"Edi mapapasa-kanya na si Louie, 'yun"

#

"ANO!!! Nakabuntis ang---"

"Ssshhh!!! 'wag ka nga maingay!"

"S-sorry"

"Ikaw Kin, anong gagawin mo kung sakaling maranasan mo ang nararanasan ngayon ni CL?" tanong ni Ray.

Kasama namin siya ngayon dito sa cafè kung saan ako nilibre ni Kin dati ng frappé. Ilang araw na kasi akong wala sa sarili mula nang sabihin sa akin ni Kin ang nalalaman niya. Hindi na rin kami madalas magka-usap dahil nga wala ako sa sarili. Masyado kasing masakit ang nalaman ko, parang bawat oras gustong umiyak ng mga mata ko kahit na sinasabi ng utak ko na "tama na". Sa tuwing makikita ko naman sila Marj at Jake na magakasama pakiramdam ko gumuguho ang mundo, ang puso ko parang may kung anong tumutusok, at hindi lang basta karayom, malaki, malaki ang tumutusok, sa sobrang laki'y hindi ko maipaliwanag. Madalas din akong lutang dahilan para mas lalo akong maparusahan ng mga teacher namin.

Pero ayos lang 'yun sa akin kasi ang mga parusang binibigay nila ay walang kwenta kumpara sa parusang ibinigay ni Jake sa akin.

"Ako? naku! uubusin ko lang naman ang buhok ng babaeng 'yun! pero syempre joke lang 'yun wahhahaha!!!seryoso na, syempre una kong gagawin ay i-ko-compose muna ang sarili ko, syempre magkakaroon ako ng mental breakdown niyan, biruin mo ang tagal ko siyang hinintay tapos malaman-laman ko lang nakabuntis pala siya! saklap nun diba! and after ko ma-compose ang sarili ko, siguro kakausapin ko yung babae ng face to face. Malay mo nagsisinungaling lang siya 'di ba? At malalaman ko 'yun sa mga mata niya kung magsasabi man siya ng totoo o hindi, eyes are the window to your soul 'di ba? And after nun, hmmmm.... siguro if ever na totoo nga na siya ang ama, edi saka lang ako susuko sa kaniya. At syempre, kapag pinakawalan ko na siya, syempre pwede na ako mag-boy hunt mwahahahahha!!!!"

Kumain muna ng slice si Ray sa cake niya bago magsalita.

"It's more like a suggestion than an opinion"

Huh? Ano daw?

"Ano? di kita na-gets Ray" sabi ni Kin sabay kagat sa club sandwich.

"I mean, your answer, para kasing nagbibigay ka ng ideya sa kung ano ang dapat gawin ni CL hindi kung ano ang gagawin mo, hmm... siguro yung last part ng sinabi mo dinagdag mo lang 'yun para magmukhang opinyon mo pero ang totoo patago mong binibigyan ng ideya si CL sa kung ano ang dapat na gawin niya"

Poker faced na tinignan lang siya ni Kin, at ako? nakikinig lang, nag-aantay kung anong isasagot ni Kin. Sa totoo lang hindi ko napansin yun, iba talaga 'to si Ray grabe mag-observe.

"Nakakainis ka! bakit ganyan ka! hindi ko naman intensyon 'yun ah! pinapasama mo ba ako sa harap niya!"
Sabay turo ni Kin sa akin. Wow! mukhang nagalit nga siya ah?

"Ngayon naman nagpapanggap kang galit para magmukha kang inosente sa harap ni CL. Alam mo hindi mo naman kailangan gawin 'yan eh kasi kahit anong tago ang gawin mo hinding-hindi niya 'yun mahahalata, sa lagay niyang 'yan sa tingin mo naiintindihan niya pa kaya ang pinag-uusapan natin. Ikaw na mismo ang nagsabi, eyes are the window to your soul, at ang sinasabi ng mga mata mo sa akin ay pagmamakaawa, lungkot, at galit"

"Ano naman ang ibig sabihin nun aber?" cross-armed na sabi ni Kin habang nakataas ang kilay.

Kalmadong kinain ni Ray ang huling slice ng cake niya, inayos ang suot na shades, sumip-sip sa straw ng frappé niya, saka nagsalita.

"Kahit pa anong pagpapakita mo sa mga tao na masaya ka, ang mga mata mo hindi ganon ang pinapakita. Pagmamakaawa, lungkot, at galit, 'yun ang nangingibabaw sa'yo. Nagmamakaawa ka kay CL na sana tumigil na ang sakit na nararamdaman niya kahit na hindi mo yun masabi ng harapan sa kanya, ang mga mata mo ang nagsasabi n'un, nalulungkot ka dahil nakikita mong sobra siyang nasasaktan, at nagagalit ka naman sa mga taong gumawa kay CL nito, pati na rin sa sarili mo dahil wala kang magawa para matulungan siya. Siguro nga nagagawa mong itago 'yun sa ibang tao, pero hindi mo 'yun magagawang itago sa akin, dahil ang mga mata ko ay kayang tumagos sa kaluluwa mo"

Nagtayuan ang balahibo ko sa sinabi ni Ray, pero kahit ganon nagawa ko pa rin pumalakpak.

*Clap clap clap*

Nagtatakang tumingin naman sa akin si Ray habang si Kina ay namumulang ininom ang frappé niya. Napansin ko rin na pinagtitinginan na ako ng mga tao rito kaya naman tinigil ko na ang pagpalakpak ko, at nag-sorry sa mga tao.

"Bakit ka ba biglang pumapalakpak jan?" -Ray

"A-ahh k-kasi nakaka-goosebumps yung speech mo eh" nahihiyang sabi ko naman saka ininom ang tubig na binili ko kanina sa convenience store.

*BLAG!*

Nagulat ako sa malakas na kalabog sa lamesa namin dahilan para muntik ko na maibuga ang tubig na iniinom ko.

"Alam ko na!" pasigaw na sabi ni Kin.

Parang kanina lang natahimik siya ah, tas ngayon biglang...hay nako hindi ko talaga maintindihan ang dalawang 'to bagay nga talaga sila.

"Eh kung ipakausap kaya natin si Ray dun kay chinaware tutal he can see through my soul naman eh" medyo mataray na mapang-asar na sabi ni Kin na hindi tinitingnan si Ray.

Ray just grin while leaning on the table. Saka niya inubos ang Dark Chocolate frappé niya.

Siguro nga si Ray na dapat ang ipaka-usap namin kay Marj mukhang siya lang ang kailangan ko para mahanap ang katotohanan.

Ang tanong: tama nga ba na hanapin ko ang katotohanan? gayong hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko?
*******************************
AN:

Tama nga kaya ang desisyon nilang si Ray ang ipaka-usap kay Marj? Hmmm...ano kayang mangyayari kung ganun nga ang mangyari?

Vote and Comment!

Dedicated to: GeraldineMawakay hi po! Thanks po ng marami sa pag-support po sa BROKEN! 😘😘 this chapy is for you! Enjoy! ❤

REFLECTION: Everything Has Changed (COMPLETED)Where stories live. Discover now