R33: Story Behind

19 2 0
                                    

Dedicated to: jjodjoy and PrettyThea_19 thanks for the follow po! Sana po magustuhan po ninyo ang stories ko, enjoy reading!

-SM♥

R33: Story Behind

"Salamin, salamin sabihin sa akin...



Hanggang kailan ko ito dapat ilihim?"

"Cat, ok ka na? Uuwi na ako ha baka kasi tanghaliin ako ng gising bukas, mahirap na may big event pa naman tayo bukas. Mauna na ako ha"- Kin

"Sige, ingat ka!" sigaw ko mula sa c.r

"Ok ka na ba?" sigaw naman niya pabalik.

"Oo naman! 'di ka na nasanay sa akin!" sabinko saka tumawa.

"Sige sabi mo eh, kita tayo bukas!"

"Sige! Ingat!"

Ilang minuto matapos makapaglabas ng sama ng loob, lumabas na ako. Maya-maya may dumating, si ate pala.

"Oh, Lee bakit hindi ka pa natutulog? Maaga pa tayo bukas ah, engagement party ni Jake 'di ba? Nakakain na ba kayo? Kung nakakain ka na, sige na matulog ka na ang hirap mo pa naman gisingin, mamaya niyan iwan ka namin ni mama sige ka..." tuloy-tuloy na sabi ni ate, nagpaalam naman na ako sa kanya na tapos na kami kumain, na si mama tulog na pati si bunso, na matutulog na ako kasi baka ma-late sila bukas dahil sa akin kahit hapon pa naman talaga magsisimula yung event, pero sabagay, mahaba-habang time ang kailangan sa paghahanda ng sarili.

Humiga na ako pero hindi ako makatulog. Iniisip ko kasi yung sabi ni Kin, "Dapat, 'Everything Has Changed' ang title nito, kasi 'yun kayo ni Jake ngayon, nagbago na ang lahat sa inyo hindi na kayo tulad ng dati so dapat yun ang title at hindi 'Reflection'"

Looking back, wala naman talagang "dati" sa amin, and thinking about it makes me realize na tama si Kin.

Pantasya ko lang ang lahat ng nakasulat doon.

Pinikit ko ang mata ko only to find myself reminiscing.

Bagong lipat si Jake sa amin noon, he was 2 years older than me, I was 5 and he was 7, close sila ng ate ko, wala kasi siyang kapatid kaya gustung-gusto niyang pumupunta dito sa bahay. And one day, napansin niya ako sabi niya parang ako daw yung bestfriend niya sa Canada, pareho daw kaming payatot. Tuwing pupunta siya dito inaasar niya ako, hanggang sa naging close kami. Nung una ko pa lang siyang makita, nagka-crush na agad ako sa kanya, si Leon Jake Madrigal ang nagpakilala sa akin ng salitang "crush".

Habang lumalaki kami, mas nagiging close kami sa isa't-isa, at mas lalo ring lumalalim ang pagtingin ko sa kanya. Ang kaso, tanging 'little sister' lang ang turing niya sa akin. Nasasaktan ako kaya tuwing gabi ini-imagine ko na magka-edad lang kami, na ako lang ang bestfriend niya, na hindi little sister ang turing niya sa akin, kundi isang precious lady, hanggang sa makatulog ako siya ang iniisip ko.

When he graduated from elementary, bumalik na sila sa Canada, nandun kasi ang business nila. Excited niyang ikinuwento sa akin na kinabukasan ay aalis na sila. I saw his eyes glimmer at the thought of seeing his bestfriend once again, and I can see my own eyes holding back tears of overwhelming pain and jealousness, but despite it, I still manage to put a smile and tease him about his bestfriend. Ang kaibigan niyang mahal niya, at hindi ako yun, hindi kailanman. How I wish I was that girl, how I wish I was Marjerie.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko, kanina pa pala ako umiiyak. Nagpatuloy ang mga ala-alang masakit alalahanin...

Kung paano niya i-kwento sa akin si Marj, how he adores her, how beautiful and kind she is. "Paglaki ko, pakakasalan ko talaga siya, siya lang ang gusto ko makasama habambuhay" sabi niya pa.

And by just remembering those words makes my heart torn.

The day they left, is the day I gave him my heart. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako magkakagusto kahit kanino hanggat hindi pa sila kinakasal, malay mo magbago ang ihip ng hangin at isang araw ma-realize niya na ako pala ang mahal niya.

Pero hindi yun nangyari, at hindi na 'yun kailanman pa pwedeng mangyari. I held on to the promise only I made, and made myself suffer and hurt because of the things I made. At isa pa, how can he love me when he doesn't know that I'm inlove with him? How can he love me when he only sees me as a little sister?

When I was in 4th year high school, naisipan kong magsulat ng story at yun nga ang 'Reflection' . Ewan, siguro masyado ng na-crowded sa utak ko ang mga bagay na ini-imagine ko kasama si Jake kaya nag-take action na ang kamay ko na magsulat. Pero hindi ko rin naman yun natapos agad.

When I was in college, nakilala ko si Kinry at ang ka-band mate/boyfriend niyang si Raymond. College din ako nang bumalik siya kasama siya. Sobrang saya ko nang malamang bumalik na siya, but at the same time, sobrang lungkot din kasi sinama niya pa si Marj, naiinis ako n'un at na-i-insecure kasi ang ganda-ganda niya, ang kinis ng balat, ang tangos ng ilong, maputi, maganda ang buhok, matangkad, at higit sa lahat, bagay sila.

That's when I realized na dapat lumayo na ako sa kanya, na dapat kalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero at the same time, nilayuan niya na rin ako. At nung time na yun din naisipan kong ipagpatuloy ang pagsusulat, at dun nga pinasok ko si Marj, ang mang-aagaw na si Marj. Sa story na yun ko inilabas lahat ng imagination ko, lahat ng bagay na gusto ko sabihin sa kanya, kung gaano ko siya ka-mahal at kung gaano ako nagpaka-tanga. Pero hanggang story na lang 'yun. Hanggang story na lang ang lahat.

The thought of them engaged makes me more broken. Hanggang pantasya na lang talaga ako, hanggang imahinasyon lang, dahil bukas haharapin ko na ang nakakamatay na katotohanan.

Ang katotohanang si LJ at Marj ay engaged na.
*************

Comment down what you think...

Ok, sabi ko nga wala akong kausap XD.

REFLECTION: Everything Has Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon