Sa dami ng iniisip ko, hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng university. Nakita ko kaagad ang sasakyan ni Chase na naghihintay sa labas ng gate. Nakita ko ang lalaki na bumaba at palapit sa akin. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa paligid, nakita ko kung paanong ang mga kapwa ko estudyante ay nag bubulungan, ang karamihan sa babae at mukhang kinikilig at nakatingin kay Chase habang ang ibang mga lalaki ay nakatuon ang pansin sa sasakyan nya.
Agad akong naglakad papunta sa sasakyan at nilampasan lamang si Chase na malapit na sa akin. Sumakay ako agad at itinuon lamang ang tingin sa unahan. Bumukas ang pinto ng driver's seat at sumakay na ang lalaki.
"Are you okay?" tanong nito sa akin.
Tumango lamang ako para sagutin sya saka sya nagmaneho paalis ng university.
Nang makarating kami sa mansyon ay dali-dali akong bumaba ng sasakyan at halos patakbong pumasok sa loob. Ramdam ko ang paghabol ni Chase sa akin dahil sa nagmamadali at mabibigat nitong hakbang, wala na akong nagawa ng hawakan nya ako sa braso at iharap sa kanya.
"You're not okay. What's wrong?" tanong nya sa akin.
Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko sa kanya dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit apektado ako sa sinabi ni Cindy. Siguro dahil sa sinabi ng kaibigan na hindi ko naman talaga kilala ang taong ito sa harap ko.
"I'm okay Chase, pagod lang ako." hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi ng parang wala lang sa akin.
Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ni Chase saka naglakad ng marahan paalis.
"Your dress is on your bed. I hired a make up artist for you, to help you get ready for tonight." sabi nya sa akin na sinagot ko ng isang malalim na buntong hininga at pagtango.
Nang makarating sa loob ng kwarto at agad kong nakita ang dress sa ibabaw ng kama. Umupo ako sa tabi nito. It's a burgundy halterneck high slit velvet dress, for sure Chase was not the one to choose this. He must know I don't like this kind of dress. Too much skin to show. Or maybe he did, who knows. I took a deep sigh before getting in to the bathroom.
As soon as I finished taking a shower, I heard a knock on the door.
"Ma'am Rhicole, nandito na po ang mag aayos sa inyo." I heard manang Susan's voice outside.
I put my bathrobe on then opened the door. Nakita ko ang gulat sa mukha ng babaeng kasama ni manang sa labas ng kwarto.
"Salamat po manang." sabi ko kay manang at dumapo ang tingin ko sa babaeng may dala dalang sa tingin ko ay lalagyan ng mga gamit pang make-up. "Pasok po." anyaya ko dito.
Madali naman itong tumango at pumasok sa loob ng kwarto. Inihanda nito ang mga gagamitin sa isang bakanteng maliit na lamesa, habang ako ay umupo na sa upuan malapit dito."
"May naiisip po ba kayong gustong ayos ma'am" tanong nito sa akin habang nakatingin sa dress sa ibabaw ng kama.
"Simplehan mo lang. Ayoko ng masyadong makapal." sagot ko naman
Tumango ito sa akin at nagsimula na akong ayusan.
Hindi tumagal ng isang oras ang pag aayos ng babae sa akin. Tahimik lang kami buong oras. Nang matapos akong tulungan sa pag susuot ng dress ay agad naman itong umalis.
YOU ARE READING
The Substitute Bride
RomanceIn life, it is true that we always need to expect the unexpected. Some things happen because we wanted it to happen, some things happen because it is bound to happen. But what if the unexpected thing that happens breaks us or ruins us. Would we sti...