My Encounter with Dyma

428 19 6
                                    

Alam niyo ba kung gaano kahirap ang maging mahirap?

Isang kayud, isang tuka. Minsan nga may mga araw na walang pagkain sa hapag. Kapag pumupunta ako sa school, malaki na iyo’ng limang peso, kadalasan nga wala pang baon. Nasasarapan na ako sa ulam na toyo at mantika na hinahalo dun sa kanin...basta nakakakain ako, okay na iyon. Iyo’ng gamit ko, punit-punit na damit at isang butas na tsinelas, ni wala nga ako’ng hikaw o pitaka. Aanhin ko naman ang mga iyon eh hindi naman gaganda ang marungis ko’ng mukha at hindi ko naman malalagyan ng pera iyo’ng pitaka. Lumaki ako sa kalsada, nagsasayaw, kumakanta, at pati na nga rin rap ginawa ko na basta lang makalimos at may makain. Alam niyo bang may batas na nagbabawal na magbigay ng limos sa mga batang-lansangan? Pero buti na lang talaga,may mga tao’ng malambot ang puso at nagbibigay pa rin. Paano ko alam ang tungkol sa batas na ito? Kinahiligan ko na kasi ang magtago tuwing recess at lunch time at magbasa ng libro pampalipas-gutom. Kapag uwian na, hindi rin agad ako umuuwi at magtatambay na lang dun  sa poste na may ilaw malapit sa’min para magbasa o kaya naman gawin iyo’ng assignment. Kasi naman alam ko’ng kapag uuwi ako sa maliit naming papag, ang dadatnan ko ay ang aso’t-pusa’ng bangayan nina tatay at nanay.

Pera.

Iyon ang wala kami. Pero iyon pa ang palaging pinag-aawayan ng mga magulang ko. Kapag dadating ako, ni-‘hi’ ni-‘ha’, wala silang masabi sa’kin. Kasi naman, si nanay busy sa pagtataray kay tatay at si tatay, busy kaka-depensa ng sarili. Kaya pagkatapos ko’ng magpalit at isampay iyon nag-iisang uniform ko ng maigi sa likod ng pinto, natutulog na ako agad sa sahig. Walang banig, walang kumot, wala ako’ng pakialam basta lang makatulog ako nang sa ganun hindi ko na marinig ang pag-aaway ng mga magulang ko sa isang bagay na wala naman kami. Bakit ganun ang mga tao? Ang hilig maghanap ng wala sila. Hindi na marunong makuntento... hindi na marunong tumingin sa ano’ng meron sila.

Kaya hayan. Kakahanap ni nanay ng pera, iyo’ng buhay na meron siya...ngayon wala na. At si tatay? Hayun, iyo’ng kalayaan na minsan meron siya... ngayo’y nasa rehas na.

Sayang.

Kasi graduation ko pa naman. Nakatapos na ako ng hayskul sa sariling pagsisikap. Akala ko magiging proud sila sa’kin. Paano ko naman malalaman na proud nga sila sa’kin kung wala naman sila dito?

Sayang.

Valedictorian pa naman ako. Hinakot ko pa lahat ng academic awards. May ribbon pa ako’ng most behave, most helpful, at perfect attendance. Pero sino ang maglalagay ng mga ito sa’kin ngayon? Ang araw na akala ko ay magiging masayang araw.... nagkamali ako. Buti at andyan advisor namin, siya na lang ang naglagay sa’kin ng mga medalya at ribbons. Pero alam niyo kung ano’ng masakit?

Iyon ay ang pilit ako’ng ngumiti sa stage habang inilalagay sa’kin ang mga iyon.

Kasi hindi ko na makayanan ang mga gastusin sa College kahit na scholar ako, tumigil ako at naghanap na lang ng trabaho. Kaso, ang saklap pala ng mundo ano?

Maraming mapanghusgang tao.

Porke mahirap lang kami, marumi na kami? Porke ba, mahirap lang kami, kami na agad ang kumuha nung nawawalang pera? Porke ba mahirap lang kami, kami na iyo’ng masama?

Porke ba mahirap lang kami, kami na agad ang kriminal?

Oo, pinatay ni tatay si nanay pero hindi ibig sabihin nun, katulad niya rin ako. Ni hindi nga kami nag-uusap niyan eh maliban na lang kung may i-uutos siya sa’kin. Ni hindi nga kami magkakilala maliban sa anak niya ako at tatay ko siya. Kasi naman, babad siya noon sa sugalan kaya nga parati silang nag-aaway ni nanay. Kaya bakit ako magiging katulad niya? Lumaki naman ako’ng may sariling prinsipyo.

Dyma's MaidenWhere stories live. Discover now