Her 4 Letter Words

274 16 4
                                    

It all started with a SONG. Intramurals noon sa school at ikaw ang lead singer ng band sa seksyon niyo. Nakakatuwa nga iyo’ng kanta niyo eh, Geek in the Pink. Bagay na bagay iyo’ng kanta sa boses mo lalo pa at ang ganda mo magpronounce.

Hindi man kayo nanalo, mas dumami naman ang mga taga-hanga mo. Akalain mo iyon, marunong ka palang kumanta?

LIKE

Sumikat ka dahil apelyido mo Dirham at ang gwapu-gwapo mo pa. I’m never the type to like that sort of guys kasi I already branded them as spoiled brats. Pero hindi pala lahat katulad ng iniisip ko. Kahit nabunyag na iyang talent mo sa pagkanta at kahit itinanghal ka nang Mr. Intrams sa taong ito, you still try to avoid the spotlight. Hindi ko alam na ganito ka pala ka-humble so I smile.

“Konti lang naman ang mga tanong ko, kaya relax ka lang, Dyma,” sabi ko. Parati mo kasing kinakamot ang batok at iniiwas pa ang mga mata sa’kin kaya nahahalatang ni nenerbiyos ka. Ilang beses ka na bang na-interview for School Paper at mukhang hindi ka pa ata sanay? Swerte na nga lang at ako iyo’ng interviewer mo ngayon eh.

Ilang segundo ka rin tumingin sa’kin, pagkatapos ay ngumiti ka ng nakakabaliw. “Sino bang nagsabi na ni nenerbiyos ako?”

With that we both laugh. Sa sobrang humble ng tingin ko sayo, hindi ko inakalang may quirky side ka rin pala. You’re a wit in replies and I enjoy every minute interviewing you. Since then, I realized, I already LIKE you na pala.

PAIN

Sem break passed and everybody talks about how they spent their vacation. Dapat sana masaya ako kasi makikita ulit kita, but I’m not. Dahil sa member ako ng Media Club, isa ako sa unang nakakaalam na may girlfriend ka na pala. It gives me PAIN both in the heart and my ears. PAIN in my heart kasi ikaw ang unang lalaking nagustuhan ko na hindi artista o anime character. PAIN in my ears kasi paulit-ulit na iyang kinu-kwento sa buong campus.

Sabi nila taga-ibang school daw iyo’ng girl. Ayos!

Matalino daw. Ako ang nangunguna sa honor list ng second year.

Athletic din. Mabilis ako’ng tumakbo kapag hinahabol ng aso. Counted na ba iyon?

Maganda. Okay, I lose. Ano bang maganda sa babaeng malabo ang mata katulad ko?

Maputi. Yah! Yah!

Makinis ang balat. Okay, siya na ang Miss Universe.

Balingkinitan ang katawan. I get the point, fine! Siya na ang maganda, ako na iyo’ng kakambal ng basahan. Kailangan ipagiitan?

“Kailangan mo ng tulong?”

“Anakng-!”napatalon ako paatras bigla, kasi bigla na lang dumungaw iyang kagwapuhan mo sa harapan ko. Eh, iniisip pa naman kita. Buti na lang talaga hindi ko nalaglag ito’ng mga library books na hihiramin ko dahil kahit gusto kita, sasapakin talaga kita ng todo.

“Pfft! Sorry, nagulat ata kita,” sabi mo habang pigil ang tawa. Honestly, Dyma, bulag ka ba? Hindi pa ba halata iyo’ng reaction ko kanina?

Napakunot-noo ako bigla. Ngayon mo lang kasi ako kinausap. We smiled and said ‘Hi’ before when we passed by each other pero hindi ka talaga huminto at kinausap ako. Not like may pag-uusapan naman tayo unlike that interview.

“Ayaw mo ng tulong?”

“Oh, righ.... here.” At ibinigay ko na sayo ang kalahati ng dala ko. Masama kaya ang humindi sa grasya lalo na at si crush ang nag-offer.

“Ang bigat nito ah,” natatawa mo’ng sabi habang inaayos ang pagkakahawak sa mga libro.

“Ingatan mo iyan, baka masira. Wala pa naman ako’ng pera.”

Dyma's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon