His 4 letter Words

390 22 10
                                    

Kinukulit ako ni Ryder kung ano raw iyo’ng kakantahin ng banda. As the lead singer daw, ako iyo’ng dapat pipili ng kanta. Pero honestly, napilitan lang ako’ng maging lead singer. Sakto namang dumaan ka sa kiosk na tambayan namin at umihip bigla ng malakas iyo’ng hangin kaya na-aninag ko iyo’ng pink mo’ng shorts sa ilalim ng palda.

Napangiti ako. Wala kasi sa itsura mo ang magsuot ng something pink.

“Oie, sino iya’ng nginingitian mo?” pangungulit na naman sa’kin ni Ryder. Agad ko namang inilayo ang mata ko sa direksyon mo at nagconcentrate na lang sa laptop kung saan kasalukuyan kaming naghahanap ng  kanta. “Akala mo hindi ko iyon mahahalata? Si Miss Geek iyo’ng nginingitian mo eh.”

GEEK

Iyan ang tingin ng mga tao sayo, kaya iyan na din ang naging tingin ko sayo. Kahit ano’ng pilit ko’ng saway sa isipan na huwag nang isipin iyo’ng pink shorts mo, hindi ko talaga magawa eh. Kaya kahit na pumipili na ako ng kanta, ikaw pa rin ang lumalabas sa isipan ko.

“Kung iyo’ng ‘Geek in the Pink’ na lang kaya ang tugtugin natin?” Sumang-ayon naman agad ang buong barkada, kaya iyan na ang kinanta ko nung ‘Battle of the Bands’.

Sabi pa nga ni Ryder sa’kin, “May pinaghuhugutan?”

EYES

There’s this saying or something like it that states... attraction first born in the EYES of the beholder. Kaya siguro kahit kumakanta na ako, hindi ko pa rin magawang lumayo ng tingin sayo. You were smiling all the way kaya mas ginanahan ako’ng kumanta lalo. Okay lang na natalo kami, kasi sulit naman iyo’ng nakita kitang ngumiti pa rin.

Akalain mo iyon, nakikinig ka rin pala sa ganito?

CUTE

I find you CUTE nung bigla mo ako’ng nginitian at sinabi’ng “Konti lang naman ang mga tanong ko, kaya relax ka lang, Dyma.”

Napakamot ako nang batok for the umph-time. Hindi naman kasi ako sa interview ni nenerbiyos eh. Hell, I’ve been interviewed many times sa mga magazines. It’s just the fact that ikaw iyo’ng interviewer kaya hindi ako mapalagay. Not when I already find you CUTE.

“Sino bang nagsabi na ni nenerbiyos ako?” sabi ko na lang at akala ko magagalit ka sa ipinakita ko’ng angas. Bagkus, tumawa ka kaya napatawa na rin ako. Your laugh is very contagious, I tell you. I thought you’re the type who has no sense of humor –  cuz as far as I know, geeks are serious – pero mali pala ako. Don’t judge the cover as they say. You’re a bucket of humor while interviewing me and I gave witty replies for a match. Since then, I always got my EYES on you.

SHAM

Palagi ako’ng kinukulit ng barkada kung kailan raw ako magkaka-girlfriend. Halos araw-araw na lang, tinatanong nila iyan sa’kin. I’m a person with patience but I’m still human so umabot talaga sa point na gusto ko na silang patayin isa-isa nang matahimik na ang sembreak ko. But rather on doing that – I opted for a SHAM.

“Taga-ibang school ?” tanong ng barkada. Hindi ko alam kung bakit mukha mo iyo’ng lumabas sa imagery ko as my imaginary girl. Hindi ka naman taga-ibang school.

I heaved a sigh. “Yup.”

“Matalino?” She’s wearing eyeglasses.

“Yup.”

“Athletic ba iyan? Gymnast? O Volleyball player?” Napangiti ako. Naalala ko kasi iyo’ng time na muntik ka nang ma-late. Ang bilis mo’ng tumakbo nun ha, para kang hinabol ng aso.

“Yes, no and...” Hindi mo nga magawang saluhin iyo’ng notebook ng klasmeyt mo na one feet lang ang layo, bola pa kaya ng volleyball? “... no.”

Dyma's MaidenWhere stories live. Discover now