CHAPTER 31

26.2K 404 12
                                    

BETHANY'S POV

Nakatulala lamang ako nang muli kong maalala noong umalis kami ng bansa, nagulat pa ako noong tumakbo ang mga anak ko 'yon pala nandoon siya sa di kalayuan at nakatitig sa'min.

Ang mga eksenang 'yon ay mas lalong nagpabiyak ng puso ko, ayoko mang gawin ito, ang ilayo sila sa ama nila pero hindi na ako makahinga doon... gusto kong pahilumin ang mga sugat ko, ang dami na, sobrang dami.

That was two weeks ago, and I was surprised because when I looked for the kids last week, I found them in their room, giggling while looking at my laptop.

I almost had a heart attack when I saw that they were using my account and talking to their father through video call. I just left and didn't complain anymore. I didn't show myself to him even though the kids were calling me.

Siguro, mas mabuti nang ganito para magkaroon ng silbi ang pagpunta namin dito. Kapag kasi nagpakita pa ako sa kanya, o di kaya makita ko siya baka maudlot yung pagmo-move on na ginagawa ko.

Walang araw na hindi siya tumatawag at kinakausap ang mga bata kaya hinahayaan ko nalang na nakabukas yung laptop ko palagi. Pagkagising ng mga bata titingnan kaagad nila kung tumatawag ito at kukulitin kung kailan ito susunod rito sa France.

Umiiwas na lamang ako, atleast alam ko kung kailan ko siya iiwasan kasi alam ko rin kung anong oras siya tatawag. We are in different time zone because France is six hours behind the Philippines at hindi ko alam kung natutulog ba siya, pero ayoko nang isipin 'yon... Ayokong makisali sa usapan nila ng mga bata.

At first, Dad didn't want us to leave, so when he couldn't convince me, he came here with us. Dad is a business-minded person, but he let go of all his ambitions to start a business in the Philippines because he didn't want to be left behind.

I convinced him to set up his business here, and Jack and Primo need to go back every month because of their Ironclad Motorcycles. It is a high-end, boutique motorcycle manufacturer known for its handcrafted, custom-built motorcycles. They also want to set up another branch here, but there are a lot of processes to be done, so they will go back there next week and return here next month.

Duncan stayed here for a week and immediately went back to the Philippines because he promised me he would take care of my flower farm and flower shop. I'm so thankful for having Duncan in my life. He's trustworthy and never lets me down.

We have four helpers here in our house. Two help around the house, and the other two are my children's nannies. They're the ones who take the kids to school, and Daddy drives. Ang totoo di naman na kailangan pang kumuha ng maids kasi kaya ko naman ang mga gawaing bahay, kaso ayaw magpaawat ni kuya Primo.

Pumagitna ako noong una pero pinagalitan niya lang ako kasi ang tigas raw ng ulo ko. Di nalang ako nakipagtalo pa kasi pinagtulungan pa nila ako ni Jack.

Napaigtad ako nang marinig ko ang malakas na pagtunog ng phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Duncan sa screen kaya mabilis ko itong sinagot.

"Duncan!"

"Hey, how are you? How's the kids?"

"Ayos lang ako, at ang mga bata nandoon sa painting room."

"I'm glad to hear that you're doing good Bethany... Nga pala, naibenta ko na ang shares mo sa Delmonio Aero Imperium, si Mr. Decatur ang kumuha ng shares mo at naipasok ko narin sa account mo. Sinunod ko lahat ng bilin mo."

Napangiti ako sa kawalan at umupo sa bakanteng upuan na nasa gilid ko.

"Salamat Duncan, sa lahat ng tulong at pagta-tiyaga mo. I owe you a lot, di ko alam kung paano ko mapapangalagaan ang lahat ng negosyo ko kung wala ka."

DEVIL'S WRATH 6: Cruise Delmonio (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon