IASASL 13: Surprise Celebration

4.7K 144 16
                                        

This story is not affiliated to La Salle.

IASASL 13: SURPRISE CELEBRATION

Christine Villahermosa:

"Aba't ibang-iba talaga ka ngayon, Tampipi, ah!"

Malawak ang aking ngiti nang makita ko si Mayang at Jenen. Mas lalo ko silang ininggit nang tumalikod ako sa kanila, hinawi yung buhok ko sa likuran para ipakita yung apilyedo na nakalagay sa jersey na suot ko ngayon.

"Hoy! Ba't mo suot 'yan?!" Sigaw ni Jenen.

Tumalikod ako ulit para makita silang dalawa. They were kind of shock, dahil sa ipinakita ko sa kanila. Tinawanan ko nalang silang dalawa. Inggit pikit!

"Syempre, kailangan ng support ni bebe my labs!" Sabi ko, sabay ngiti nang malapad. "Tara na! Baka hinahanap na ako nun!"

I pulled them towards the entrance. Ipinakita ko ang tatlong tickets sa guard bago kami pumasok sa loob. Agad naman kaming tumungo sa aming seats, na nasa harapan. Malapit sa mga players nang school namin.

"Kayo na ba ni Jeff?" Tanong ni Mayang sa akin.

"Hindi pa, pero malapit na," nakangiting saad ko.

"Ay, weh? Pinatulan ka talaga ni Jeff?" Jenen joked.

I smirked. "Syempre, beh! Ang ganda ko kaya," I said, confidently flipped my hair towards her face. "Inggit ka lang!"

"Ano ba 'yan, Tampipi!" Reklamo niya.

I laughed at her. Mukhang nalalasahan niya yung mabango kong buhok. 'Wag ka! Hanna shampoo lang naman yung ginamit ko saka keratin. Pagkatapos niyang mag-reklamo ay binelatan ko nalang siya.

Napatingin ako sa mga player ng school namin. Syempre, sinulyapan ko na rin ang aking bebe my labs na nag-wa-warm up. Kinuha ko yung phone ko saka kinunan siya ng litrato. Finally! May pang-wallpaper na ako.

Nang muli ko siyang sinulyapan ay nagtataka siyang nakatingin sa gawi ko. I chuckled and waved at him. Nang makumpirma niya na ako 'yon ay gulat siyang kumaway sa akin. Akala ko ay babalik na siya pag-wa-warm up dahil tinawag na sila ng coach niya pero nakita ko nalang na bigla siyang naglakad papunta sa gawi namin.

"Hindi niya alam na manonood ka?" Tanong ni Jenen sa akin.

Umiling lang ako. "Gusto ko siyang supresahin," sabi ko. "Teka, lalapitan ko muna."

Pagtayo ko palang ay tumili yung ibang tao dahil nasa baba si bebe my labs, naghihintay sa akin. Habang naglalakad ako papalapit sa kanya ay ramdam ko yung mga tingin nila. Bigla naman akong kinakabahan, dahil alam mo na... ma-issue ang madlang peeps.

"Surprise!" Ngumiti lang ako nang malapad sa kanya. "God bless sa laro niyo, Migs."

"Baby, you came..." Hindi makapaniwalang saad niya. "I thought you can't come, dahil may lakad kayo nila tita."

I chuckled. "I just want to surprise you. And success naman ako."

"Sinusuot mo rin yung jersey na binigay ko sa 'yo," aniya habang napatingin sa suot ko. Agad naman akong tumalikod para makita niya yung apilyedo niya. "Bagay na bagay sa 'yo yung apilyedo ko. Don't worry, hindi lang sa jersey ko masusuot yung apilyedo, kung hindi sa pangalan mo na."

I'm a Secret Agent (Secret lang!)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin