IASASL 19: A Mother's Instinct

3.8K 110 14
                                        

IASASL 19: A MOTHER'S INSTINCT

Christine Villahermosa:

"What are you doing, Tine?"

Bigla akong napatigil sa ginagawa ko nang marinig ang boses ni mommy. Nakaluhod ako sa tabi ng isang estrangherang babae, sinusubukan kong alisin ang maskara niya para makita kung sino siya. Tumayo agad ako, kinakabahan habang nagtataka.

"Ah... mommy."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay mommy, habang pilit kong iniisip kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon. Iinom lang sana ako ng tubig pero napapasabak ako sa laban!

Lumapit si mommy habang napatitig sa babaeng nakahandusay sa sahig. Nakita kong nagbago ang ekspresyon niya, halatang hindi niya din ito namukhaan. Ngunit, nagbago ito... nagulat siya habang tinititigan ang mukha nito.

"Sino siya?" Nagtatakang tanon ni mommy habang nakatitig pa rin sa babae.

"Hindi ko alam, mommy," sagot ko. "Bumagsak siya dito bigla, habang nakikipag-laban sa isang assassin. Mukhang prinotektahan niya tayo sa possibleng gagawin nila sa atin."

Agad siyang tumingin kay daddy. "Tulungan natin siya, hon," aniya nito.

Tumango lang si daddy saka binuhat niya yung babae at mabilis niyang dinala sa kotse upang madala namin siya sa hospital. Tinabihan ko ang babae para alalayan siya. Hindi ko maiwasan mapatitig sa kanyang mukha nang maibaba ko yung maskara niya.

Hindi ko alam kung bakit parang pamilyar sa akin ang mukha niya, parang may kamukha siya. Sino ba siya? At bakit niya kami tinutulungan?

"Hon, kayo muna ang bahala sa dalawang 'yon," habilin ni mommy bago pinaandar yung kotse. "Balitaan niyo 'ko."

Tumango si daddy. "Mag-iingat kayo, hon," sabi nito saka tumango din sa kanya at napatitig sa babae saglit bago ito umatras.

Pagdating namin sa ospital, inaalalayan kami ng mga nurse at doktor. Marami pang tinanong yung nurse sa amin tungkol sa kanya, ngunit wala kaming alam. At hindi namin siya kilala.

Habang naghihintay kami sa labas ng emergency room, sa waiting area. Napansin kong palakad-lakad si mommy, halatang hindi mapakali. Naka-upo lang ako habang nakatingin sa kanya, kung paano naging aligaga si mommy. Ano kaya ang problema ni mommy? Kilala niya kaya yung babae kaya ganyan siya?

"Mommy, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Napatigil siya paglalaka at dahan-dahang bumaling sa akin. Hindi ko maiwasang mapa-isip na may kahulugan ang mga tingin niya. Parang may gusto siyang sabihin sa akin, ngunit hindi niya alam kung paano sasabihin.

"Tine," mahinahon niyang tawag sa akin. "Meron akong hindi pa nasasabi sa'yo. Tungkol ito kay Irene... ang nakakabatang kapatid mo."

Nanlaki ang mga mata. "May kapatid pa ako?"

Nagulat ako sa sinabi ni mommy na may nakababatang kapatid pa ako. Ako? May kapatid? Paano nangyari 'yon? Akala ko si Kuya lang ang kapatid ko? Paano hindi ko man lang naalala na may kapatid pa ako?

"Oo, Tine," sagot niya. Tila para mabigat para sa kanyang sagutin 'yon. "Nang maliit pa kayo nina Chan at Irene. Naglalaro kayo noon sa playground malapit sa bahay."

Pilit kong inaalala yung dating playground sa tapat ng bahay namin, ngunit nagsara na 'yon at tinayuan nalang ng bahay. Kung tama yung pagkaalala ko, 5 years ago ata 'yon.

"Chan was eight, while you were four and Irene was two years old." Nakikita ko ang sakit sa mga mata ni mommy habang sinabi niya 'yon. "Habang naglalaro kayo, may lumapit na lalaki. Kinuha niya si Irene. Napansin ni Chan at agad siyang sumunod, pero... nawala sila. Hindi na namin nakita si Irene."

I'm a Secret Agent (Secret lang!)Where stories live. Discover now