Chapter 1- The Good Kissers

25.4K 365 40
                                    

Chapter 1-The Good Kissers

First day of school sa Chireo High,hindi naman sa kinakabahan ako as a transfer student pero hindi naman maiiwasan yon kahit gaano pa ko katapang.

Ang hindi ko lang magets ay bakit sobrang layo ng school na papasukan ko,ewan ko ba dyan kay mommy mas trip pa kong ipasok sa mamahalin na school na yon.

"Airin! Gusto ko marami ka ng friend doon ha!"sabi ni mommy,tss ayoko makipag friend kaya nga lagi ako mag isa.

"Sige mom! Alis na ko!"humalik ako sa pisngi nya at lumabas na ng bahay suot ang uniform ng Chireo. Ayos lang naman yung uniform nila,pantao.

Sumakay na ko ng bus,2 hours ang byahe eh syempre soundtrip soundtrip lang, hangang sa nakarating na ko sa Chireo High,ayos lang naman yung gate ang nakakalula yung mahabang pathway na lalakarin mo pa papasok.

Habang naglalakad ako may naririnig akong parang takbo ng kabayo kaya napalingad ako at --

ASDFGHJKL MGA MUKHANG KABAYO NGA! I'm not kidding parang may marathon ata at nagsisitakbuhan sila,isang damukal ng babae kaya ako naman hindi ko alam kung san ako tatabi kasi halos buong pathway eh masisik ako!

"Bilis girls ayan na sila!"one of the girls screamed.

Takte sino? may aswang ba sa school na to?! Nanlalaki na yung mata ko sa takot and hell yeah ayan na nadadali na nila ako at napaluhod na ko sa semento hindi man lang inisip na may tao!

"Shit."sabi ko na lang habang pinapanuod tumakbo palayo yung mga babae,gusto nyo malaman mukha ko ngayon? Eto lang naman sabog lang sa mukha yung buhok ko,letse mga babaeng yan!

"Tss."napalingon naman ako kung sino yung nagtss na yon,tumingala ako at ang sama nga ng tingin nya sa mga babaeng nagtatakbo tapos sabay tingin naman sakin.

Nagtitigan lang kami,ewan ko ba gusto ata makipaglabanan ng titigan ng mokong na to eh e di titigan ko din.

Nakahood nga pala sya,nilalamig? Init init sa 'Pinas makajacket wagas. Shabu pa kuya.

At ayun after 1 minute inalis na nya yung pagkakatitig sakin at nagsimula ng maglakad,tinignan ko lang sya maglakad patalikod,matangkad si kuya at may pagkapayat.

"Hi!"napalingon naman ako kung sino yung nagsalita ulit.

"Hellow."sabi ko naman habang tingin ako ng tingin sa itim sa big tooth nya ang kapal pati ng kilay nya,sa madaling salita panget sya. Hindi ako laitera pranka lang.

"Wah! Ikaw pala si Heroine Airin Valdez! Yung transfer galing pa sa Iraq!"napakunot naman yung noo ko sa sinabi nya.Iraq? Paris ako galing noh! Iraq sya dyan baka ipatapon ko sya doon eh! Malamang kaya nya nalaman name ko ay dahil sa name plate sa damit ko.

"Correction: Paris not Iraq."sabi ko sa kanya na tumayo na ko sa pagkakadapa.

My Cousin Is A Good KisserWhere stories live. Discover now