Chapter 4- Battle of the Bands

13.7K 248 31
                                    

Chapter 4 - Battle of the Bands

Airin's POV

Nakatayo pa rin si Gene at tulala,masidhi nyang pinagmamasdan ang dal'wa sa stage na lumampas na ang 5 minutes ang laplapan. Gusto ko sanang paghiwalayin yung nguso nila eh kung pwede lang umepal sa harapan kaya lang baka masabihan pa kong KJ.

Kaya naman lalapitan ko na lang si Gene. Kaya lang ng papalapit na sana ako ay bigla naman syang nag walk out palayo kaya hinabol ko.

"Gene!"tawag ko sa kanya pero hindi man lang tumigil ang alien, pero hinahabol ko pa rin sya btw naka killer heels nga pala ako o bonga nakatakbo ako.

"Gene! Saglit lang hintayin mo ko!"sigaw ko sa kanya na nakarating na kami sa labas pero dahil kakahabol sa kanya hiningal ako at napahawak sa dalwa kong binti at hinahabol ang hininga.

"Sabing hintay eh."sabi ko sa sarili ko habang hinihingal pa rin, pinagpapawisan ako ano ba yan! Nagtataka kayo kung bakit concern ako? Pwes hindi ako concern dyan kay Alien! Naalala ko lang kasi yung sinabi sakin ni Tita Heart (nanay ni Gene) na....

"Pag si Gene sobrang lungkot minsan naiisipan nyang magpakamatay kaya naman kung may ano manyare sa kanya ay alalayan mo makakaasa ba ako sa'yo Heroine?"sabi ng nanay nya noong nasa bahay nila ako.

Syempre sagot ko "Paki ko ho ba dyan kung magpakamatay yan. Ang saya pa nga eh kung mangyare yon." syempre joke lang eto sagot ko "Makakaasa kayo Tita,aaalagaan ko ho anak nyo." bait ko noh?

Pero syempre may isa ako salita at kung may mangyare kay Genesis na hindi maganda konsensya ko pa hayss nako problema ko pa tuloy sya imbis na sya lang may problema pero grabe lang naman talaga ginawa ni Luhan at Jess may relasyon pala di man lang sinabi ng maaga di man lang ako binulungan,joke.

"Hayaan mo na sya." napalingon ako sa kung sino nagsalita sa likod ko, napasinghap ako ng hangin ng nakita ko sya.

"Bat ka andito?Baka nabitin ka pa sa kissing scene nyo?"tanong ko sa kanya na kaharap ko ngayon.

"Gusto ko lang makita kung gaano sya kawawa." sabi nya na ngumiti pa, sarap hambulusin ah!

"Galing mo rin Luhan,actually naging idol tuloy kita,push mo yan ha? Geh bye." sabi ko sa kanya na may pagka sarkastiko ang boses ko kaya naman tumalikod na ko at magsisimula na ng paglalakad kaya lang may humawak sa kamay ko.

"Don't touch me."may pagkalalim ang boses ko,actually kahit wala akong concern kay Gene mali pa rin kasi ang nakikita ko ngayon eh kaya medyo galit ako dito sa Luhan na 'to.

"Bakit mo sya susundan? Gusto mo ba sya?"tanong nya,kaya naman napatingin tuloy ako sa mga mata nya na ngayon ay.... nakakataas balahibo.

"Wag ka magtanong di tayo close bitawan mo na ako." kalma pa rin ako mga pare at mare sayang ang beauty ko kung papatulan ko ang jerk na 'to.

"Gusto mo nga sya?"

"Bat ba ang usisa mo,wag mo na nga ako paki alaman eh kaw nga eh hindi ko na tinatanong kung paano mo nagawa sa kaibigan mo ang bagay na 'yon. Uso karma Luhan."sabi ko at pagkasabi ko na non tinabing ko yung kamay nya saka sabay flips hair at lakad.

Nang medyo malayo na ko nakarinig ako na parang may bumagsak kaya napalingon ako at nakita ko doon si Luhan na nasa lupa at hawak ang pisngi nya.

"How stupid it is Luhan?" oh umiinglish ang peg alam na kung sino. E di si Calvs na ngayon ay parang lumabas ang isang side nya. Tumalsik yung eyeglasses nya sa paanan ko siguro gawa ng impact ng pagkakasuntok nya kay Luhan kaya naman pinulot ko agad ito.

My Cousin Is A Good KisserWhere stories live. Discover now