Chapter 2- Be My Partner

16.1K 272 31
                                    

Chapter 2- Be my partner

Airin's POV

"Hi! Airin!" kahit hindi ko kita ,alam kong si Jess yung bumati sa'kin,nakadown head kasi ako sa lamesa at tamang lunch time pero bad vibes ako kaya ayoko kumain.

Bakit ako bad vibes? Isang dahilan lang naman! Dahil dyan sa alien na kasama ko sa bahay, kaninang umaga kasi ako dapat yung una maliligo pero ganito yung nangyare.

Dahil 7:30 na ko nagising at sa taya ko din ay parehas kaming nagising ng late dahil lumabas sya ng kwarto nya ,sa sala kasi ako natutulog,pag tinamaan nga naman ng pagkagentleman yang alien na yan eh iisa lang kasi ang kwarto ng dorm nya at iisa rin ang CR.

At ang ikinaiinis ko pa ang hilig nya magsuot ng boxer short! Di man lang mahiya na may babae sa bahay nya! Boxer short lang suot nya mga ate at kuya!

Nasa pinto na ko ng CR ng bigla syang lumabas ng kwarto nya at agad syang tumingin sakin at lumapit,nung una akala ko kakausapin lang ako (pero sinisikap kong wag tumingin at hangang ulo lang ako tumingin sa kanya DAHIL ANG SAGWA!) pero laking gulat ko nung bigla syang tumakbo papasok sa CR!

"Hoy alien! Ako nauna sayo lumabas ka dyan!"kinakatok ko yung pinto at hindi ko yon titigilan hangat hindi sya lumalabas!

"Hoy! ALIEN!!"wala pa rin akong tigil sa kakatok.

Mga 5 minutes na rin ako nambubulabog sa kanya ng laking gulat ko na nagbukas yung pinto at nakatingin sya sa'kin na basa na nga yung buhok nya at mukhang seryoso.

Nakahubad na rin ata sya? Aba ewan ko baka may makita ko mavirginize pa yung mata ko!

"Halika."sabi nya na seryoso parin yung boses,hinawakan nya bigla yung wrist ko at---PINASOK SA CR!

Agad nyang sinara yung pinto ng CR at nilock! At oo kaming lang dalwa ni Gene sa CR! Anong balak nito?!

Nasa tapat kami ng shower nababasa na rin ako pinipilit kong humiwalay sa kanya pero ang lakas eh di ko matanggal yung pagkakahawak nya!

"Anong balak mong alien ka!?"

"Sabay maligo."

"Ano?!"

"Conserve water."

"Ano?!"

"Bingi ka ba?"

"Ang adik mo!"sabi ko ng aalis na sana ako at papunta na ng pinto ng hinawakan nya yung dalwa kong shoulder na kinagulat ko.

"Naalala mo ba yung sinabi ko sa bahay ni mommy?"nakahalf smile sya sa pagkasabi ng bagay na yon,nagtanong pa ang bruho malamang tandang tanda ko yon no! Yun ata ang most epic line sa buhay ko!

'Baka mabuntis ko yan.'arghhh sumasagi pa lang sa utak ko hindi ko na mapigilan masuka!

"Oh a-ano naman?" anong nangyayare sakin bakit nauutal ako?!

"Kinakabahan ka na?"

"Ha-huh?! Ba-bat na-naman ako kakabahan!"

Ngumiti lang sya nang nakakaloko bigla nya kinuha yung sabon malapit sa kanya "Bakit ka nakatingin? Gusto mong ikaw mag sabon sa kin?" ASDFGHJKL sumusobra na tong alien na 'to ha!

Gusto nya ng laro ha? Pagbigyan natin,patibayan tayong dalwa ng kalokohan Mr.Genesis Valdez.

"Yup,pero saglit ha?" nagsmile din ako sa kanya pero yung sweet at seducing,tignan lang natin kung sino ang aayaw sa gagawin kong to HAHAHA.

My Cousin Is A Good KisserWhere stories live. Discover now